25th Chapter

835 52 2
                                    

"LEVI, I punched Jared."

Natawa ako sa ibinalita sa'kin ni Sunny nang bumalik siya sa kuwarto. Sakto ang dating niya dahil katatapos ko lang mag-empake. Tinutulungan niya ko kanina pero umakyat sa kuwarto si Vince at sinabing kailangan si Sunny sa labas. Kaya nang umalis ang babae, ipinagpatuloy ko ang pag-e-empake. "Good girl," puri ko sa kanya. Mula sa pagkakasalampak sa sahig kung nasa'n ang backpack ko, tumayo ako at umupo sa kama. Pagkatapos, tinapik ko ang space sa tabi ko. "Tell me more about it."

Nakangiting tumango si Sunny, saka siya umupo sa tabi ko. "Apparently, nakasalubong ni Felix si Jared kanina bago niya tayo niligtas. Na-knock out niya si Jared using his self-defense moves. Ang astig pala ni Felix."

Ngumiti lang ako. Hindi ko aaminin na medyo nagselos ako sa admiration na nahimigan ko sa boses niya. I don't want to sound immature.

"Anyway, no'ng lumabas ako kanina, gising na si Jared," pagpapatuloy ni Sunny. "Ini-insist niya sa mga taumbayan at tanod na may buhay na manika sa mansiyon. Eh nainis na ko kaya sinapak ko siya. Saka ko sinabi na sinubukan niyang sunugin ang bahay. Kaya hayun, dinampot na siya ng mga barangay officials."

"Hindi ba kailangan ka ro'n para magbigay ng statement?"

"Sina Hani, Smith, at Vince na ang pinapunta ko. Ang excuse ko, tatawagan ko si Ma'am Beatrice para i-report ang nangyari sa mansiyon," sagot niya. "Si Felix naman, nasa baba lang. Nagbabantay siya just in case may mag-attempt na namang pumasok dito."

"That's a relief."

Nakangiting tumango siya. "Felix is reliable, isn't he?"

"Sure," sagot ko sa matabang nang boses, saka ako humiga sa kama. Ayoko kasing makita ni Sunny na nakasimangot na ko. Why am I getting jealous?

Much to my delighted surprise, Sunny laid next to me.

Magkadikit ang mga balikat at braso namin pero hindi pa rin ako nakuntento. Gusto ko pang mas maramdaman siya kaya ikinawit ko ang hinliliit ko sa hinliliit niya. Hindi naman siya nagreklamo. In fact, she looks as happy as I am.

"Babasahin kaya ng mommy mo ang email mo?" tanong sa'kin ni Sunny mayamaya.

"Sana," sagot ko kahit hindi na ko umaasa kay Mommy.

Ang sabi ni Sunny kanina, gusto raw makausap ng barangay captain ang mommy ko. Na naiintindihan ko naman dahil seryoso ang arson. Pero pinutol na ni Mommy ang contact ko sa kanya kaya hindi ko alam kung babasahin pa niya ang email na galing sa email address ko na ipinagamit ko kay Sunny kanina.

"Levi?"

"Hmm?"

"Nagbabago ka na, hindi ba?" maingat na tanong ni Sunny. Napansin siguro niyang hindi na ko komportableng pag-usapan si Mommy kaya binago na niya ang usapan. "'Yong mga mata mo, nagagalaw mo na sa normal na paraan. Kumukurap ka na rin. At ngayon, nararamdaman kong umiinit na ang katawan mo."

Ah, hindi ko pala imahinasyon ang pag-iinit ng katawan ko kanina. "Mukhang gano'n na nga, Sunny. Napansin ko rin na unti-unti nang bumabalik sa'kin ang mga katangian ko na nawala no'ng naging manika ako."

Napangiti siya, halatang natuwa sa nalaman. "Ngayon lang ba nangyari 'to, Levi?"

"Yes. I'm quite stoked," pag-amin ko naman. "Ayoko nga sanang pansinin dahil baka mamaya, imahinasyon ko lang pala 'to."

Nilingon niya ko at sa pagkakataong 'yon, talagang nakatitig na siya sa mukha ko. "Ano sa tingin mo ang nag-trigger ng pagbabago mo?"

