"LEVI, congratulations for breaking free from the curse," tumatawang sabi ng isang babae na pamilyar sa pandinig niya. "Would that be a good thing, though?"
Louissa?
Nagmulat ako ng mga mata nang bumangon ang matinding galit sa dibdib ko nang ma-realize kong ang ex-girlfriend ko ang narinig kong nagsalita. Pero sa pagkagulat ko, natagpuan ko ang sarili ko na mag-isa sa kuwarto na ginawa ko nang walk-in closet. Nakaupo ako sa sofa sa gitna ng kuwarto habang nakahiga sa armrest niyon.
Naaalala kong nagpunta nga ako rito para pumili ng mga damit na isusuot para maging presentable siya pagdating ni Sunny. Pero...
... but I don't remember falling asleep!
I'm no longer supposed to be capable of sleeping and dreaming!
Pero nakaidlip ako at nanaginip pa. Hindi ko nakita si Louissa pero sigurado akong boses niya ang narinig ko. Saka natatandaan ko pa rin ang mga sinabi niya.
I'm free from the curse?
"Jared, stop!"
Bigla akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Sunny sa kabilang kuwarto. Ga'no katagal ba kong nakaidlip para hindi ko mapansin na nandito na pala siya?
She's not alone!
Nataranta agad ako nang makarinig ako ng kakaibang mga ingay sa kuwarto ko. May boses din ng lalaki. Higit sa lahat, umiiyak si Sunny.
May masamang kutob agad ako kaya tumayo na ko at nagmamadaling lumapit sa dingding na nagdudugtong sa walk-in closet at kuwarto ko. May hagdan sa tapat niyon na may tatlong baitang. Pagkatapos, tinulak ko ang pader para bumukas 'yon.
Lumabas ako sa dingding kung saan nakasandal ang headboard ng kama.
At nandilim agad ang paningin ko sa naabutan ko.
Nakahiga sa sahig ang duguang si Sunny habang may lalaking nakapatong sa ibabaw niya at halatang ipinipilit ang sarili nito sa kanya.
Gusto kong magwala pero nang nakita kong nakatingin sa'kin si Sunny, kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong mas lalo siyang matakot siya sa'kin. Naglakad ako palapit sa kanya, saka ko hinablot sa kuwelyo ang lalaking nakapatong sa kanya.
Salamat sa kakaiba kong lakas simula nang naging manika ako, walang kahirap-hirap na nabuhat ko ang lalaking halatang mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan kesa sa'kin.
Tiningnan ko si Sunny para inspeksyunin kung saan siya may tama. Nakita kong dumudugo ang gilid ng ulo niya at napansin ko ring namumutla na siya. Mabuti na lang at hindi pa ito nawawalan ng malay sa kabila ng mga nangyari rito.
But she looked scared. She'd be scared, of course. Anyone would be in that situation.
"What... the..."
Dumako ang tingin ko sa lalaking bitbit ko sa kuwelyo. Ang lalaking 'to ang nagbigay ng sugat at takot kay Sunny. I will never forgive this animal!
Lumingon sa'kin ang lalaking Jared yata ang pangalan, kung tama ang pagkakaalala ko sa tinawag ni Sunny sa kanya kanina. Isang tingin ko pa lang sa kanya, napansin ko na agad na high siya sa drugs. Pero nang makita niya ko, mukhang nagising siya bigla.
"D-Doll!" nauutal na sigaw ni Jared. "T-the d-d-doll i-is f-fucking p-possessed!"
Nakaramdam ako ng matinding disgusto para sa batang 'to kaya hinagis ko siya sa dingding. Malakas ang pagtama niya ro'n at halata naman sa mukha niya na nasaktan siya. Pero hindi pa rin ako kuntento. Hindi ko siya mapapatawad sa tinangka niyang gawin kay Sunny!
Bago pa makatakas ang lalaki, sinakal ko na siya sa leeg at muling sinandal sa dingding. Pagkatapos, pinagsususuntok ko na siya sa mukha. Hindi ko kontrolado ang bigat ng kamao ko kaya hindi nakakapagtaka na matapos lang ang ilang bagsak, duguan na siya at umiiyak habang nagmamakaawa sa'kin na tumigil na.
Siyempre, hindi ako huminto. Gusto kong iparanas sa kanya ang takot at sakit na naramdaman ni Sunny kanina. An eye for an eye.
"Stop!" sigaw ni Sunny sa boses na puno ng magkahalong takot at desperasyon.
Huminto ang kamao ko sa ere bilang tugon sa utos ni Sunny. Bigla rin akong natigilan dahil no'n lang ako natauhan. Sobrang duguan na pala si Jared at halos wala nang buhay. Wala naman akong pakialam sa lalaking 'to.
Pero natatakot ako sa magiging reaksyon sa'kin ni Sunny.
Being a living doll is already bad enough. But making Sunny think that I'm violent would make it worse. I don't want her to be scared of me.
"B-bitawan mo siya," halatang natatakot na utos ni Sunny. "A-ayokong maka-witness ng m-murder sa mismong harapan ko. P-please."
Mabilis kong binitawan ang duguan at bugbog na si Jared. Wala na siyang malay kaya dere-deretso lang siyang bumagsak sa sahig. Pero nakita ko namang humihingi pa siya.
Well, I think.
Humarap ako kay Sunny at no'n ko na-realize na nangyari na ang kinakatakutan ko. Sinisiksik kasi ng babae ang sarili niya sa dingding na para bang takot na takot siya sa paglapit ko sa kanya.
To assure her that I'm harmless, I squatted in front of her until our eye level is even. I look at her in the eye in hope that she'd see that I'm not dangerous.
"Hi, Sunny," masiglang bati ko sa kanya, umaasa na mababawasan ang takot niya sa'kin.
Pero mukhang hindi 'yon epektibo dahil mukhang mas lalo lang siyang natakot sa pagkausap ko sa kanya. Nanlaki pa nga ang mga mata niya na para bang nagulat siya nang banggitin ko ang pangalan niya. Mukhang hindi niya 'yon nagustuhan dahil napahikbi na siya mayamaya.
Alam kong dapat ko siyang kalmahin pero habang nakatingin ako sa kanya, mas tumindi ang kagustuhan kong protektahan siya para hindi na uli mangyari sa kanya ang nangyari ngayonng gabi. Pero magagawa ko lang 'yon kung titira siya sa mansiyon.
I cocked my head to one side while carefully thinking of the right words to say until I heard myself say, "Would you like to stay here with me forever?"
Mukhang mali ang mga salitang napili ko dahil mas lalong lumakas ang mga hikbi ni Sunny hanggang sa mawalan siya ng malay.
Oh.
Mabilis ko siyang sinalo bago pa siya bumagsak sa sahig kaya heto, nakasandal siya ngayon sa balikat ko.
I guess I need to call Mom.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Novela JuvenilHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.