"ARE YOU sure about your decision, mate?"
Napakurap-kurap ako dahil sa narinig kong tanong ni "Felix." Ah, nananaginip na naman ako. Sa pagkakataong 'yon, bukod sa mukha na kaming nasa early fifties ay halata ring wala kami sa Pilipinas.
Umuulan kasi ng snow sa labas ng café kung saan kami magkausap. No'ng bata pa ko, madalas kaming mamasyal nina Mommy at Daddy sa mga bansang may snow. Pero matagal na 'yon kaya ngayon, para na naman akong bata na first time makakita niyon.
"Hey, are you listening?" reklamo ni "Felix." "As your lawyer, I want you to..." Unti-unti siyang natigilan nang mapatitig sa'kin. "Oh. You're not my client, are you?"
Tumingin ako sa kanya at tumango. "You can tell, huh?"
Bumuga siya ng hangin, saka sumimsim ng black coffee sa harap niya. "Narinig mo ba ko kanina? Your version in this universe is planning to divorce her."
Kumunot ang noo ko sa inis. "What, why?"
"Exactly," sagot niya. "Ako ang lawyer niya pero hindi niya rin sinasabi sa'kin ang totoong reason. He just said that he doesn't love her anymore."
"That's impossible," giit ko naman. "I can't imagine myself not loving her anymore."
"I know, right? Your version here might have gone senile."
"Talk some sense into him," pakiusap ko sa kanya. "Hindi kami puwedeng mag-divorce sa universe na 'to."
Hindi na nga kami puwedeng magkatuluyan ni Sunny sa universe na pinanggalingan ko, hanggang dito ba naman ay maghihiwalay kami?
"Bakit ko gagawin 'yon?" tanong naman niya sa'kin. "This is my chance."
"What?"
"In this universe, I've been her best friend since we were kids," pagkukuwento niya. "But she met your version here when I went to law school in a different state. The next thing I knew, you were already married to her. Hindi man lang ako nagkaro'n ng chance makapag-confess."
"But is it my version's fault?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "I mean, best friends kayo. You had all the time in the world. Saka kung hindi sila nagkita ng version ko habang nasa law school ka, may magbabago ba? I don't think so. Ikaw 'tong hindi nag-confess. Plus, in the end, siya pa rin ang mag-de-decide kung sino ang mamahalin niya.
"That part of you is so him," iiling-iling na sabi niya. "Anyway, you're right. Hindi niya kasalanan 'to. Kaya nga ngayong malapit na kayong maghiwalay sa universe na 'to, gagamitin ko ang chance na 'to para mapalapit uli sa kanya."
"Hey–"
"I never married because she's the only one I'm capable of loving," putol niya sa sinasabi ko. "Kahit na matanda na kami, hindi pa rin nagbago ang feelings ko for her."
Napalunok ako dahil nangyayari na yata 'yong kinakatakutan ko. "You've seen your versions in other universes, too, haven't you?"
"I have. What about it?"
Muli, napalunok na naman ako bago magtanong. "Who does she end up with between the two of us in all the universes that you've seen?"
"You don't know?" natatawang tanong niya sa'kin. "Ah, no. Dapat ko palang itanong muna sa'yo kung handa ka bang marinig ang katotohanan."
Hindi agad ako nakasagot.
Natatakot ako. Hindi maganda ang sitwasyon namin ni Sunny sa universe na pinanggalingan ko. Kung malalaman kong sa ibang universe ay hindi pa rin pala kami ang magkakatuluyan, madudurog ako.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Подростковая литератураHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.