19th Chapter: I Found You

975 59 11
                                    

YEAH, that's the right to do.

Nakapagdesisyon na ko habang nakahiga sa kama at nakatitig sa galaxy painting sa kisame. Nasa gano'ng posisyon ako nang dumating si Sunny sa kuwarto pagkatapos niyang ihatid palabas ng mansiyon si Vince. Oo, narinig ko sila no'ng bumaba sila sa first floor kanina.

"Why are you still here, Sunny?" tanong ko sa kanya nang maramdaman kong palapit siya sa'kin.

Napahinto si Sunny sa paglalakad bago siya sumagot. "Gusto mo na ba kong umalis?"

"Alam mong hindi ko 'yon gustong mangyari," mabilis na tanggi ko naman. "Pero narinig ko ang usapan niyo ng pinsan mo mula rito. Sa tingin ko, tama siya. Hindi tama na manatili ka pa rito dahil lang sa naaawa at nakikisimpatya ka sa'kin."

"Levi–"

"You can leave now, Sunny," putol ko sa mga sinasabi niya. "Let's just forget about our deal. But don't worry. You will still get your one point five million pesos. You being emotionally bounded to me is not healthy for you. Pakiramdam ko, minamanipula ko ang damdamin mo para mapilit kitang manatili rito nang hindi ako nagmumukhang masama sa'yo. Hindi ko gustong abusuhin ka sa kahit anong paraan."

"Okay lang talaga sa'yo kung aalis na ko?" dismayadong tanong niya.

"Of course it's not," matapat na sagot ko naman. To be honest, I wanted to cry and kneel before her while begging her to stay with me. Pero mas nangingibabaw ngayon ang pagiging logical ko. "To be left behind sucks, but it's something I am accustomed to. It's okay if you leave me. Everyone does anyway." Natigilan ako nang may ma-realize. "Crap, that sounded melodramatic. You see, Sunny? I am emotionally bonding you to me. Your cousin is correct about everything he said." Natigilan uli ako nang may maalala. "I'm sorry about what happened, by the way. Hindi ko sinasadyang sindakin at pagbantaan ang pinsan mo. Akala ko kasi, katulad siya ni Jared na may balak na masama sa'yo. Nataranta ako no'ng marinig kitang sumisigaw. Anyway, you should call him and ask him to fetch you."

Natahimik si Sunny at matagal din bago nagsalita. "Bakit mo ko pinapaalis kahit pareho nating alam na hindi ito ang gusto mong mangyari? Levi, kusang-loob akong bumalik dito. Hindi mo ko pinilit. Lalong wala kang ginagawa para saktan o abusuhin ako sa kahit anong paraan."

"Naaawa ka lang sa'kin, Sunny," paalala ko sa kanya. "Makasarili man, pero ayokong 'yon lang maging dahilan kung bakit nandito ka sa'kin ngayon."

"Okay, pagpayag ni Sunny. "Aalis na ko bukas."

Ang bilis mo namang magdesisyon.

Nakakahiya mang aminin pero umasa ako na igigiit pa rin niya na mag-i-stay siya. Pero magmumukha naman akong tanga kung magrereklamo ako pagkatapos ko siyang paalisin. So I continued acting like I don't care. "Great."

Hindi sumagot si Sunny. Akala ko ay tahimik siyang aalis. Kaya nagulat ako nang bigla siyang humiga sa kama.

Nilingon ko siya para itanong kung ano ang ginagawa niya pero ang tanga pakinggan niyon kaya tumahimik na lang ako. Saka napansin kong kasing pula na naman ng buhok niya ang mga pisngi niya. I don't want to embarrass her more than she already is.

Right, let's just savor this comfortable silence.

Kaya ipinatong ko ang mga kamay ko sa tiyan ko at tumitig ako sa galaxy painting.

"Bakit may painting ng universe sa kisame mo, Levi?" tanong ni Sunny mayamaya habang nakatitig siya sa kisame. "Ikaw ba ang nagpinta niyan?"

"Paano mo nasabing ako ang nagpinta niyan?" curious na tanong ko sa kanya.

"May nakita akong studio sa ibaba na puno ng mga painting na kagaya niyang nasa kisame," paliwanag niya. "Unless painter si Mang Tonio, I guess ikaw lang ang makakagawa ng mga 'yon dito sa bahay." Naramdaman kong nilingon niya ako. "Bukod ba sa pagba-basketball, mahilig ka na ring mag-paint noon?"

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon