15th Chapter: I'm Not A Player!

960 58 4
                                    

HER EYES are puffy.

Hindi ko mapigilang hindi titigan si Sunny habang natutulog kaya heto ako, nakapatong ang mga siko sa kama at nakapalumbaba habang tinititigan siya.

Buong magdamag lang akong nakatingin sa kanya dahil hindi naman ako nakakatulog. Saka gusto ko siyang panuorin lang dahil may parte pa rin ako na hindi makapaniwalang nandito na nga siya sa mansiyon. Na sa susunod na mga araw, hindi na ko mag-isa.

Naputol ang pag-iisip ko nang humikbi si Sunny sa pagtulog niya.

"You didn't have to cry for me, silly," bulong ko sa kanya. I wanted to gently pinch her cheek but touching her without her consent would be unforgivable. Mali na nga ang titigan ko siya habang natutulog kaya ayoko nang dagdagan ang kasalanan ko sa kanya. "But thank you for empathizing with me, Sunny."

Napapiksi ako nang may marinig akong tunog na parang busina. Kung hindi ako nagkakamali, dumaan 'yong tindero ng pandesal na naka-bisikleta. Ibig sabihin lang, ala-sais na ng umaga. Mahigit walong oras na pala kong nakatitig kay Sunny.

At posible ring magising na siya.

Bago pa niya ko mahuling nakatitig sa kanya, tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Dumeretso ako sa kusina at kinuha sa cabinet ang cold compress. Pagkatapos, kumuha naman ako ng ice cubes sa ref para ilagay do'n. Nang matapos na ko sa ginagawa ko, bumalik na ko sa kuwarto.

Sakto naman dahil naabutan kong gising na si Sunny. Nakabangon na siya at nag-iinat. Ang cute nga niya kasi halatang hindi niya maimulat ang namamaga niyang mga mata.

"Good morning, Sunny," bati ko sa kanya. "Your eyes are still puffy, I see."

Lumingon sa'kin si Sunny at bahagya lang nakamulat ang mga mata niya. "It's your fault."

"How is it my fault?" pabirong reklamo ko naman, saka ako naglakad palapit sa dresser. Hinila ko ang silya sa harap ng salamin para ilagay 'yon sa tabi ng kama. Pagkatapos, umupo ako at inabot sa kanya ang cold compress. "Here. Use this to reduce the puffiness of your eyes."

"Thank you," sabi niya, saka niya kinuha ang cold compress at ipinatong agad 'yon sa isa niyang mata. "May kasalanan ka ba sa'kin?"

"Huh?"

"Ang extra mo sa'kin ngayon, eh."

"Extra?"

"Extra nice."

Napailing ako sa pagiging sharp niya, saka ako umamin. Chances are... she already knows what I did last night. "Sorry. I stayed up all night to watch you sleep."

"I thought so," pagkumpirma niya sa hinala ko, saka niya nilipat ang cold compress sa kabilang mata niya. "Levi, why are you so obsessed with my face?"

"Hindi ko rin alam, eh," matapat na sagot ko. "I just like looking at your face. It soothes me. Does it make you uncomfortable?" Na-realize ko rin naman kung ga'no ka-ridiculous ang tanong ko kaya binawi ko rin agad. "It must have bothered you. I'm sorry."

"Forget it," sabi niya at mukhang hindi naman siya galit. "Hindi naman ako na-bother. Nagtataka lang talaga ako d'yan sa weird habit mo. I mean, I know that I'm not that pretty. Buti nga, hindi ka nasusuya sa mukha ko eh mas pretty ka naman sa'kin. Even though you're a doll, you're still more attractive than I am."

"Oh, you find me attractive?"

Natigilan siya sa ginagawa, saka niya ko pinanlakihan ng mga mata. Mukhang gusto niya kong takutin pero hindi 'yon effective kasi kasing pula na yata ng buhok niya ang mga pisngi niya. And I find it really cute. "I didn't say that."

I couldn't help but smile at her denial. "Look, you can open your eyes now."

"Tsk," reklamo niya, saka siya nag-iwas ng tingin sa'kin. "I know that you already know that you're attractive. Hindi naman 'yon nawala kahit ngayong manika ka na. Mas pogi ka pa rin sa karamihan sa mga lalaking kakilala ko, saka sa ibang local teen stars."

Mas lumuwang ang pagkakangiti ko sa mga compliment niya sa'kin. Totoo ang sinabi niya na alam kong attractive ako no'ng tao pa ko. I even dated around when I was in high school. Pero nawala ang confidence ko no'ng naging manika ako. Kaya nakakatuwang marinig mula kay Sunny na attractive ako para sa kanya. "Thank you, Sunny."

Tiningnan niya ko ng matalim. "No wonder you used to be a player."

Ako naman 'tong nanlaki ang mga mata. "What?"

"Nagpunta ako sa St. John College no'ng nakaraan," pagkukuwento niya na ikinagulat ko. Mukhang napansin niya 'yon kaya nag-explain agad siya sa'kin. "Nakita ko kasi sa profile mo na do'n ka nag-aral. Nang i-check ko ang page ng old school mo, nakita ko 'yong old photo na in-upload ni Sir Nap. Nakita kita sa basketball team kaya na-curious ako."

"Nagpunta ka sa St. John College?"

Tumango siya bilang pag-amin. "Nakausap ko rin si Sir Nap. Naikuwento niya na ikaw nga raw ang best player ng team niya noon."

"Ah."

'Yon lang ang nasabi ko kasi hindi ko alam ang iisipin. Ayoko namang mag-assume na interested sa'kin si Sunny kaya nagpunta siya sa dating kong school. Pero may iba pa bang reason para gawin niya 'yon?

"Naikuwento rin ni Sir Nap na isang araw, bigla ka na lang daw nawala," pagpapatuloy ni Sunny. "Naintindihan ko lang kung bakit no'ng ikinuwento mo ang past mo."

Tumango lang ako bilang pagkumpirma. "May iba pa bang sinabi sa'yo si Coach Nap?"

"Babaero ka raw."

"That's not true!"

"Eh bakit defensive ka?"

"Because it's not true," giit ko naman sa mas kalmadong boses. "Well, I dated around for a bit. Pero wala akong niloko o pinagsabay-sabay sa kanila."

"You don't have to explain," saway niya sa'kin. "Kung naging lalaki ako at kasing guwapo mo ko, baka hindi rin ako tumigil sa pakikipag-date."

"So, naguguwapuhan ka nga sa'kin?"

Inalis na niya ang cold compress sa mga mata niya, saka siya tumingin sa wall clock. "Ah, look at the time. Magluluto muna ako ng breakfast ko, ha?"

Natawa ako sa pag-iwas niya. "Is it that hard to directly admit that you find me attractive after showering with me praises for my good-looks?"

"Fine, you're pretty," sabi niya, saka niya hinagis sa'kin ang comforter bago siya tumayo. "Okay na?"

Natawa ako sa pagiging childish niya. "But why call me 'pretty?' Do I look like a girl?"

Well, I have shoulder-length hair. Humaba ng gano'n ang buhok ko habang comatose ako no'ng tao pa ko. Kaya no'ng naging manika ako, nanatili sa ganitong length ang buhok ko.

Is that enough to give me a feminine look?

"Levi, you should be damn proud when a girl calls you pretty," sermon niya sa'kin. "Most girls can't even call their fellow girls pretty. Kaya kapag sinabihan ka ng isang babae na maganda ka, it only means na ethereal-looking ka."

"Ethereal-looking?" nangingiti habang iiling-iling na tanong ko. "What does it even mean?"

"Hay naku, Levi. Fishing for more compliments?"

Napansin ko na naiinis na naman siya sa'kin pero hindi naman sa masamang paraan. Parang nag-iinisan na kami na normal lang siguro sa magkakaibigan. Kaya naisip ko na mas lalo siyang asarin. "Bakit parang naiinis ka?"

Kinuha niya sa'kin ang comforter at nagsimula naman siyang ayusin ang kama. "Bitter ako sa mga good-looking na gaya mo. Para kasing ang liwanag niyo. Ang sakit sa mata."

"You don't like shiny things?"

"I don't."

"Sunny, you should seriously stop looking at other people's light," seryosong advice ko sa kanya. "You'll never see your own brightness if you don't look at yourself properly."

"Levi, it's too early for your preach," reklamo niya nang hindi tumitingin sa'kin dahil busy pa rin siya sa pag-aayos ng kama. "Pakainin mo muna ko ng breakfast bago mo ko sermunan. Kasi kapag inasar mo ko habang gutom ako, magagalit na talaga ako."

Oh, she knows that I'm purposely trying to annoy her, huh? That made me smile. "I can cook for you, Sunny."

Lumingon sa'kin si Sunny, halata sa mukha ang pagkagulat. "You can cook?"

Nakangiting tumango naman ako. "Do you like Pinoy-style spaghetti?"

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon