SUNNY must be staring at the galaxing painting, too.
Well, 'yon ang gusto kong isipin habang nakatitig ako sa kisame. Nakahiga ako sa extra foam na nakalatag sa sahig dahil ayaw niyang magtabi kami sa kama. Hindi ko na kailangan ng unan at kumot dahil hindi naman ako nararamdaman ng lamig, at lalong hindi ako nakakatulog.
Ah, that's right. Hindi na uli ako nakaidlip at nanaginip pagkatapos magpakita sa'kin ni Louissa no'ng nakaraan. Totoo kaya 'yon o baka imahinasyon ko lang?
"Levi?"
"Yes, Sunny?" mabilis na sagot ko dahil kanina pa ko naghihintay na kausapin niya.
"Kailan mo nalaman ang balak ng mommy mong gawin?"
"No'ng pag-uwi niya para asikasuhin ang burol ni Tatay Tonio, kakaiba na ang kinikilos niya," pag-amin ko. "Masyado siyang mabait at maasikaso sa'kin. Panay din ang hingi niya ng tawad. 'Yong mga pagpapaalam niya sa'kin, alam kong panghabambuhay na."
"Bakit sa gano'ng paraan ka niya naisip... dispatsahin?"
"Ang pagsunog lang ang paraan para mawala ako," sagot ko, saka ako bumangon para makapag-usap kami ng magkaharap. Gaya ng inaasahan ko, tumingin sa'kin si Sunny. "Bumabalik sa dati ang mga nababaling parte ng katawan ko, pero hindi ang sunog." Nirolyo ko ang sleeve ng damit ko hanggang lumabas ang marka ng sunog sa braso ko. To hide this ugly burn mark, I always wear long-sleeve. "Hindi gumaling ang mga 'to, kaya posibleng tuluyan na kong mawala kapag tinupok ako ng apoy."
Patagilid na humiga si Sunny para silipin ang marka. Napangiwi siya nang makitang itim ang kulay ng malaking bahagi ng braso ko. Para 'yong plastik na nasunog. "Saan mo naman nakuha ang ganyang injury?"
"I tried to set myself on fire nine years ago."
Tumingin siya sa mukha ko. "Sinubukan mong... magpakamatay?"
Tumango ako bilang kumpirmasyon. "Sa bawat tao na dumadating sa mansiyon para tulungan ako, binibigyan ako ng dahilan para umasa. Pero nadudurog 'yon sa bawat pagsara ng pinto pagkatapos nilang kumaripas ng takbo palayo sa'kin. Sa tuwing may sumusuko sa'kin, may bahagi ng pagkatao ko ang unti-unting namamatay. Sa loob ng sampung taon, naging matibay ang paniniwala namin ni Mommy na may makikita kaming makakatulong sa'kin. Pero 'yong huling albularyo na hiningan niya ng tulong, muntik na kong mapatay." Hinila ko na uli ang manggas ng damit ko para itago ang marka ng sunog sa braso ko. "May ginamit siya para makaramdam ako ng sakit. Akala ko, mamamatay na talaga ako. Pero sa totoo lang, no'ng mga sandaling 'yon, hiniling ko na sana magtagumpay siya. Physical scars heal. But those unseen battle scars don't." Tinuro ko ng daliri ko ang sentido ko, pagkatapos ay ang dibdib ko. "'Yong mga sugat dito, hindi na mawawala kahit kailan." Nang makita ko na parang maiiyak na naman si Sunny, humiga uli ako sa kama. Bukod sa ayokong nakikitang umiiyak siya, ayoko ring tumitingin siya sa'kin na puno ng awa ang mga mata. "No'ng namatay na 'yong pag-asa sa'kin, pakiramdam ko nawala na rin ng tuluyan ang pagkatao ko. Alam kong malapit na kong masiraan ng ulo. Kaya sinubukan kong magpakamatay. Nang makita ko ang malaking siga na ginawa ni Tatay Tonio, itinapat ko ang braso ko sa apoy para subukin kung matutunaw ako. Kaya sinindihan ko na rin ng apoy ang ibang parte ng katawan ko. I felt eerily calm while watching my ceramic arms get melted."
Hindi ko narinig na sumagot si Sunny pero narinig at naramdaman kong humiga na rin siya. Kahit nanatili siyang tahimik, ramdam kong gising pa siya at nakikinig sa kuwento ko.
