"IT SMELLS good, Levi."
Napangiti ako sa sinabi ni Sunny pagpasok niya ng kusina. Sakto nga ang dating niya dahil katatapos ko lang magluto at heto, hinahanda ko na ang mesa. May nilagay na kong malaking mangkok na may lamang spaghetti. Hinalo ko na ang sauce sa pasta para kakain na lang si Sunny. Pero meron pang pasta at nakabukod na sauce para kapag nagutom uli siya mamaya, may kakainin pa siya.
Ah, habang nagluluto pala ako kanina, sinabihan ko muna si Sunny na gumawa ng ibang trabaho para hindi siya mainip. Nang pumasok siya sa kusina, na-realize ko na naligo na siya. Basa ang buhok niya at nakasuot na rin siya ng oversized shirt at shorts.
I really want to know if she smells like apple. Or strawberry. Her red hair makes me think of red fruits, huh?
"Really?" paniniguro ko habang nilalagay ang plato at tinidor sa mesa para kay Sunny. "That's good to know. Hindi kasi ako nakakaamoy at nakakalasa. Pero kabisado ko ang step by step na recipe ni Tatay Tonio kaya sana, maayos naman ang lasa nitong spaghetti."
Umupo si Sunny sa silya, sa tapat ng hinanda kong plato para sa kanya. "'Wag ka sanang ma-offend pero bakit nag-aral kang magluto kung hindi ka naman nakakakain sa anyo mong 'yan ngayon?"
"Because of boredom," sagot ko bago ako kumuha sa ref ng tetra pack ng apple juice para kumpleto na ang "kiddie meal" ni Sunny. Ipinatong ko ang apple juice sa tabi ng baso ng tubig niya bago ako umupo sa silya sa gilid niya. "Kapag may mahabang buhay ka at hindi ka puwedeng lumabas ng mansiyon, magagawa mo ang lahat ng puwede mong gawin sa loob."
Tumango-tango siya habang naglalagay na ng spaghetti sa plato niya. "You have a point. Pero bakit Pinoy-style spaghetti?"
"Naaalala ko kasi na no'ng bata pa ko, 'yon ang parating niluluto ni Tatay Tonio for me," sagot ko. "When he got sick one time, I volunteered to cook for him. May phase sa buhay ko na nahilig ako sa pagluluto. Like I said before, kapag marami kang time at nakakulong ka lang sa bahay, magagawa mo ang lahat ng puwede mong gawin."
"It must have been so boring..." Unti-unti siyang natigilan, saka siya tumingin sa'kin. "Sorry."
Ngumiti lang ako dahil totoo naman ang sinabi niya. "Kain na, Sunny. Let me know what you think."
Tumango siya, saka nagsimulang kumain.
Gaya ng matagal ko nang napansin, madaling basahin ang facial expression ni Sunny. Nang nanlaki ang mga mata niya at sunod-sunod na sumubo ng spaghetti na para bang sarap na sarap talaga siya, lumobo naman ang puso ko sa tuwa. Siyempre, gano'n na rin ang pride ko.
I mean, I was able to cook delicious Pinoy spaghetti even without my sense of smell and taste. It's worth bragging, isn't it?
"Ganitong tamis ng spaghetti ang gusto ko, Levi," excited na sabi ni Sunny. And oh, look at her eyes shine. Kapag ganito kaganda ang mood niya, nakikita na bata pa talaga siya. Sa tuwing gloomy kasi siya, parang dumodoble ang edad niya. But right now, she looks extra youthful. "Saka parang kalasa nito 'yong spaghetti sa favorite fast food chain ko."
"I know, right?" pagsang-ayon ko naman. "No'ng bata pa ko, ganyan din ang sinasabi ko kay Tatay Tonio. He really spent a lot of time in perfecting his recipe."
"Puwede ko bang gayahin ang recipe ni Mang Tonio?" pakiusap naman niya. "Gusto ko kasing ipagluto ng ganito kasarap na spaghetti ang mga kapatid ko, eh. Para hindi na kami gumastos sa pagkain sa fast food chain kung makukuha ko naman ang lasa nito."
"Sure," mabilis na pagpayag ko. "I'm sure Tatay Tonio would have loved to share his recipe with you, Sunny."
"Thank you," sagot niya. Pagkatapos, binitawan niya ang tinidor para pagdikitin ang mga kamay niya. Then, she looked up at the ceiling and closed her eyes. "Thank you, Mang Tonio. Ang sarap po ng spaghetti niyo."
Napangiti ako dahil sa pagiging cute na naman ni Sunny. It makes me wonder how she couldn't see that she shines just as bright as the people she admires. At ano kaya ang magagawa ko para makita na niya na kumikinang din siya kaya walang dahilan para mainggit siya sa iba?
"Promise, gagawin kong super sarap ng spagheti na iluluto ko using your recipe," pagpapatuloy ni Sunny. "Rest in peace po." Nang nagmulat siya ng mga mata, nahuli niya kong nakatitig sa mukha niya. "What?"
"You're cute, Sunny."
"Binabayaran mo ba 'yong mga compliment ko sa'yo kanina?"
"Of course not," tanggi ko naman. "Nagsasabi lang ako ng totoo."
"I don't know how to react to that," iiling-iling na sabi niya, saka siya nagpatuloy sa pagkain.
"I think that's one of your weaknesses," maingat na sabi ko naman. "You doubt people too much, Sunny."
"Levi, you're good-looking," sabi niya sa flat na boses. "It's hard for me to accept praises from good-looking people especially if it's about my looks. Pakiramdam ko kasi, inuuto niyo lang ako. You'd never understand because you were born gorgeous."
Napabuntong-hininga ako habang iiling-iling. "Sana dumating 'yong time na maniwala ka na sa mga praises ko sa'yo."
"Nagkakaganyan ka lang kasi ako lang ang babaeng nakikita at nakakasama mo rito," sabi niya sa'kin. "Kapag lumabas ka, marami kang makikita na mas maganda at mas cute. They deserve your praises more than I do. Saka kung hindi ka naging manika at nagkakilala tayo sa labas ng mansiyon under normal circumstances, sigurado akong hindi mo ko mapapansin. For sure, you'd be attracted to your fellow good-looking people."
"It's not only about your physical appearance–"
"Let's not talk about this, Levi," putol niya sa mga sinasabi ko. "And please let me have my breakfast in peace. Puwede ba 'yon?"
"Okay," pagsuko ko naman kasi ayokong mawalan siya ng gana sa pagkain. "Mamaya na lang uli."
She just rolled her eyes at me.
Still very cute.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.