SHE'S already awake.
May narinig na kong ingay mula sa kuwarto ko habang nagbibihis ako rito sa walk-in closet. Natalsikan kasi ng dugo ni Jared ang suot kong damit kanina kaya kinailangan kong magbihis. Gusto kong parating maging presentable sa harap ni Sunny.
I don't want to look like a possessed doll from a cheap horror film.
Nang makuntento na ko sa porma ko, ginamit ko uli ang "secret door" para pumasok sa kuwarto. Naaliw naman ako sa naabutan ko. Si Sunny kasi, hawak ang silya ng dresser at halatang may plano siyang basagin ang bintana gamit 'yon.
Hindi naman basta-basta mababasag ang salamin dahil gawa 'yon sa fiber glass.
But she's still cute for trying.
"You're awake," bati ko sa kanya. Nang ibinaba niya ang hawak niyang silya, saka uli ako nagsalita. "I think you still need to rest more, Sunny."
She seemed to be frozen in fear. Nakatitig siya sa'kin na parang binabantayan ang kilos ko. Tingin ko nga, marami na siyang nabuong escape plane sa isipan niya. Nakikita ko kasi sa mukha niya ang desperasyong makalabas ng kuwarto at makalayo sa'kin.
Pero mayamaya, napansin kong tumingin siya sa suot kong damit at mukhang nagustuhan niya ang nakita. But I'm not sure if my thoughts are correct.
"I won't hurt you, Sunny," pag-a-assure ko sa kanya.
Napasinghap si Sunny na parang no'n lang nag-sink in sa kanya na buhay na manika nga ako. Pagkatapos, sumandal siya sa bintana at sumiksik do'n. Para bang mas gugustuhin niyang mahulog na lang mula ro'n kesa ang malapitan ko.
Still, I want to prove to her that I'm harmless so I tried to walk closer to her.
Nanlaki ang mga mat ni Sunny nang humakbang ako palapit. Pagkatapos, itinaas niya ang mga kamay na para bang bigla siyang nataranta. "D-Dyan ka lang!"
Huminto naman ako at hindi uli kumilos para hindi siya matakot. Shoot, I need to be extra careful. Sa tagal kong walang ibang nakakasama rito sa mansiyon, hindi ko na yata alam kung pa'no makihalubilo sa normal na paraan.
"H-Huwag kang lalapit sa'kin," dagdag pa ni Sunny sa takot pa rin na boses.
"I'm Levi Mitchell Hope," pagpapakilala ko sa sarili ko sa pag-asang kakalma siya kapag maayos akong nagpakilala. "I won't hurt you, Sunny. I'm a good guy."
Napangiwi ako sa huli kong sinabi. Alam kong hindi ko dapat dineklara na "good guy" ako dahil walang matinong lalaki ang gagawa niyon. Pero masyado na kong desperado at hindi alam kung pa'no makukuha ang tiwala ng isang babaeng takot na takot sa'kin.
"Yeah, right," sarcastic na sabi ni Sunny. "Kitang-kita ko nga kung ga'no ka kabait sa ginawa mo kay Jared."
Oh, she doesn't look that scared of me anymore. Alam kong matapang siya at ngayong unti-unti na siyang kumakalma, bumabalik na rin 'yong babaeng medyo rude magsalita.
"Serves him right," pagtatanggol ko naman sa sarili ko. Alam kong medyo overkill 'yong nagawa ko kay Jared pero hindi ko 'yon pinagsisisihan. "I hate men who force themselves on women. They deserve to die the most painful way."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat– halatang na-misinterpret ang mga sinabi ko. "P-patay na si Jared?"
"Oh, no," mabilis na paglilinaw ko naman. "He's still breathing when we dropped him off the road... I think."
Kumunot ang noo niya sa pagtataka siguro. "'We?'" May kasama ka?"
Ah, she's really sharp.
Sakto rin ang pagtatanong niya dahil pagkatapos lang ng ilang segundo, may narinig kaming katok sa pinto. Siyempre, sigurado akong si Mommy 'yon dahil bukod sa kaming tatlo lang ang nasa mansiyon, pinakiusapan ko rin siyang magdala ng damit para kay Sunny.
"I'll leave you for awhile to give you time to change clothes," sabi ko, saka ko itinuro ang damit niyang may mantsa ng dugo.
Tumingin naman si Sunny sa damit niya at halatang nabigla nang makitang may mantsa ng dugo sa chest area niya. Hindi siguro niya namalayan ang estado niya ngayon dahil mas inuna niya ang tangkang pagtakas do'n. Na normal lang naman sa gano'ng sitwasyon.
Tahimik akong naglakad papunta sa main door ng kuwarto para pagbuksan ng pinto si Mommy. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob, may naalala akong matagal ko nang gustong sabihin kay Sunny kaya humarap uli ako sa kanya.
"Sunny?"
"A-ano?"
I grinned at her and said, "I'm not a sex doll."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.