"I CAN'T go home tonight. Don't worry, I'm okay. The owner of the House of Dolls is taking care of me."
Binasa ko uli ang kaka-type ko lang na text message, saka ko 'yon pinadala sa 'Vince' na kanina pa nagtetext at tumatawag sa phone ni Sunny. Hindi pa kasi ako nagkakaro'n ng pagkakataong isoli ang phone ng babae. Saka mabuti na rin na nasa'kin pa 'to para masiguro ko ang mga kamag-anak niya na ligtas siya.
Ah, nabasa ko kasi ang mga text no'ng Vince kay Sunny at tinawag niyang 'cousin' ang babae kaya nalaman kong magpinsan sila. Sa pagbabasa ko rin ng old conversation ng dalawa– alam kong mali pero ginawa ko pa rin para masiguro kong magkamag-anak nga sila– nalaman kong nagbabakasyon lang pala rito sa Sta. Elena si Sunny.
No'ng nalaman niyang bakasyon lang ang pinunta niya sa bayan namin, mas lalo akong naging desperado na makasama siya habang nandito pa siya.
I'm sorry, Sunny. I know this is wrong. But my desperation is making me go crazy.
"Levi?"
Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa'kin si Mommy na nakasilip sa pinto ng walk-in closet ko. Base pa lang sa malungkot niyang mukha, alam ko nang hindi niya nakumbinsi si Sunny na maging housekeeper.
"I'm sorry, son," halatang nahihiyang sabi ni Mommy nang pumasok siya sa walk-in closet at marahang isara ang pinto sa likuran niya. "I offered Sunny a huge amount of money but she still refused to take up the offer. Mukhang hindi na magbabago ang isip niya."
Hindi ko rin naman inasahan na madali kong makukumbinsi si Sunny. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Kapag pinakawalan ko siya ngayon, para ko na ring sinuko ang bago kong dahilan para mabuhay.
"Thank you, Mommy," sabi ko sa kanya. "Magpahinga ka na. I'll talk to Sunny later."
"Son..."
"I won't hurt or scare her," pag-a-assure ko sa kanya. "I'll just try to convince her myself. Don't worry, Mom."
Tiningnan ako ni mommy na parang pinag-aaralan ako. Nang masiguro niyang kalmado naman ako, tumango siya at nagsimula nang lumabas. "Good night, Levi."
"Good night, Mommy."
Nang mag-isa na lang uli ako, nagbihis na ko ng pantulog. This time, I changed into a pair of royal blue silk pajamas.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ko ng walk-in closet at nagpunta sa kuwarto ko gamit ang normal na pinto. Hindi ko puwedeng gamitin ang secret door dahil baka nakahiga na sa kama si Sunny. Konektado pa naman ang secret door sa ibabaw ng headboard.
I hope she's still awake.
Hindi ako kumatok dahil nasanay na kong tumira mag-isa sa kuwarto ko. Na-realize ko na nakagawa na naman ako ng pagkakamali nang makita kong bumangon si Sunny at tinakpan ng comforter ang buong katawan niya. Base sa nakikita kong takot sa mukha niya, naisip ko na baka hindi pa niya nakakalimutan ang inabot niyang trauma kanina.
I should have killed Jared.
"It's me, Sunny," sabi ko para kalmahin siya.
Mukha namang medyo kumalma na siya kumpara kanina. Basa ang buhok niya at napansin kong nakapagpalit na rin siya ng pajamas. Kung nakaligo na siya, ibig sabihin lang ay malinaw na uli ang pag-iisip niya.
Pero siyempre, ibang usapan na siguro ngayong nandito na ko sa kuwarto.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong sa'kin ni Sunny habang matalim ang tingin sa'kin.
"This is my room."
"Then find another one," utos niya sa'kin. "Hangga't hindi mo ko pinapakawalan dito, akin lang ang kuwarto na 'to."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.