29th Chapter

737 67 8
                                    

IS IT past their bedtime already?

Napangiti ako habang iiling-iling nang makita kong nakatulog na sina Vince at Smith habang nakadapa sa mattress. Hawak pa rin nila ang mga controller ng Xbox. Pero pareho nang namatay ang characters nila sa nilalarong video game.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tumingin sa pinto.

Ang tagal naman yatang bumalik ni Felix.

Kanina pa lumabas ang lalaki at nagsabing magtitimpla lang daw ng kape. Kanina ko pa siya hinihintay dahil gusto kong mag-usap kami.

If he's alone in the kitchen, it might be my chance to talk to him in private.

Tahimik akong lumabas ng kuwarto at maingat ding sinara ang pinto bago ako umalis. Dederetso sana ako sa kusina pero may narinig akong boses sa sala. To be precise, the voices I heard came from the balcony.

Nang sumilip ako, nakita kong nag-uusap sina Sunny at Felix habang magkatabing nakatayo sa balkonahe.

Tatawagin ko sana sila pero bigla akong natigilan.

Because suddenly, I saw them in strange clothes: Sunny in a white dress with Felix was in a three-piece crisp black suit.

What the...

Kinusot ko ang mga mata ko. Gaya ng inaasahan ko, imahinasyon ko nga lang ang nakita kong kakaiba nilang damit kanina.

What was that? tanong ko sa sarili ko, saka ko ipinatong ang kamay ko sa dibdib ko. Bigla 'yong nanikip nang makita ko sina Sunny at Felix na magkatabi sa balcony habang nag-uusap. A bad premonition?

Hindi ko alam kung bakit tahimik akong umupo sa sahig at nagtago sa likuran ng sofa. Hindi nila ako nakikita pero naririnig ko ang seryosong usapan nila. Pero hindi ako makapag-focus sa pakikinig sa kanila dahil hindi ko maalis ang isip ko sa nakita ko kanina.

Hindi ko alam kung ano 'yon pero sigurado akong hindi ko 'yon nagustuhan.

Dammit, universe.

"Sunny?" narinig kong pagtawag ni Felix sa kanya.

"Hmm?" sagot naman ni Sunny.

Kinalimutan ko muna ang nakita ko para makapag-focus na ko sa usapan nila.

"Breathe," seryoso pero halatang nag-aalalang sabi ni Felix kay Sunny. "Umalis si Levi ng mansiyon niya at nagdesisyon siyang labanan ang sumpa niya dahil gusto ka rin niyang makasama ng mas matagal."

Nagulat ako nang malaman kong ako pala ang pinag-uusapan nila. Tahimik akong lumuhod sa sahig, saka ako pasimpleng sumilip sa balkonahe. Nakita ko si Felix na nakaharap kay Sunny habang nakatingin sila sa isa't isa.

"Huwag naman sana, pero kung sakali mang gaguhin kayo ng universe, sigurado akong hindi niya 'yon isisisi sa'yo," pagpapatuloy ni Felix. "Alam kong ginagawa niya 'to dahil alam niyang magiging sulit ang lahat ng 'to kasi ikaw ang magiging kapalit ng mga naging sakripisyo niya." Marahan niyang pinitik ang noo ni Sunny. "Have faith, Sunny."

Alam ko namang hindi malakas ang pitik ni Felix sa noo ni Sunny pero hindi ko pa rin 'yon nagustuhan. Actually, it's the fact that he touched her irks me. Gusto kong maging mature partner kay Sunny pero iba talaga ang pakiramdam ko kay Felix.

I feel like he's taking my place.

"Hindi ko alam, Felix," sagot ni Sunny habang hinihimas-himas ang nasaktan niyang noo. "Pakiramdam ko, sunud-sunod na maling desisyon ang ginagawa ko. Parang anytime, bubulaga na lang sa'kin ang consequence ng mga 'yon. And I have a feeling I won't like it."

Kung ako lang ang kausap ni Sunny, pinagalitan ko na siya.

Pero si Felix ang kausap niya. At nakakagulat man, pero sinabi ng lalaki ang mga salitang gusto ko rin sanang sabihin kay Sunny.

"Stop blaming yourself for every bad thing that happens in your life, Sunny," sermon ni Felix kay Sunny. "Whether you like it or not, life has always a way to fuck you up. If the universe throws you a lemon, make a lemon juice out of it and make people wonder how you did it."

Natawa ng mahina si Sunny. "Salamat, Felix. Pakiramdam ko, nawala 'yong mabigat na pasan-pasan ko sa mga balikat ko." Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Look, nakakahinga na uli ako."

Much to my surprise, Felix smiled at Sunny.

This is the first time I saw Felix smile since I met him.

Granted that I only met him this evening, I still know for a fact that Felix isn't the type of person who easily smiles. Kaya 'yong pagngiti niya kay Sunny ngayon, masakit para sa'kin. Manika nga siguro ako ngayon pero lalaki pa rin ako.

I know what that smile means.

"You should go back to your room and sleep, Sunny," gentle na sabi ni Felix kay Sunny. And to be honest, he sounds more gentle now than when talked to Hani. "Kailangan mo ng lakas para mamaya. Levi needs you."

Tumango naman si Sunny na halatang hinihila na ng antok. "Good-night, Felix."

Mabilis akong yumuko at tahimik na gumapang habang nagpapalitan pa ng "goodnight" sina Felix at Sunny. Tumayo lang uli ako no'ng nakatawid na ko sa sala at nakarating na sa tapat ng guest room. Pagkatapos, dahan-dahan akong pumasok para hindi magising sina Vince at Smith.

Then, I gently plopped on the bed– a storm already forming in my head.

Sunny and Felix, huh?

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon