24th Chapter

845 65 1
                                    

I STOPPED playing doll as soon as Jared left the room. Tumayo ako at naglakad papunta kay Sunny na parang na-shock sa nangyari. "Sunny!"

Parang natauhan si Sunny sa pagtawag ko sa kanya, saka siya umikot paharap sa'kin. "I'm here to save you, Levi."

"No, you're here to kill yourself!" naiinis na sermon ko sa kanya. Masaya akong makita uli siya pero hindi sa ganito kadelikadong sitwasyon. At kailangan niya 'yong malaman. "Bakit ba bumalik ka pa rito?"

Sumimangot siya, saka siya nakipagsabayan sa galit ko. "May plano ka ba talagang mamatay ng dahil lang kay Jared?!"

Are we seriously fighting here? Habang nasa gitna kami ng apoy? Hindi pa naman gumagapang papunta sa'min ang apoy pero sigurado akong maapektuhan ng makapal na usok si Sunny. Pero heto siya, matalim ang tingin sa'kin.

For some reason, I felt the need to explain myself to her.

"Ikaw ang nagsabi sa'kin na huwag na huwag akong magpapahuli kay Jared," paalala ko sa kanya. "Kaya nga kahit gustung-gusto ko nang sapakin ang gagong 'yon dahil sa pagsira niya sa bahay ko at sa mga pinagsasasabi niya sa'kin, hindi ako kumilos dito. Pagkatapos ngayon, gusto mo kong lumabas sa kuwarto na 'to kung saan alam naman natin pareho na hinihintay na tayo ni Jared para ipakita sa lahat na buhay na manika nga talaga ako?!"

"Hindi na mahalaga kung malaman ng lahat na buhay ka!" giit niya sa natatarantang boses. Mukhang na-realize na niya sa wakas kung ga'no kadelikado ang sitwasyon namin ngayon. Lalo na siya. "We can just run away from all of them! Kung hindi na tayo puwede dito sa mansiyon mo, eh di sa ibang lugar na lang. Marami ka namang pera, 'di ba? Sabihin mo lang sa'kin kung saan tayo puwedeng tumira, 'yong malayo sa mga makakaalam na buhay ka. Sasama ako sa'yo. Puwede kang magpanggap na sex doll ko para walang maghinala na buhay ka!"

I'm shocked by her interesting choice of words.

Gusto ko siyang pagalitan dahil wala na sa lugar ang paggamit niya sa on-going private joke namin tungkol sa pagiging "sex doll" ko. Pero aaminin ko na kinilig din ako sa mga sinabi niya. Na handa siyang mabuhay kasama ako. Kung gano'n, may feelings din pala siya para sa'kin?

Pero nakakatawa pa rin ang idea niya na pagpanggapin ako bilang sex doll niya.

I didn't want to laugh but I did.

"Walang nakakatawa!" naiinis na saway naman sa'kin ni Sunny. Naiiyak siya pero alam kong hindi na 'yon dala ng takot o galit. She actually looks relieved. "Sira-ulo kang manika ka!"

"Mas baliw ka para balikan pa ko rito at subukang iligtas kahit alam mong puwede kang mapahamak," nakangiting sabi ko naman sa kanya habang naglalakad ako palapit sa kanya. "I corrupted you, didn't I?"

"You did," tumatango-tangong sagot niya. "Kaya kailangan mo kong panagutan." Nilahad niya ang kamay niya sa'kin. "Let's run away, Levi."

Ng mga sandaling 'yon, sigurado na kong pupunta ako kahit saan basta kasama ko si Sunny. "If you're sure about this, Sunny, then let's do it."

Halatang may sasabihin pa sana si Sunny pero pareho kaming natigilan nang may marinig kang parang tangke na bumukas. Kasunod niyon, bigla na lang nagkaro'n ng puting foam sa paligid. Hindi lang sa mga kasangkapan kundi maging sa mga katawan namin.

"Goddammit, lovebirds!" sigaw ng isang pamilyar na lalaki. "Bago kayo mag-ayaang magtanan, sana lumabas muna kayo ng kuwarto!"

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking dumating at may hawak na fire extinguisher. Isn't he that guy?

Humarap si Sunny sa lalaki at nakita ko sa mukha niya ang relief nang makita niyang may dala itong fire extinguisher. Pagkatapos, pinisil niya ang kamay ko bago siya lumingon sa'kin. "May fire extinguisher ka pala."

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon