"YOUR eyes look like they contain the universe," pagkausap ko sa owl plushie na regalo sa'kin ni Sunny habang nakaupo ako sa kama at nasa kandungan ko ang plushie. Dahil wala akong ganang maglaro o magpinta, buong maghapon lang akong nandito sa kuwarto ko. "Is that the reason why Sunny bought you for me?"
Siyempre, hindi sumagot ang owl plushie na ang mga mata ay puno ng kumikinang na glitters kaya nasabi kong mukha 'yong universe.
"I miss Sunny," pagpapatuloy ko habang marahang pinipisil-pisil ang tiyan ng plushie. Umaasa akong may voice recorder do'n pero wala, eh. "Why did we have to meet when we can't be together anyway?"
Sa pagkakataong 'yon, hindi na katahimikan ang sumagot sa'kin.
May narinig akong nagbukas-sara ng pinto. Mayamaya lang, may footsteps na kong narinig. May umaakyat ng hagdan pero sigurado akong hindi si Sunny 'yon.
Another intruder, I see.
Sigurado akong naka-lock ang mga pinto at bintana sa mansiyon pero kung may magpupumilit pumasok, hindi na nakakagulat kung sinira nila ang mga lock.
Totoo nga yata ang threat ni Jared kay Sunny.
Ayoko mang aminin pero kinabahan ako nang marinig ko na sa floor na 'to ang mga footsteps. Itinago ko ang owl plushie sa ilalim ng comforter. Pagkatapos, umupo ako ng deretso at hindi gumalaw. Kapag masyado akong stiff, walang magkakamali na living doll ako.
Mukhang tama naman ang desisyon ko dahil mayamaya lang, bumukas ang pinto at pumasok na ang intruder.
It's really Jared, huh?
"Hello there, you fucking possessed doll," nakangising bati sa'kin ni Jared. "Still playing dumb, huh?"
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na may dalang gasolina ang drug addict.
Someone's going to be burned to death, huh?
Probably me.
Gaya ng inaasahan ko, binuhos nga ni Jared ang gasolina sa kuwarto. Saang horror film niya kaya napulot ang style na 'to?
"I want you to burn to crisp, you creepy possessed doll," sabi pa niya sa'kin. "Mas maganda rin sana kung darating si Sunny, 'no?"
I wanted to snarl at him but stopped myself. I don't want to give him the satisfaction of proving that I'm indeed a living doll.
Is my life really going to end by the hand of a douchebag?
"Gusto kong malaman kung mabubuhay ka uli para iligtas siya," pagpapatuloy ng drug addict. "Pero kung hindi naman, eh di sabay na kayong masunog ng buhay."
Now I want to punch the living daylights out of this fucking asshole. Matagal na kong pagod sa buhay ko. Nadagdagan pa 'yon nang malaman ko ang panibagong katotohanan na puwedeng mangyari ngayong nabali na ang sumpa. To be completely honest, I wouldn't mind dying at this very moment.
Pero malaking parte ng puso at isipan ko ang tutol. Gusto kong mamatay pero hindi sa mga kamay ni Jared. Hindi ako nagdusa ng twenty years para lang mawala sa ganitong paraan.
I don't want this drug addict to take my life.
If I were to compare myself to a dying star, then I'd want my 'last hooray' to cause a gigantic explosion– just like a supernova.
Plano ko sanang kumilos na at pigilan si Jared sa ginagawa niya pero natigilan ako nang may marinig akong ingay sa labas. May mga boses, sigawan, at tunog na para bang may nag-aaway. Ayokong umasa pero malakas ang pakiramdam ko na dumating si Sunny.
Pero hindi siya nag-iisa.
But still... she came even though I've been a jerk to her.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at gaya ng inaasahan ko, si Sunny nga ang dumating.
She looked horrified when she saw what Jared is up to.
"Jared, alam mo bang puwede kang makasuhan ng arson sa gagawin mong 'to?" galit na tanong ni Sunny kay Jared. "Ako ang housekeeper ng mansiyon na 'to at isusumbong kita kay Ma'am Beatrice! Talagang gustung-gusto mong makulong 'no?"
Tumawa si Jared, saka hinagis ang bote ng gasolina na wala nang laman. Pagkatapos, nakangisi siyang humarap kay Sunny na para bang inaasahan na niya ang pagdating ng babae. "Mabuti naman at dumating ka. Hindi na ko mahihirapang tawagin ka papunta rito." Nginuso ako ng drug addict. "Hindi pa siya gumagalaw simula nang dumating ako. Naalala ko na no'ng gabing nabuhay siya, iniligtas ka niya mula sa'kin. Kaya naisip ko na baka mabuhay uli siya kung mapapahamak ka uli."
I have to say that I am impressed. May utak din pala 'tong si Jared, 'no? Utak-kriminal.
Mayamaya lang, naglakad na si Jared papunta sa pinto habang sumisipol-sipol. "Now, all I have to do is to wait for the two of you to get out of this room."
At nalaman namin ni Sunny kung ano ang ibig sabihin ng gagong adik nang bigla siyang humarap, saka niya hinagis ang nakasinding lighter. Sa isang iglap, kumalat ang apoy sa buong kuwarto, doon sa parte kung saan niya binuhos ang gasolina kanina.
Sa pagkainis ko, na-trap din si Sunny sa pabilog na apoy. Sinadya ni Jared na ihagis ang lighter no'ng nasa loob na ang babae! Iba talaga kapag utak-kriminal, ha?
"Now, it's time for your doll-in-shining-armor to save you, babe," nakangising sabi ni Jared bago siya patakbong umalis.
I swear to God, I'd kill that douchebag the next time I see him.
Well, if we survive.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.