Note: Levi's Supernova will take a month-long hiatus after this update. Levi and Sunny will return on the last week of May (or could be earlier). Magpo-post kasi muna ako ng new stories dito. Kapag okay na sila, babalik uli agad dito.
***
SHE slept on me, huh?
Hindi ko alam kung maiinis ako o maaaliw nang ma-realize kong tinulugan lang ni Sunny ang confession ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung narinig niya ko dahil nang lingunin ko siya, nakita kong natutulog na siya.
Puwede ring narinig niya ko pero hindi niya alam ang isasagot kaya natulog na lang siya para siguro hindi ako mapahiya.
Kumunot ang noo ni Sunny na parang nananaginip siya ng hindi maganda. Pagkatapos, tumagilid siya ng higa kaya mas nagkaro'n ako ng access para titigan ang mukha niya.
If only you could see what I see in you, Sunny.
Tumigilid din ako ng higa para mas matitigan siya. Gusto ko sanang haplusin ang mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong hawakan siya habang natutulog siya dahil ayokong isipin niyang sinasamantala ko ang sitwasyon.
There's something about Sunny that seems so familiar. Nararamdaman ko na 'to simula pa lang no'ng unang beses ko siyang makita. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit para bang ang tagal na naming magkakilala.
Na para bang matagal ko na siyang hinihintay.
Did you really break the curse, Sunny?
Habang nakatitig ako sa kanya, bigla akong hinila ng antok. Namalayan ko na lang na napapapikit na ko pero hindi ko 'yon napigilan. Pagkatapos, sumalubong na sa'kin ang kadiliman at katahimikan.
Hanggang sa mayamaya, nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng isang indoor gym habang may hawak akong bola ng basketball.
Am I dreaming about my time as a human?
"You're not here from this universe, are you?"
Nagulat ako sa tanong na 'yon at nang lingunin ko ang nagsalita, sumalubong sa'kin ang isang lalaki na mukhang nalalapit sa edad ko no'ng tao pa ko. Nakasuot siya ng school uniform na hindi pamilyar sa'kin.
Now that I think about it, I'm wearing the same school uniform that's definitely not what I used to wear in St. John College.
"Who are you?" tanong ko sa lalaki sa harapan ko. Ngayong tinititigan ko siya, na-realize ko na pamilyar siya sa'kin. "Have we met before?"
"This is the first time we met in this universe."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "In this universe?"
Bago pa makasagot ang lalaki, may nakakasilaw na liwanag na ang sumabog sa paligid.
The next thing I knew, I was already awake. Bumalik ako sa present time kung saan nakahiga ako sa kama at nakatitig kay Sunny. Pero 'yong isipan ko, naiwan sa nakita ko kanina. Panaginip ba uli 'yon?
Naputol lang ang pag-iisip ko nang nagmulat na ng mga mata si Sunny. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin na para bang hindi pa siya tuluyang nagigising. But at least she didn't scream.
Napangiti ako. Nagmukha kasing baby si Sunny dahil sa innocent look niya ngayong kagigising lang niya. Para bang wala siyang kamuwang-muwang sa mundo. "Hey."
Mukhang tuluyan nang nagising si Sunny dahil sa pagbati ko sa kanya. "Hey."
"It's time for you to go, Sunny," sabi ko kahit mahirap para sa'kin ang pakawalan siya. "Palubog na ang araw. Delikadong maglakad sa dilim kaya mas mabuti kung aalis ka na ngayong medyo maliwanag pa sa labas." Saglit akong natigilan nang may maalala ako. "Mas mapapanatag sana ako kung nagpasundo ka na lang sa pinsan mo. Sigurado ka bang ayaw mo siyang tawagan?"
Umiling siya bago sumagot. "Duwag si Vince. Baka adrenaline lang kaya siya napasugod dito kanina. Siguradong maiihi 'yon sa takot kapag bumalik siya rito sa mansiyon, lalo na't alam na niyang totoong buhay na manika ka." Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin na para bang may nakikita siyang kakaiba. "Akala ko ba hindi mo na kayang matulog simula nang naging manika ka? Eh bakit parang inaantok ka d'yan?" Nanlaki ang mga mata niya na para bang may na-realize siya. "Kung hindi man... parang kagigising mo lang." Napasinghap siya na para bang tinanggap niya ang katahimikan ko bilang kumpirmasyon. "Nakatulog ka ba, Levi?"
Napakurap-kurap lang ako habang pinoproseso ng utak ko ang mga nangyari kanina. Hanggang sa na-realize ko na bago ako managinip, kailangan ko munang makatulog. I had fell asleep again?
"You just blinked, Levi," excited na sabi ni Sunny na nanlalaki pa ang mga mata sa gulat. "Na-realize mo bang kumurap-kurap ka kanina?"
"Siyempre naman," sagot ko, saka ako nagbigay ng excuse. "Sinadya ko 'yong gawin para gulatin ka sana. Para kasing antok na antok ka pa."
I know that it was a lame excuse. Pero wala na kong ibang naisip na paliwanag. Ayokong malaman ni Sunny ang tungkol sa pagbabago sa katawan ko dahil kahit ako mismo sa sarili ko, hindi alam ang gagawin sa sitwasyong 'to.
Kumunot ang noo ni Sunny na para bang hindi kumbinsido sa walang kuwentong palusot ko. Mukhang na-realize niya na hindi ako nagsasabi ng totoo. Pero sa huli, bumuga lang siya ng hangin habang iiling-iling.
"Write a best-selling novel out of my story, Sunny," gentle na sabi ko sa kanya dahil alam kong oras na para magpaalam kami sa isa't isa. "I will watch out for it. You know I'm a huge bibliophile, so you better make your book a phenomenon. Or else, I will really leave a nasty and harsh review on your profile."
She just laughed at my playful threat, and didn't utter a word anymore.
Tahimik lang na nag-empake si Sunny at umalis ng mansiyon. Kung minsan talaga, masyadong matigas ang puso niya. Pero sa pagkakataong 'yon, naiintindihan ko ang pananahimik niya. Sigurado ako na gaya ko, alam din niyang walang sapat na mga salita para magpaalam kami sa isa't isa.
Goodbye, Sunny, paalam ko sa kanya habang nakatayo ako sa harap ng bintana at hinahatid siya ng tingin no'ng nasa bakuran na siya ng mansiyon. As soon as you step out of my property, you'd be light years away from me.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.