I'M SURE I'm in a dream again.
Pero sa lahat ng naging panaginip ko, ito ang pinakamasakit. Sa literal na paraan. Nang "nagising" kasi ako sa panaginip na ito, nasa damuhan na ko habang hawak ang nasaktan kong panga. At nakatingala sa lalaking siguradong sumuntok sa'kin.
"Why did you punch me, Felix?" reklamo ko. "What did I do?"
Halatang nagulat si "Felix" sa mga tanong ko sa kanya.
Sa pagkakataong 'to, mas bata kami kesa sa huling "version" namin na napanaginipan ko. Ngayon, pareho kaming nakasuot ng varsity jacket habang nasa gitna ng isang soccer field. Mukhang college students kami sa panaginip na 'to.
"Ah, you must be the him from another universe," iiling-iling na sabi ni "Felix," saka siya tumingin sa kamao niya. "Did I hit him too hard that he got knocked out and called one of his "versions" from other universes?"
"Felix–"
"My name is not Felix," reklamo niya sa'kin, saka niya ko tinalikuran at naglakad palayo.
"Wait!" pigil ko sa kanya, saka ako tumayo at hinabol siya. Nilagpasan ko siya, saka ako humarap sa kanya para harangan ang daan niya. "Bakit bigla mo na lang akong iniwan?"
Huminto naman siya sa paglalakad at namaywang. "Kasi hindi naman ikaw ang kailangan kong makausap. Wala ka namang alam sa kagaguhan "mo" sa universe na 'to, eh. In short, I have no use of you. Kaya shoo." Ginalaw niya ang kamay niya na para bang aso ako na tinataboy niya. "Go back to your universe."
Natawa ako habang iiling-iling. "Kahit saang universe talaga, grumpy ka pa rin."
"That's called consistency," pagtatanggol niya sa sarili niya. "Unlike a certain someone I know. Sa ibang universe, mahal na mahal mo siya. But in this universe, why are you treating her like shit, huh? Have you lost your mind?"
"Huh?"
"Tsk," reklamo niya habang iiling-iling. "See? It's no use getting mad at you. Kasi hindi mo naman naaalala ang mga panloloko mo sa kanya sa universe na 'to. Because you're not him."
"Yeah, I don't understand," pag-amin ko. "But who are you talking about? Sino 'yong niloloko ng version ko sa universe na 'to?"
He looked at me like I just asked the most stupid thing in the world. "Her, of course– the only girl that we loved and will always love in all universes."
I have a normal body in this universe so I felt it when my heart thumped loudly against my chest. "Sunny?"
"Sunny?" he asked in a curious tone. "Is that what she's called in your universe?" Then, his face softened up as he smiled as if he was reminded of a precious person. "It's a lovely name."
I know that look all too well.
"You love her, too," seryosong sabi ko. "And what do you mean by we love and will always love the same person in all universes?"
The universe reminded me that she's a bitch when I woke up just before the "Felix" from that universe got to answer my question.
"Levi?" malambing na pagtawag sa'kin ni Sunny habang nararamdaman ko na marahan niyang niyuyugyog ang balikat ko. "Levi, gising na."
Ah, I'm back to reality.
Nagmulat ako ng mga mata at sumalubong sa'kin ang mukha ng pinakamagandang babae sa paningin ko. "Sunny."
"Okay ka lang, Levi?" nag-aalalang tanong ni Sunny. No'n ko lang napansin na nakaupo pala siya sa gilid ng kama habang nakahiga naman ako. "May masakit ba sa'yo? Saan banda?"
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.