8th Chapter: I'm Alone Again

1.2K 87 1
                                    

"SUNNY is on her way to your Playroom to say goodbye to you."

Nilapag ko sa mesa ang phone ko matapos kong basahin ang text ni Mommy. Pagkatapos, tinuloy ko na ang pagpupunas ko sa picture frame ni Tatay Tonio gamit ang basahan.

Bigla ko kasi siyang naalala nang makita ko ang chessboard at chess pieces na nakakalat lang sa mahogany table kung saan ako bahagyang nakaupo ngayon. No'ng buhay pa siya, madalas kaming maglaro ng chess. Sa pagkakaalala ko, mas marami na siyang naipanalong match bago siya nawala.

Ang daya mo, Tatay Tonio. Umalis ka talaga kung kailan mas lamang ang score mo sa'kin, ha? When we see each other again in our next lifetime, I swear I'll beat you.

Nawala lang ang atensiyon ko sa mga alaala namin ni Tatay Tonio nang marinig kong bumukas ang pinto ng Playroom. Mayamaya lang, narinig ko naman ang magagaang na footsteps. Kahit hindi nagtext sa'kin si Mommy, malalaman ko agad na si Sunny ang parating.

Normal lang naman ang makilala ang footsteps ng mga madalas mong kasama sa bahay, 'di ba? Sa kaso ko naman, iba ang footstep ni Sunny kay Mommy kaya alam kong agad na siya 'yon kahit hindi pa kami gano'n katagal nagkakasama sa mansiyon.

And here she is.

Naaliw ako nang makita ko si Sunny na pinupulot ang mga libro na nakikita niya sa steps ng hagdan na gawa sa kahoy. Si Tatay Tonio kasi ang nag-aayos ng Playroom ko kaya makalat pa 'yon hanggang ngayon.

I should start cleaning my own room from now on.

Babatiin ko sana si Sunny nang tuluyan na siyang nakababa ng hagdan pero natigilan ako nang makita ko siyang nakatitig sa bookshelf habang yakap ang mga classic book na pinulot niya kanina. Kitang-kita ko ang amazement sa mukha niya, lalo na nang mapatingin siya sa rolling ladder. Literal ding nakanganga ang babae.

Cute.

Naisip kong magsalita na para kunin ang atensiyon ni Sunny. "Are you going to borrow those books?"

Napasinghap si Sunny na halatang nagulat nang nagsalita ako. Nabitawan din niya ang hawak niyang makakapal na libro at nahulog ang mga 'yon sa mga sapatos niya. Mukhang nasaktan siya dahil napasigaw siya.

"You're quite careless, aren't you?" tanong ko sa kanya.

Pumihit si Sunny paharap sa'kin habang matalim na tingin sa'kin na para bang ako ang sinisisi sa nangyari sa kanya. "Kasalanan mo 'to," sumbat niya na kumumpirma sa hinala ko. "Bakit kasi nanggugulat ka d'yan?"

Tiningnan ko lang siya at hindi na ko nag-comment dahil baka ma-offend ko siya. Madali pa naman siyang mapikon. Bago pa ko may masabing ikakagalit na naman niya, binalikan ko na lang ang pagpupunas sa salamin ng picture frame ni Tatay Tonio.

I'm not sure but I think is Sunny checking me out since I can feel her eyes on me.

No, saway ko sa sarili ko. Don't be conceited.

Mayamaya lang din naman, nawala na sa'kin ang atensiyon ni Sunny dahil nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng Playroom.

Malaki ang kuwartong 'yon at marami siyang makikita. Puti lang ang kulay ng mga pader dahil ayaw niya ng masyadong makulay. Bukod sa malaking bookshelf na hinangaan ni Sunny, mukhang na-amaze din siya sa malapad na flat screen na nakasabit sa dingding. Sa harap niyon ay may malaking couch at pabilog na coffee table. State of the art din ang sound system at DVD player na meron siya. Parang tore sa taas ang CD rack na punung-puno mula sa mga movies hanggang sa mga album ng foreign artists.

Sa isang bahagi naman ng kuwarto, may munting kusina. May maliit na ref, dining table para sa dalawang tao, at kitchen sink.

Halos kumpleto na rito sa Playroom ang lahat ng kailangan ko para hindi ako ma-bore. Hindi ko rin naman kailangang matulog o magbanyo kaya may mga pagkakataon na mahigit isang linggo akong hindi lumalabas dito.

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon