36th Chapter

818 59 7
                                    

"SUNNY, pack your things," utos ni Hani sa best friend niya sa istriktong boses. "If you don't want to move, I'll do it for you."

"Kapag hindi ka lumabas d'yan, bubuhatin kita hanggang sa van," banta naman ni Felix. "Gusto mo ba 'yon?"

"And I'll help Kuya Felix," dagdag ni Vince. "Stop being stubborn, Sunny."

Napangiti ako habang pinapakinggan sina Hani, Felix, at Vince sa loob ng kuwarto habang kinukumbinsi si Sunny na sumama sa beach. Nang lumabas ako kanina para ibalita sa kanila ang pagtutol ni Sunny (at para tumulong sa pagluluto), walang sabi-sabi na "sumugod" na sila sa kuwarto. At heto nga, inuulan na nila ng pagbabanta si Sunny.

Hinayaan ko na muna sila. Nagpunta na lang ako rito sa kusina para tulungan sina Tita Carolina at Smith na ayusin ang mga pagkain na dadalhin namin sa biyahe mamaya. Pero pinapakinggan ko pa rin ang mga pinag-uusapan nila sa loob ng kuwarto.

Sa normal na pagkakataon, pipigilan ko sila dahil ayokong pilitin si Sunny na gumawa ng isang bagay na labag sa kalooban niya.

But this is an emergency. Hindi ko alam kung kailan ako mawawala pero sigurado akong ayokong mangyari 'yon sa condo unit ng ibang tao. Mas lalo namang ayokong umalis sa mundong 'to nang hindi pa rin kami nagkakaayos ni Sunny.

"Boys, kayo na muna ang bahala rito," sabi ni Tita Carolina sa'min ni Smith habang hinuhubad niya ang suot niyang apron. "I'll talk to Sunny and try to convince her to join the trip. Alam ko namang hindi ka rin niya matitiis, Levi."

Ngumiti ako sa sinabi ng ginang. "Thank you, Tita."

Tumango lang si Tita Carolina, saka siya nagpunta sa kuwarto kung nasa'n si Sunny at ang iba pang mga bata.

"Sunny could really be so unnecessarily stubborn talaga 'no?" natatawang tanong ni Smith habang nilalagay niya sa picnic basket ang mga sandwich na ginawa ni Tita Carolina kanina. "Kaya amazed ako sa patience mo sa kanya, Levi."

"Mas patient naman si Sunny sa'kin," sabi ko habang tinatakpan ang lid ng pabilog na Tupperware kung saan ko nilagay ang sauce ng niluto kong spaghetti. Yes, I cooked spaghetti as a peace-offering to Sunny. "I'm a living doll, Smith. At marami akong ginawang masama kay Sunny bago siya pumayag na maging housekeeper ko. Pero kahit may mga kasalanan ako sa kanya, naging patient pa rin siya sa'kin. Tinuruan niya kong maging tao uli." Sunod kong isinara ang lid ng Tupperware kung saan naman nakalagay ang luto nang pasta. "Kaya this time, ako naman ang magiging patient at understanding sa kanya."

"You're making me cry, Levi."

Natawa ako pero nang lingunin ko si Smith at nakita kong emosyonal nga siya, natigilan ako. "You're really crying?"

"Sensitive ako, eh," katwiran niya habang pinipisil ang pagitan ng mga mata. "Ramdam ko kasi kung ga'no niyo kamahal ni Sunny ang isa't isa. Kaya nasasaktan din ako for the two of you. Sorry sa sasabihin ko pero simula nang nalaman ko ang sitwasyon niyo, na-realize ko kung ga'no kami kasuwerte ni Hani na hindi namin na-e-experience ang nangyayari sa inyo ngayon." Marahan niyang tinapik-tapik ang bibig niya. "Sorry, I shouldn't have said that."

"If you're really sorry, then you should treasure Hani even more," sabi ko sa kanya. "I won't forgive you if you hurt her."

Napangiti siya na parang naintindihan ang gusto kong sabihin. "I will, Levi. Now that I know how lucky and blessed we are to have met under normal circumstances, I'll protect our relationship even more. Before I met you, I've always wanted Hani to be my wife in the future." Napakamot siya ng pisngi na parang nahihiya. "Alam ko na masyado pa kaming bata para isipin 'to. But I can't help it. I think Hani's the one."

Ngumiti ako at marahan siyang tinapik sa braso. "Remember that feeling when the two of you go through a difficult time."

"I'll keep that in mind," pangako naman niya. "Oh. Napag-usapan din pala namin ni Sunny ang future niyo kanina. Ang sabi niya, kung sakali daw na ikasal kayo, sigurado raw siya na ako ang kukunin mong best man. Is that true?"

I was pleasantly surprised to hear that Sunny already saw a future with me. Gano'n din naman ako. Natuwa lang ako na ibinahagi niya 'yon sa mga kaibigan namin.

"Yeah, I think I'd do that," sagot ko sa tanong ni Smith. Meron akong mga stepsibling pero hindi ko naman sila nakilala. Hindi ko nga alam kung alam ba nila na may anak si Mommy. Kaya imposibleng sila ang gawin kong best man kung suwertihin man akong mabuhay at mapakasalan si Sunny. "Why do you look like you don't believe me, Smith?"

Natawa si Smith sa pagsita ko sa kanya. "It's not that I don't believe you. Hindi ko lang in-expect na tama pala si Sunny. Akala ko kasi, si Felix ang naiisip mong magiging best man kasi mukhang naka-form na kayo ng unbreakable friendship."

I'm not that cruel to ask Felix to be my best man if ever I have the chance to marry Sunny. I know how he feels about her after all. Saka sigurado akong hindi niya tatanggapin ang imbitasyon, kung sakali man.

"But didn't we form an unbreakable friendship, too?" tanong ko kay Smith na halatang nagulat. "We're all friends now, aren't we?"

Mukhang na-touch talaga si Smith sa sinabi ko dahil niyakap niya ko. "Yes, Levi. We're friends. Forever!"

"You're being dramatic again, Smith."

Nang kumalas sa'kin si Smith, sabay kaming napatingin sa nagsalita– si Felix 'yon, literal na hawak sa kamay si Sunny na nakasimangot sa'kin.

"Okay, I'm not needed here," natatawang sabi ni Smith, saka siya mabilis na umalis ng kusina para lapitan at yakapin si Hani.

"Tita Carolina has successfully convinced Sunny to go to the beach," pagbabalita ni Felix habang hila-hila niya si Sunny. "But please feed your woman first. We won't bother you so stay here and take your time. Tawagan niyo lang kami kapag ready na kayong umalis."

Pagkasabi niyon, umalis na ng kusina si Felix at inaya na niya ang lahat na magpunta muna sa swimming pool ng condominium building. Kaya mayamaya lang, lumabas na sila ng unit. Gaya kanina, ang bilis din ng mga pangyayari.

"I cooked spaghetti for you, Sunny," sabi ko no'ng kaming dalawa na lang ang naiwan sa condo. "Kanina ka pa hindi kumakain. Everyone is worried about you."

Humalukipkip lang si Sunny at nag-iwas ng tingin sa'kin.

Bumuga naman ako ng hangin habang iiling-iling. Pagkatapos, nagpunta ako sa cupboard para kumuha ng plato, tinidor, at baso. Kumuha ako ng pasta at sauce na iniwan ko sa kaldero at pan kasi plano ko naman talagang pakainin muna sila bago kami umalis. "It's fine if you ignore me," pagsisimula ko habang hinahain sa mesa ang pagkain niya. "But at least eat, Sunny. Kapag hindi ka kumain, magagalit na talaga ako sa'yo."

Hindi pa rin siya sumagot pero umupo naman siya sa tapat ng pagkaing hinain ko.

Nagpunta naman ako sa ref para kumuha ng isang pitsel ng tubig. Pagkatapos, nagsalin ako sa baso niya. "Sunny, thank you sa pagsama mo. Hindi rin naman ako papayag na matuloy ang trip kung hindi ka kasama."

"Sumama lang ako dahil kay Tita Carolina," sagot ni Sunny habang pinaghahalo na ang sauce at pasta. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko siya matanggihan."

She's really stubborn, huh?

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya mula sa likuran. Hindi naman siya tumutol o nagalit kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. "I'm still here, Sunny," bulong ko sa kanya, saka ko siya hinalikan sa sentido. "But I won't be here forever so please let's not waste our time fighting."

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon