"SUNNY, na-brief mo na ba ang friends mo about me?" nag-aalangang tanong ko sa kanya habang magkahawak-kamay kami at pababa na ng hagdan. "Baka bigla silang mag-pass out kapag nakita nila ako."
"They already know that you're a living doll even before they came here," pag-a-assure ni Sunny sa'kin. "Vince told them. Nag-worry sa'kin ang pinsan ko kaya tinawagan niya sina Hani para ipaalam sa kanila ang sitwasyon. Sinundo naman ako nina Hani rito para tulungan akong makalimot." Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. "Na hindi na kailangan ngayon."
"All right," sagot ko, saka ako humugot ng malalim na hininga para mabawasan ang kaba ko. "I don't look scary, do I?"
"You look ethereal."
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya, saka ko siya marahang hinila bago pa magbago ang isip ko dala ng kaba. "Let's go."
Pagdating namin sa sala, sabay-sabay napatingin sa'min ang mga kaibigan niya.
Naikuwento na sa'kin ni Sunny ang tungkol sa kanila kaya may ideya na ko sa mga pangalan nila na na-i-match ko sa physical description na ibinigay niya.
The only girl in the group is obviously Hani. 'Yong lalaking mukhang may lahing Tisoy ay si Smith. Sa pagkakataong 'yon, nakilala ko na ang pinsan ni Sunny na si Vince. At siyempre, ang misteryosong si Felix.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Vince sa'min ni Sunny (at sa magkahawak-kamay namin) bago natutok ang atensiyon niya sa pinsan niya. "Uhm, so, I'm assuming hindi ka aalis ng bayan na 'to na hindi kasama si Levi?"
Tumango si Sunny at tiningnan ang backpack sa likuran ko. "Yep. I have a plan," sagot niya bago siya tumingin kay Vince ."Pero bago 'yon, gusto ko muna kayong ipakilala sa isa't isa." Iminuwestra niya ang grupo ng mga kaibigan niya. "Levi, nakilala mo na si Vince. Sila naman sina Hani, Smith, at Felix." Pagkatapos, ako naman ang itinuro niya. "Guys, this is Levi."
"Hi," nahihiyang bati ko sa kanila habang taimtim na nagdadasal na sana, walang himatayin sa takot. "I know you're quite shocked and probably scared of me, but I want to assure you I don't hurt anyone... except bad guys. So, breathe, people."
Nakakatawa pero sabay na bumuga ng hangin sina Hani at Smith. Si Vince naman, napailing na lang. Samantalang si Felix, sobrang cool at composed pa rin.
"Damn, he's really alive," hindi makapaniwalang bulalas ni Smith, saka tumingin kay Hani. "Baby, he is scarier than the voodoo dolls you keep in your room. Rest assured, simula ngayon, hindi ko na tatawaging 'creepy' ang mga manika mo."
"Excuse me?" na-offend na sabi ko. I know that being a living doll is creepy. Pero hindi ako papayag na maikumpara sa voodoo dolls. "I'm pretty sure I look better than voodoo dolls."
Smith let out a nervous laugh. "Yeah, sure. Pero hindi buhay ang mga voodoo dolls ng girlfriend ko. No offense meant, man. But you kinda look like you're pulled straight out of a horror film." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Though I have to admit you're also kind of chic for a doll."
Tumango ako dahil na-appreciate ko na napansin niya ang trendy clothes ko. "Thank you."
Halatang nagulat si Smith sa sagot ko, pero sa halip na magkomento ay ngumiti na lang.
Sa totoo lang, nainis ako kanina dahil karamihan sa mga stylish clothes ko sa cabinet sa loob ng kuwarto ko ay nasunog. Mabuti na lang at marami pa kong bagong biling mga damit na nakatago sa walk-in closet ko. Ang mga 'yon ang inempake ko kanina.
Ngayon naman ay nakasuot ako ng graywool sweater sa ibabaw ng maroon collared polo, brown pants, and black shoes. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng init ng panahon kaya kahit summer, hindi ako apektado ng init.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.