SO, I GAVE up on trying to entertain Sunny.
Nang magsimula kasi siyang maglinis ng Playroom kahit hindi ko sinasabing gawin niya 'yon, na-realize ko na hindi ko na siya kailangang libangin dahil mukha namang marami siyang gustong gawin dito sa mansiyon.
But still, I want to stay where she is so I started to play an online game on my computer.
'Yon nga lang, hindi ako makapag-concentrate sa nilalaro ko dahil alam kong kasama ko si Sunny. Gusto ko siyang titigan lang at panuorin sa kung anumang ginagawa niya. Pero sigurado akong magiging uncomfortable siya kaya pinigilan ko ang sarili ko.
To distract myself, I decided to log in on my FB account and scroll on my newsfeed. Nang ma-refresh ang feed, sumalubong sa'kin ang "juicy post" ni Sunny sa timeline ng kaibigan niya. Napailing-iling na lang ako nang may nabasa na naman akong bad comment tungkol sa kanya.
Of course, I'm on her side. Pero hindi naman ibig sabihin no'n eh hindi ko na aamin na may mali rin siya sa nangyayari. Rooting for someone doesn't work that way. If you want to support a person, you should call them out if needed. Otherwise, it would be considered as tolerating.
Pinihit ko paharap kay Sunny ang swivel chair ko. Nakita ko siyang nakaupo sa rolling ladder habang binabasa ang hawak niyang picture book ng Little Red Riding Hood. I said this before and I'll say it again– I have tons of books in various genres. So don't judge me if there are children's books in my collection. If you have all the time in the world, you'd devour every book you could get your hands on, too. "Sunny."
Napakurap-kurap si Sunny na parang biglang nagising sa pagmumuni-muni niya. Pagkatapos, tumingin siya sa'kin. "Ah... bakit?"
"You should check your Facebook account," sabi ko sa kanya. "Nadagdagan na naman 'yong mga taong nagsasalita ng masama sa'yo dahil sa post mo sa timeline ng kaibigan mo."
"Ex-best friend," iritado at kunot-noong pagtatama niya sa'kin. "Saka tigilan mo nga ang pang-i-stalk mo sa Facebook account ko."
"I am not stalking you this time," tanggi ko naman. "Lumabas lang sa newsfeed ko 'yong post mo dahil tinanggap mo na ang friend request ko."
Sinara niya ang hawak niyang picture book habang matalim ang tingin sa'kin. "Eh bakit binabasa mo pa ang mga comment sa post ko?"
"Because it's entertaining," katwiran ko naman. Hindi ko na naman napigilan ang sarcasm ko kasi hindi ko na rin nagugustuhan ang katigas ng ulo nitong si Sunny. Talaga ngang bata pa siya. "Kung kaya ko lang kumain sa anyo ko na 'to, kanina pa ko bumili ng popcorn."
"Sira-ulo ka," singhal niya sa'kin. "Please stop being nosy."
"Hindi ko kasalanan kung nabasa ko 'yon, o ng ibang tao. You publicly left a juicy post on your friend's timeline. It was like asking people to throw rocks at you," sermon ko sa kanya. "Sunny, you're already eighteen. Dapat alam mo na na hindi tamang isapubliko ang mga gusot na mas maaayos sana kung pribadong pag-uusapan na lang. Hindi niyo kailangan ng kaibigan mo ng audience na makikisawsaw at mas magpapalaki pa ng gulong 'to. Kaya sana, burahin mo na 'yong post na 'yon para na rin sa katahimikan mo."
She bit her lower lip while glaring at me. Pero sa kabila niyon, nakikita ko sa mukha niya na alam naman niyang mali siya. Ayaw niya lang siguro 'yong aminin sa harapan ko dahil sinesermunan ko siya ngayon.
"Why did you post that shit on Facebook, Sunny?"
"Is there a better way of telling everyone someone's a bitch than broadcasting it on social media?" sarcastic na tanong niya sa'kin.
Napailing-iling ako sa patuloy niyang pagiging stubborn. "Sunny, ikaw ang nagmukhang masama dahil sa ginawa mong 'yon. Alam mo ba kung ano ang dating sa'kin– at sa ibang tao– na nakabasa ng post mo na 'yon?"
Hindi siya sumagot. O mas tama yatang sabihin na hindi siya makasagot.
"You're very insecure of this Hani girl," deklara ko sa pantay na boses para iparamdam sa kanya kung ga'no ako kaseryoso. "Hindi mo matanggap na mas mas magaling siya kaysa sa'yo."
Mukhang napikon na talaga si Sunny dahil tumayo siya at binitawan ang picture book habang matalim pa rin ang tingin sa'kin. "Fuck. You."
"I can't," sagot ko, saka ako muling humarap sa computer para ipagpatuloy ang nilalaro kong online game. "I'm not a sex doll."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.