7th Chapter: Excuse My Impure Thoughts

1.2K 78 0
                                    

"AS EXPECTED of a trash like him," iiling-iling na bulong ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng bintana ng kuwarto ng walk-in closet niya. Nakatingin siya sa kaguluhang nangyayari sa bakuran ngayon. Si Jared kasi, nagdala ng tanod at mga taumbayan. Although it's amazing that he remembers what happened last night even though he was high on drugs.

Sigurado siyang nagsumbong si Jared sa mga tao na 'yon kaya sumugod sa mansiyon. Nando'n na rin sa labas ang mommy ko. Kahit hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila, alam ko naman na kung ano ang kuwentong sasabihin ni Mom para pagtakpan ang existence ko.

I really should have killed Jared.

Paalis na sana ako para magpunta sa Playroom at kalmahin ang sarili ko nang may makita akong pulang buhok. Nanikip ang dibdib ko nang makita kong si Sunny nga ang nakatayong 'yon sa tabi ni Mommy.

She already left the room.

Na-realize siguro ni Sunny na pinapaalis ko na siya kaya hayun, lumabas nga agad siya ng mansiyon. Na-i-imagine ko na siya sinusubukang buksan ang mga bintana at pinto pagkagising pa lang niya. Gano'n talaga siya kadesperadong makaalis dito at naiintindihan ko 'yon.

I scared her.

Mayamaya, napansin ko 'yong isang matandang couple at binatang malapit sa edad niya. Base sa interaction ni Sunny sa mga ito, masasabi kong sila ang pamilya ng babae.

I almost took her away from those people.

Siyempre, binugbog na naman ako ng konsensiya ko. Sinara ko ang mga kurtina, saka ako tumalikod mula sa mga bintana para hindi ko na makita ang mga mukha ng mga tao na muntik ko nang agawan ng pamilya. Saka hindi ko rin kayang panuoring umalis si Sunny.

Everything is a waste now, huh?

Tumingin ako sa paligid ng walk-in closet ko. Hindi pumapalya si Mommy sa pagpapadala sa'kin ng mga branded at trendy clothes kaya hindi ako magkukulang sa isusuot kahit ilang taon pa siyang hindi magpadala uli ng mga damit. Ah, wala rin pala akong problema sa mga sapatos na parating kasama sa mga outfit na pinapadala niya. Gano'n din ang mga belt at medyas.

Sa ginta ng kuwarto, merong glass drawer kung saan naman nakalagay ang mga expensive watch na parating regalo sa'kin ni Mommy kapag birthday ko o kapag may okasyon gaya ng Pasko. Nasa drawer din na 'yon ang mga necktie na kapareha ng mga formal suits na meron ako.

No'ng normal na tao pa ko, hindi naman ako vain. Wala akong pakialam sa hitsura o suot ko. Pero nagbago 'yon nang maging manika ako. Ayokong maging mas nakakatakot sa paningin ng mga tao na nakakasalamuha ko kaya sinisiguro kong parati akong presentable at hindi mukhang possessed doll.

Oo, may point sa buhay ko na may mga taong "bumibisita" sa'kin sa mansiyon. Pero hindi magandang alaala ang mga 'yon kaya pilit ko na lang kinakalimutan. Kapag naaalala ko kasi sila, pakiramdam ko ay bumabalik ang lahat ng sakit sa katawan ko kahit wala na dapat akong nararamdamang pisikal na sakit sa katawan na 'to.

But you can't really underestimate Albularyos, you know.

Napabuga na lang ako ng hangin habang iiling-iling. Pagkatapos, ginamit ko ang secret door para makabalik sa kuwarto ko. Nag-dive ako at dumapa sa kama. Hindi ko alam kung nag-i-ilusyon na naman ako o talagang mainit ang bedsheet.

Did her warmth cling to the bed?

Ah, sana bumalik na rin ang kakayahan kong makaamoy.

I know this sounds creepy but I want to know what Sunny smells like. Whenever I look at her, I could imagine an apple scent emitting from her. It's probably because of her red hair.

Please excuse my impure thoughts.

I know that I'm a lot older than her but to be honest, I feel like my age has been frozen along with my youthful look. I'm forever eighteen– in mind, heart, soul, and body.

Hindi naman kasi ako lumalabas ng mansiyon kaya hindi ko naranasan kung pa'nong mabuhay bilang adult. Stuck lang ako rito habang naglalaro ng online o video games, nagpipinta, nagbabasa, at nagma-marathon ng mga movie at TV series. Para akong recluse teenager.

I haven't even had the hormones of a normal young man while "growing up." No'ng naging manika kasi ako, hindi ko na naramdaman ang pag-function ng mga body parts ko, lalo na 'yong parte ng pagkalalaki ko. Saka pagkatapos ng ginawang pagsumpa sa'kin ni Louissa, nawalan ako ng interes sa mga babae.

It wouldn't be a stretch to say that there was a time that I hated women, including my mom. But thankfully, it was nothing but a phase.

Anyway, pakiramdam ko, ngayon pa lang ako "nagbibinata."

My head is filled with thoughts of Sunny. Masyadong malakas ang atraksyon ko para sa kanya. Sigurado ako na hindi lang 'to dahil sa siya ang unang babaeng nakasama ko rito sa mansiyon. May mas malalim pang dahilan na kahit ako mismo, hindi maintindihan kung bakit ganito agad ako ka-attach sa kanya.

Na para bang matagal ko na siyang hinihintay at ngayong nagkita na uli kami, ayoko na siyang pakawalan.

It's a strange but comforting feeling.

"Have I gone crazy?" naiinis na tanong ko sa sarili ko, saka ko kinuha ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko para may pagkaabalahan naman ako. Binuksan ko ang FB account ko nang may nakita akong red notification mula sa page na fina-follow ko. It was an update from St. John College– the school attended when I was in high school up to my sophomore year in college. Ah, Coach Nap posted something interesting.

Si Coach Nap ay P.E teacher ko noon at coach naman no'ng naging member ako ng first men's basketball team ng St. John College. Hindi ko alam kung natatandaan pa niya ko dahil twenty years na ang dumaan simula no'n. Pero ako, hindi ko siya makakalimutan.

Mabuti na nga lang at meron siyang FB account. Noon pa man kasi ay feeling bagets na talaga siya. Hindi nakakapagtaka na nakasabay siya sa modern technology. Pero hindi ako nagpapadala ng friend request siya dahil ayokong bigyan siya ng pag-asa na magkikita pa kami– kung sakali mang naaalala pa niya ko. Na may posibilidad mangyari dahil matalas ang memorya niya, lalo na pagdating sa mga mukha at pangalan ng mga estudyante niya.

He looks so old now.

'Yon agad ang naisip ko nang mag-post si Coach Nap ng picture ng bagong basketball team na kini-coach niya. Naka-post din 'yon sa St. John College page. Mukhang may magaganap na event sa school kaya nag-post siya tungkol sa players niya.

Meron pa kaya siyang natago na picture no'ng basketball team ko noon?

Noon, sinusubaybayan ko sa social media ang buhay ng mga dati kong mga kaibigan, ka-team, at kaklase. Pero simula nang makaramdam ako ng inggit sa normal life nila– lalo na ro'n sa mga may successful career at masayang pamilya– ay huminto na ko. Nagbabad na lang ako sa online games, pagpipinta, pagbabasa, at pagba-binge watch ng mga TV series.

Yes, that's my life, frustrated na paalala ko sa sarili ko. I should be contented that my mother is still providing a comfortable life for me.

That should be enough, right?

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon