30th Chapter

774 104 30
                                    

Bakit walang ga'nong nagko-comment? Please don't forget to follow my account, vote, and leave comments kung nag-e-enjoy naman kayo sa pagbabasa, o may wifi/data naman kayo habang binabasa niyo ito. Nakaka-motivate kasi.

Last time ko na itong sasabihin. Thank you. :)

***

"YOU'RE still awake, Levi?" tanong sa'kin ni Felix nang saluhan niya ko sa balcony. May dala siyang mug ng kape. Ah, nagtimpla pa pala siya ng kape kaya siya natagalan sa pagbalik sa kuwarto pagkatapos nilang mag-usap ni Sunny. "Hindi ka ba uli makatulog?"

"I was waiting for you, Felix," sagot ko habang nakatingin sa kanya. "You know that I've been wanting to talk to you, don't you?"

Nag-iwas siya ng tingin para tumitig sa skyscrapers sa harap. "I don't know what you're talking about."

"Felix, we meet in our dreams."

"I don't know about that."

Napabuga ako ng hangin habang iiling-iling. Hindi niya ko pinagtawanan o pinagdudahan. Ang ibig lang sabihin niyon, alam niya ang sinasabi ko pero wala siyang planong aminin 'yon. "Hindi mo ba puwedeng sabihin sa'kin ang nalalaman mo tungkol sa mga panaginip na 'yon?"

"How sure are you that I know what you're talking about?"

"You look at me like we've known each other for a long time," sagot ko. "Saka gano'n din ang naramdaman ko no'ng nakita ko pa lang ang FB account mo. I feel like we've been friends for a long time."

"But dreams are just dreams, aren't they?"

Tumingin ako sa kanya para bantayan ang magiging reaksyon niya. "Felix, alam mong hindi lang basta panaginip ang mga 'yon. We're being transported to different universes in those dreams."

"Levi, do you believe in multiverses?"

"I do," mariing sagot ko. "This can't be the only universe that we have."

Lumingon siya sa'kin, puno ng kuryosidad ang mga mata. "And why can't this be the only universe that we have?"

"Because it's unfair," halos pabulong na sagot ko. "The galaxy is too vast to only have one universe. And then it happens to be a universe where Sunny and I can't be together? That's fucking unfair, Felix."

Dumaan ang hinanakit sa mga mata niya bago siya nag-iwas ng tingin sa'kin. "Unfair? If you know what those dreams mean, you wouldn't say that."

Ah, so he finally decided to talk, huh?

Lalo tuloy akong na-curious kung ano ang ibig sabihin ng hinanakit na nakita ko sa mga mata niya kanina.

"What do those dreams mean, Felix?" pangungulit ko sa kanya. "Hindi ko ba deserve malaman ang tungkol sa mga 'yon?"

"Just focus on Sunny, Levi," sabi niya sa'kin, saka siya sumimsim ng kape bago nagpatuloy. "In this universe, you only have to love her. Mas mahalaga pa ba sa'yo ang alamin kung ano ang mga panaginip na 'yon kesa ang sulitin ang natitira niyong oras ni Sunny?"

"It's unfair when you put it that way."

"The universe is a fucking bitch and you know that," sabi niya sa'kin. "We can't always have what we want."

Napansin ko na wala talaga siyang planong sagutin ang tanong ko kaya hinayaan ko na lang. Kahit ngayon ko lang nakilala si Felix, nakikita ko naman na siya 'yong tipo ng tao na hindi gagawa ng isang bagay na hindi nito pinag-isipan.

This guy is careful. Too careful, actually,

"I'll trust you, Felix," seryosong sabi ko. "Alam ko na kapag oras na para malaman ko ang totoo, sasabihin mo sa'kin ang lahat ng alam mo."

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon