"LEVI, do you want me to give you a hair cut?"
Natigilan ako sa pag-e-empake ng mga damit ko at napatingin kay Smith dahil sa tanong niya. "Marunong ka ba?"
Tumango si Smith na may hawak nang gunting na ginagamit talaga sa paggupit ng buhok. "My sister owns a popular hair salon for celebrities. Ako ang guniea pig niya no'ng nagte-training palang siya kaya natuto rin ako ng basic skills sa paggupit ng buhok."
"You can trust him, Levi," sabi sa'kin ni Vince na tapos nang mag-empake ng gamit niya. Nakatayo na nga siya at nakasukbit sa likod ang backpack niya. "Smith often gives me free haircut. Hobby na niya 'yan, eh."
"His talent for cutting hair is is his only redeeming quality," sabi naman ni Felix na tuloy-tuloy lang sa paglabas ng kuwarto sa kabila ng reklamo rito ni Smith.
Natawa naman si Vince, saka siya nagpaalam at lumabas na ng kuwarto.
"I guess I have to accept your offer," nakangiting sabi ko kay Smith. "Sa'n mo ko gugupitan?"
"Sa balcony na lang," sabi niya habang may kinukuhang ibang mga gamit sa bag.
Tumango lang ako, saka ako dumeresto sa balcony at umupo sa silya sa tapat ng bilog na mesa. Habang mag-isa pa ko ro'n, nagmuni-muni muna ako sa mga nangyari kanina.
Habang nagbe-breakfast kami, nag-decide si Hani ng gagawin namin para ngayong araw. Nagdesisyon siya na sunduin sa townhouse nila sa Alabang ang mommy niya. Kakausapin daw muna niya ng personal ang kanyang ina para hindi mabigla kapag nakita ako. Sina Vince at Smith ang magiging escort niya.
Kami naman nina Felix at Sunny ang maiiwan dito sa condo. Naisip namin na sumama na rin kami at maghintay na lang sa van. Pero sa huli, nag-decide si Hani na mas makakabuti kung maiiwan kami sa condo dahil hindi raw niya alam ang magiging reaction ng mommy niya.
"Okay lang ba kung paiksiin natin ang buhok mo?" tanong sa'kin ni Smith nang lumapit siya sa'kin at ibaba sa mesa ang mga gamit niya. May nakita akong gunting, razor, malaking brush, powder, spray, at malinis na white towel.
"Sure," sagot ko dahil bago humaba ang buhok ko, maiksi lang naman parati ang haircut ko. "Lagi ka bang may dalang hair cutting tools?"
Natawa siya na para bang ilang beses na niyang narinig ang tanong na 'yon. "Yes. Naging hobby ko na siguro." Tumayo siya sa likuran ako at nilagay ang tuwalya sa katawan ko. "Ngayon ka lang ba magugupitan in twenty years?"
"Oo," sagot ko. "Sa twenty years na dumaan, hindi nagbago ang length ng buhok ko."
Hindi ko na sinabi na wala akong pakialam sa sarili ko noon kaya hindi ko ginugupitan ang buhok ko noon kahit inalok din dati ni Tatay Tonio na gupitan ako. Ayokong malungkot o maawa sa'kin si Smith. Mukha pa naman siyang masayahing bata.
"It's an honor to be the first person to cut your hair then," masiglang sabi niya habang sinisimulan nang hatiin at i-clip ang buhok ko. "I'll make you look extra pogi for Sunny."
"Thanks," natatawang sabi ko. "Okay lang ba na gupitan mo muna ko? Baka nagmamadali na si Hani."
"Tinatawagan pa ng baby ko si Tita Carolina," katwiran niya. Mamaya lang, narinig at naramdaman kong winisikan niya ng spray ang ibabang bahagi ng buhok ko. Pagkatapos, sinimulan na niya 'yong gupitan. Sa naririnig kong tunog ng gunting, masasabi kong mabilis siyang kumilos. "Saka nag-uusap uli sila ni Sunny sa kitchen."
"Oh."
"Levi?"
"Hmm?"
"Sorry pero narinig ko ang usapan niyo ni Kuya Felix kagabi," pag-amin niya. "I didn't mean to eavesdrop but I heard everything."
"You don't have to apologize for it," sabi ko naman sa kanya. "Sa kuwarto kami nag-usap ni Felix kaya hindi mo kasalanan kung narinig mo 'yon. Kung merong dapat mag-sorry, kami 'yon. Naistorbo pala namin ang tulog mo. I'm sorry about that."
"Nah, it's fine," sabi niya. "Pero puwede ba kong mag-comment? I mean, hindi ko gets 'yong pinag-uusapan niyo tungkol sa mga panaginip niyo. Pero 'yong last part ng conversation niyo, ramdam ko, eh. So can I give my opinion regarding that?"
Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang sasabihin niya pero wala naman akong dahilan para tumanggi. "Sure."
"I know that it's hard to be positive given your situation but please don't lose hope," pakiusap ni Smith sa maingat na boses. "You and Sunny have good influence on each other. She learned how to be optismtic because of you. And she reminds you that you're still human. Ayokong parehong masira ang magagandang bagay na natutunan niyo sa isa't isa. Alam kong madali lang para sa isang outsider na gaya ko ang sabihin ang lahat ng 'to. 'Wag mo sanang masamain ang mga sinabi ko, Levi. I don't know why but even though I just met you last night, I'm already rooting for you and Sunny. Hani and Vince, too."
Napangiti ako sa realization na nabuo ko ng mga sandaling 'yon. "You all love Sunny, huh?"
"Of course, we do," natatawang pag-amin niya. Tawa na para bang pinagtatakpan niya ang hiya niya dahil sa inamin. "We had an ugly fight recently. Pero no'ng sinabi sa'min ni Vince ang nangyari kay Sunny, sumugod agad kami sa Sta. Elena. That's also when Hani and I realize that Sunny is still a dear friend to us."
May naramdaman akong kakaibang init sa dibdib ko. Kung kaya ko lang umiyak, kanina ko pa siguro ginawa. I'm genuinely happy to know that Sunny has genuine friends. If I were to leave this universe, I'd leave in peace knowing that Sunny was in good hands. "Thank you, Smith. I mean it. I know you'd hate to hear this but whatever happens to me, I hope that you remain friends with Sunny."
"We'll remain friends with Sunny and you," sabi ni Smith na kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangiti naman. "You're already a part of our squad, Levi."
"Stop it, bro," natatawa pero emosyonal na biro ko sa kanya. "You're making me cry, but thank you for the kind words."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.