"Niligtas ako ni Tatay Tonio kaya hindi natuloy ang tangka kong pagsunog sa sarili ko," pagpapatuloy ko. "When my mom found out that I tried to kill myself, she broke down. Ng mga sandaling 'yon, na-realize ko na maging siya, 'yong nag-iisang tao na pinagkukunan ko ng lakas, ay sumuko na rin sa'kin. Nakita ko kung gaano na siya kapagod. Alam ko, gaya ko, nawalan na rin siya ng pag-asa."
Alam kong pinipilit ni Sunny na tumahimik pero hindi siya nagtagumpay. Naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya. Ah, I made her cry again and it sucks.
"Kaya nagdesisyon akong pabalikin siyang Australia para magsimula ng panibagong buhay," pagkukuwento ko sa magaang na tono para i-comfort si Sunny. "My mom was young. She was only sixteen when she had me. Gano'n siya kabata no'n, samantalang mas matanda ng sampung taon sa kanya ang daddy ko. Si Mommy, Australian siya. Si Daddy naman, half Filipino-half Aussie. It was whirlwird romance for them. Tinanan ni Daddy si Mommy at dito nila sa Pilipinas binuo ang pamilya namin. Sadly, my father passed away when I was only ten. Simula no'n, si Mommy na ang nagpatuloy at nagpalago ng business ni Daddy, which is a furnitures company. Sa tingin ko, do'n pa lang, nahirapan na siya. Mas lalo na siguro 'yong nadagdagan no'ng nagkasakit ako, at naging manika. Hindi nakakapagtakang nag-break down siya.
"Alam kong gustung-gusto na ni Mommy na makalayo sa'kin at ipagpatuloy niya ang sarili niyang buhay. No'ng bumalik siya sa Australia, dalawang buong taon niya kong hindi dinalaw o tinawagan man lang. Pero ni minsan, hindi ako nagtampo sa kanya. Kailangan niyang lumayo sa'kin. Alam kong pagod na siya. Ibinigay ko sa kanya ang pahinga na matagal na niyang gusto."
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Sunny.
She looks like a tough cookie outside but she's actually softie on the inside, huh?
"Nagulat ako nang biglang umuwi si Mommy," pagkukuwento ko uli at ayoko man, bumalik ang lungkot sa boses ko. "Akala ko, inabandona na niya ko. Pero nang sabihin niyang kasal na siya sa isang businessman na may tatlong anak at nakita ko kung gaano siya kasaya, gano'n na rin ang naramdaman ko. When my mother found her new source of happiness, I knew I had already lost her. At first, I felt bitter. Angry. Betrayed. Left behind.
"Pero nang ngumiti si Mommy sa'kin... 'yong ngiti na totoo at puno ng kasiyahan, nawala din agad lahat ng negatibong damdamin ko. I knew I couldn't take that smile away from her. I didn't want to ruin her happiness, so I let her go. Tinanggap ko na na hindi na siya ang mommy ko. Na may mga anak nang mas nangangailangan ng pagkalinga niya. 'Yong mga anak na normal at maipagmamalaki niya sa lahat ng tao. 'Yong mga anak mayayakap at maalagaan niya nang hindi itinatago sa mundo. She deserves that life. She's a good woman. She's the kind of mother every kid wishes for."
"Hindi ko gugustuhin ang isang ina na kayang sunugin ang sarili niyang anak para lang magkaro'n ng normal na buhay," giit ni Sunny sa basag na boses, na para bang siya ang nagagalit para sa'kin.
"Sunny," saway ko sa kanya sa pasensiyosong boses. "Hindi 'yon gagawin ni Mommy para lang makatakas sa'kin. Naisip niyang gawin 'yon dahil alam niyang pagod na rin ako sa ganitong klase ng buhay. Iniisip niya na siya ang may kasalanan kung bakit ako naging ganito. Kaya mas gusto niyang siya na ang tumapos sa paghihirap ko."
Natahimik si Sunny.
I don't know what she's thinking right now but I'm hoping that she doesn't hate my mom. Naiintindihan ko ang galit niya sa mommy ko ngayon pero ipinaliwanag ko naman na sa kanya na wala na kong hinanakit. Na tanggap ko nang may iba nang pamilya si Mommy.
"Levi?"
"Hmm?"
"Napatawad mo na ba ang mommy mo?"
"Matagal na."
"Paano mo nagawa 'yon?"
"I love my mom," simpleng sagot ko. Ilang beses ko na ring naitanong sa sarili ko ang tanong ni Sunny ngayon. And each time I did, I always end up with the same answer. "Her happiness is my everything."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.