"SUNNY, magbibihis lang ako," paalam ko sa kanya habang nagtitimpla siya ng kape. "After that, let's go to the Playroom. Tuturuan kitang maglaro ng online game. 'Tapos, bumuo tayo ng team."
"Okay pero I'll warn you now," sabi niya habang sinasalin niya sa tasa ang kape mula sa coffee maker. "I suck at playing games."
"I'm good at teaching."
"Yes, good-looking people are good at everything they do."
"Sunny, I want to pinch your cheeks," sermon ko sa kanya. "Kapag sinabi mo pala uli sa'kin 'yan, talagang kukurutin na ko. I'm not joking."
"Of course," sagot niya, halatang nang-aasar pa rin. "Good-looking people are pikon– aw!"
Ginawa ko ang banta ko kanina– pinisil ko ang mga pisngi niya. Pero siyempre, siniguro ko naman na hindi siya masasaktan. Medyo exaggerated lang ang reaksyon niya.
"Ano ba?" reklamo ni Sunny pero hindi naman niya inalis ang mga kamay ko sa mga pisngi niya. "This is bullying."
"I warned you," katwiran ko naman. Huminto na ko sa pagpisil sa mga pisngi niya pero nilapat ko naman ang mga palad ko sa mga pisngi niya. Hindi na dapat ako nakakaramdam kaya nagtaka ako nang maramdaman ko ang init ng katawan ni Sunny. Am I imagining this or her warmth is really penetrating my "skin?" She is warm.
At pakiramdam ko, 'yong init ng katawan niya ay gumagapang sa buo kong katawan. Simula talaga nang halikan niya ko, ang dami nang pagbabago sa'kin. Totoo kaya 'yong "panaginip" ko kung saan narinig ko na sinabi ni Louissa na malaya na ko sa sumpa?
But what's the catch?
"You know, Levi..." pagsisimula ni Sunny sa nag-aalangang boses. "I really like your ocean blue eyes."
That actually surprised me. Ang tagal ko na kasing hindi tumitingin ng maayos sa mukha ko. Kapag nakaharap ako sa salamin, naka-focus lang ako sa suot kong damit. Kaya muntik ko nang makalimutan na asul nga pala ang kulay ng mga mata ko.
Kumunot ang noo ni Sunny na parang nagtaka siya sa reaksyon ko. "Hindi mo ba alam na blue ang mga mata mo?"
"Siyempre, alam ko," sagot ko naman. "Muntik ko lang makalimutan."
Natawa siya ng mahina habang iiling-iling. "How could you forget that you have beautiful blue eyes? They remind me of the ocean, you know."
"Matagal na kong hindi nakakakita ng totoong dagat," pag-amin ko naman. Na sigurado namang gets ni Sunny dahil alam niyang nakakulong lang ako sa mansiyon sa dumaang twenty years. "It would be nice to see the ocean even for once."
"Gusto mo bang lumabas?" tanong niya sa'kin. Nang hindi agad ako nakasagot, nagpatuloy siya. "I can help you."
"Kapag pumayag ako, saan mo naman ako dadalhin?"
"Dadalhin kita sa beach," sagot niya na para bang madali lang gawin 'yon. "Maraming beach sa Batangas. Puwede akong magpa-book ng hotel ngayon."
"Pa'no mo naman ako dadalhin?" tanong ko sa kanya. "Kaya mo ba kong buhatin? I'm bigger than you, Sunny. Siguradong mapapansin tayo ng ibang tao."
"Puwede akong mag-rent ng van para hindi na natin kailangang mag-commute," katwiran niya. "Kailangan mo nga lang magpanggap na totoong manika habang nasa biyahe tayo para hindi ka mabuking ng driver. 'Tapos, ipapabuhat kita sa driver hanggang sa hotel. Wala namang batas na nagbabawal magdala ng life-sized doll in public, eh."
"People might mistake me for a sex doll, though," pang-aasar ko sa kanya. "Siguradong masama ang magiging tingin nila sa'yo."
Namula ang mga pisngi niya pero nanatiling seryoso ang mukha niya. "Mukha bang ako 'yong tipo ng tao na may pakialam sa sasabihin ng iba?"
"Malapit mo na kong ma-convince," pag-amin ko. "But I have to politely decline. Ayokong lumabas ng mansiyon kasi baka masanay ako. At kapag nasanay ako, hahanap-hanapin ko na ang buhay sa labas."
Dumaan ang pag-intindi sa mukha niya, saka siya marahang tumango. "Just tell me when you change your mind."
"I will," sagot ko kahit alam kong malabong magbago ang isip ko sa ngayon.
"Levi?"
"Hmm?"
"How long are you going to touch my face?"
I was stunned when I realized that I've been cupping her face all this time. Kaya mabilis ko siyang binitawan na para bang napaso ako. "Sorry, Sunny," nahihiyang sabi ko sa kanya. "I was just carried away."
"I'm not mad," pag-a-assure niya sa'kin. "I wasn't bothered. Pero may gagawin pa ko." Tinuro niya ang laptop sa mesa. "Puwede bang magtrabaho muna ko habang nagbibihis ka?"
"Of course," pagpayag ko naman, saka ako nagsimulang maglakad palabas ng kusina. "I'll be back, Sunny."
"Okay," sagot ni Sunny, saka niya binitbit ang mug ng kape sa mesa kung nasa'n ang laptop niya. Pagkatapos, umupo siya sa silya at tumingin sa'kin. "I'll wait for you here, Levi."
I smiled at that. It feels good to know that someone is waiting for me. Finally.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.