Sunny, do you remember the first time we met? I do. I will never forget it.
***
I'M READY to die.
Nakahiga na ko sa kama no'n at nakatingala sa galaxy painting sa kisame ng kuwarto ko.
Hinihintay ko na lang si Mommy na bumalik mula sa libing ni Mang Tonio. Alam kong bumili na siya ng gasolina at sa pagbalik niya, susunugin na niya ang mansiyon. Wala siyang lakas ng loob para ako mismo ang sunugin kaya siguro gusto niyang palabasin na magmumukhang aksidente ang gagawin niya.
My mother is that desperate to get rid of me. I can't blame her though. After all, I'm just a burden to her and her new family.
Siyempre, masakit 'yon para sa'kin. Pero pagod na rin naman ako sa buhay ko na 'to at wala nang mawawala sa'kin kung susunugin man ako ng buhay ng sarili kong ina. Living as a doll while locked up in this empty mansion made me jaded.
Si Mang Tonio na parati kong kasama dito, wala na rin.
I just want to rest.
Pipikit na sana ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Kasunod niyon ay ang pagpasok ng isang maliit at payat na babaeng may vibrant red hair. Tumayo siya sa harap ko at halata sa mukha niya ang takot habang nakatingin sa'kin.
Kung normal na tao pa siguro ako, puwede kong sabihing nanigas ako sa gulat. Pero dahil likas nang matigas ang porselana kong katawan, sigurado akong wala namang nagbago sa posisyon ko.
Hindi ko namalayan na may dumating pala dahil sa pagmumuni-muni ko.
Pero hindi na ko nagulat dahil no'ng buhay pa si Mang Tonio, madalas namang may mga intruder sa mansiyon. Kung hindi magnanakaw, mga kabataan na nagtatakutan. Narinig ko na "House of Dolls" ang tawag ng mga residente sa bahay ko. And it seemed like that the townspeople thought that my house was a haunted mansion.
"Oh my god..."
Deretso lang ang tingin ko kaya nang yumuko ang babaeng nakatayo sa harapan ko, nabigla ako kasi sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Wala bang concept ng personal space ang batang 'to?
Buti na lang, cute siya. She wasn't the drop-dead gorgeous type that I used to date when I was still living as a normal human. Mayabang na kung mayabang pero no'ng tao pa ko, puro campus queen at 'yong magagandang babae lang ang dine-date ko. Kaya kung nagkakilala kami no'ng panahong 'yon, hindi ko siguro siya tatapunan ng pansin.
Still, this girl is cute even though her eyes look sad.
"Sex doll ka ba?"
Bastos na bata, naiinis na sabi ko sa sarili ko. Kung hindi siguro ako manika, baka nag-blush na ko. How old is she to know about sex dolls?
"Stop being ridiculous, Sunny," bulong ng babae na 'Sunny' pala ang pangalan– at hindi 'yon bagay sa kanya kasi ang gloomy ng aura niya. "He's just a lifeless doll."
I'm not lifeless, Sunny.
Tumayo ng maayos si Sunny. Pagkatapos, tinapat niya sa mukha niya ang hawak niyang camera, saka siya ngumiti ng plastic. "Hi, Mr. All-Brawn-And-No-Brains. Sana maging masaya ka pagkatapos ng gagawin kong 'to." She raised her middle finger at the camera. "Fuck you."
What a scary, rude child.
Pagkatapos niyang magbigay ng dirty finger sa camera, tumingin uli siya sa'kin. For some reason, she looked hesitant. "Sorry sa gagawin ko, ha?"
Kinabahan naman ako sa statement na 'yon.
What are you going to do to me, child?
"Kailangan ko lang talagang i-save ang pinsan ko."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.