Matagal bago ko nasagot ang tanong niya. Nag-iingat ako dahil ayokong bigyan ng false hope ang mga sarili namin. Saka hindi rin naman ako sigurado kung tama ako. "Nangyari lang naman sa'kin 'to simula nang may maramdaman ako para sa'yo."

Namula na naman ang mga pisngi niya. "You mean, 'yong cure sa sumpa mo, parang 'yong sa mga Disney movies? True love?"

"I don't want to assume, Sunny," maingat na sagot ko. "Hindi pa naman tayo nakakasiguro kung unti-unti na ba talaga akong bumabalik sa pagiging tao. Alam mo namang ayoko nang magkaro'n uli ng maling pag-asa, 'di ba? Kapag may bagay akong inaasahan o kinakapitan, pakiramdam ko naririnig 'yon ng universe at inaagaw niya para hindi ako maging masaya."

"Subukan uli natin, Levi," pangungumbinsi naman niya sa'kin. "'Yong pamilya ni Hani, may history sila ng witchery. Baka masabi nila sa'tin kung anong nangyayari sa'yo ngayon at matulungan ka pa nila. Alam kong ayaw mo na uling pagdaanan ang lahat ng 'to. Pero gusto kong makalaya ka sa sumpa mo. Saka sa nangyayari sa'yo, sa palagay ko naman, malaki ang chance na may pag-asa ka pa talagang maging tao uli."

Inalis ko ang hinliliit ko sa hinliliit niya. Pero bago pa siya makapagreklamo, hinawakan ko na ang kamay niya. Then, I entwined our fingers together. "Alright. Let's give it a shot again."

Nagdesisyon ako hindi lang base sa gustong gawin ni Sunny. Nabuo ang desisyong 'to mula sa sarili kong kagustuhan na alamin ang totoong kondisyon ko ngayon. May hinala ako sa "catch" ng sumpa ko pero hinala lang 'yon. Ayokong palagpasin ang pagkakataon na alamin ang katotohanan dahil lang sa takot akong kumpirmahin 'yon.

Plus, I already decided to go wherever Sunny is. Para masundan at masamahan siya, kailangan kong mabuhay. At lalaban ako kasi gusto ko pa siyang mahalin ng mas matagal.

Ngumiti si Sunny sa desisyon ko. Parang bata siyang pinagbigyan sa Christmas wish nito. That's how cute and innocent she looks whenever she's happy. "Thank you! Kung gagawin kasi natin 'to, gusto kong gawin mo 'yon ng maluwag sa loob mo at hindi lang dahil sa pinilit kita. I want to give you hope, Levi. Malakas ang kutob ko na sa pagkakataong 'to, magiging maayos ang lahat."

"Hmm. Why do you say so?" tanong ko dala ng amusement.

"Because I'm your lucky star," natatawang sagot niya, halatang nagpapa-cute sa'kin. Of course, I find her cute. "Kasi kitams, nagbabago ka na simula no'ng nakilala mo ko."

"I beg to differ," marahang kontra ko naman. Then, I looked at her hoping that she would see how precious she is to me. "Sunny, you are more than a lucky star to me. You are my milky way. You are the galaxy that contains the stars I live to see."

Again, her face turned as red as her hair. Pero sa pagkakataong 'yon, nangilid ang mga luha niya na para bang gusto niyang umiyak sa sobrang pagka-touch. Ah, mukhang nahiya siya dahil sinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko. "Levi, thank you. Uhm, you always say beautiful things that leave me speechless. Ako ang writer sa'tin pero wala akong masabi na kasing ganda ng mga sinasabi mo sa'kin ngayon."

"Hindi mo naman kailangang ibalik sa'kin ang mga sinasabi ko," pag-a-assure ko sa kanya. "I just say whatever I feel anyway." Nilingon ko siya pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin sa'kin. Napangiti naman ako nang napansin kong namumula na rin ang tainga niya. That made me want to tease her more. "Sunny, you don't need to say beautiful things to me because you existence is already beautiful enough to take my breath away."

Ramdam ko ang inis ni Sunny sa paghampas niya sa dibdib ko. "Stop teasing me, Levi!"

 "Stop teasing me, Levi!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon