27th Chapter

884 92 33
                                    

Note: The lack of reaction (and even votes) is seriously starting to make me really, really, really sad. I don't need you to tell me that the story is good. Gusto ko lang sanang marinig ang opinion niyo sa mga chapter na nababasa niyo. Kung na-e-enjoy niyo pa ba or what. Hindi ko kasi alam kung tinitingnan niyo lang kasi may reads pero ang comment, 1-3. Madalas, 0. Gano'n ba kapangit?

Still, thank you for reading. Kung meron man. :))

***

I'M DREAMING again.

This time, I look like I'm in my mid thirties when I saw my reflection in the surface of the steel barcounter. And I'm having a drink in an almost empty bar with the same guy I've seen in my previous dreams. Like me, he looks older than the way he did the last time we met.

"You're not him," sabi niya sa'kin habang inaalog-alog ang yelo sa loob ng hawak niyang baso. "You must be him from another universe."

"How can you tell whenever I'm not "him?"" curious na tanong ko sa kanya. "At bakit lagi na lang ikaw ang nakikita ko kapag napupunta ako sa ibang "universe?""

"Kasi tayong dalawa pa lang ang aware sa nangyayaring 'to," sagot niya sa'kin, saka niya ko nilingon. "To answer your first question, 'you' get knocked out before a 'you' from another universe takes over. Kaya kapag nagigising ka, alam kong ibang 'tao' ka na."

"You're Felix, aren't you?"

Nagkibit-balikat siya. "Is that my name in your universe?"

Sasagot pa lang sana ako pero gaya ng madalas mangyari, nagising na ko kung kailan naman marami pa kong gustong itanong.

Nang bumalik ang diwa ko sa present time, may naamoy ako na ikinagulat ko. Nagmulat ako ng mga mata at sumalubong naman sa'kin sina Sunny at Felix na nag-uusap ng mga sandaling 'yon. Napansin ko rin na nakasandal ako sa backrest ng nakahintong van.

"That smells good," sabi ko habang nakatingin kay Sunny at sa hawak niyang cheeseburger.

Nawala kay Felix ang atensiyon ni Sunny nang nagsalita ako. Pagkatapos, napangiti siya nang makumpirma niyang gising na nga ako. "Levi, na-realize mo ba na nakatulog ka?"

Tumango ako dahil wala na kong dahilan para itago 'yon sa kanya. "Yeah. And I feel tired. Pakiramdam ko, ginawa akong punching bag ni Jared kaya ganito kasakit ang katawan ko."

Naawa si Sunny sa biro ko. "Baka parte 'yan ng pagbabago mo." Inangat niya ang hawak niyang paperbag. "Nakakaamoy ka na rin?"

"Surprisingly, I do," pag-amin ko. "Parang ngang natatakam na rin ako sa pagkain."

Napangiti siya sa sinabi ko. "That's good news. Mabilis ang nagiging pagbabago mo, Levi."

Marahang naman akong umiling. "We both know there's a catch here, Sunny. Kailangan nating malaman kung ano 'yon."

Halatang nalungkot si Sunny sa pagiging negative ko.

I shouldn't be pessimistic when she's doing her best for my sake.

"Sorry," sabi ko kay Sunny. Pagkatapos, marahan kong pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang daliri ko. "I didn't want to dampen your mood, Sunny. I'm just being realistic."

Bago pa makasagot si Sunny, bumukas na ang pinto ng van kung saan sumilip si Vince. Pagkatapos, pumasok na siya kasunod sina Smith at Hani.

"Galing kaming drugstore," sabi ni Vince mayamaya at nilabas mula sa hawak niyang plastic bag ang isang pakete ng face mask na inabot niya sa'kin. "Gamitin mo 'yan mamaya paglabas natin ng sasakyan. Kahit mukha kang tao, hahakot ka pa rin ng atensiyon dahil literal na gawa sa porselana ang balat mo. Mabuti na lang at balot ng damit ang katawan mo."

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon