I'LL admit that it was on a whim when I asked Sunny to come with me at the Playroom.
Heto kami ngayon, magkaharap na nakaupo sa maliit na kusina ng Playroom habang may nakapagitang bilog na mesa sa'min. Nagtimpla siya ng kape sa pantry kanina at iyon ang iniinom niya ngayon. Habang ako naman, nagpapanggap na nagbabasa ng classic book.
Ang hindi alam ni Sunny, may nakaipit na Filipino light novel romance sa hawak kong classic book at iyon ang binabasa ko.
Well, I have different sorts of books in my shelf. I mean, if you live long with nothing else to do, you'd read all the materials available to ease your boredom. Kaya kapag nagbababad ako sa internet para mag-online shopping, naghahanap ako ng iba't ibang klase ng libro dahil nakakasawa rin namang magbasa ng classic at non-fiction books. Dumaan ako sa phase na nahilig ako sa comics hanggang sa na-discover ko ang Filipino light novels na nauuso ngayon.
Anyway, 'yong light novel na binabasa ko ngayon– na My Super Shy Boyfriend ang title– ay tungkol sa isang introvert and awkward guy na nakikipagkaibigan sa crush niya. Umaasa ako na matututunan ko ro'n kung pa'no maging less creepy para hindi matakot sa'kin si Sunny. Nakalimutan ko na kasi ang tamang pakikipag-usap sa mga babae sa normal na paraan.
"Hey," halatang naiinip nang pagtawag sa'kin ni Sunny.
Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya dahil malapit na kong dumating sa part na kakausapin na ng introvert hero ang bubbly heroine. "Wait. Just one more page."
Hindi na sumagot ang babae at hinayaan na lang niya muna ko sa pagbabasa.
Thank you.
Nag-focus na uli siya sa binabasa. Na medyo nakaka-frustrate dahil wala naman siyang masyadong napupulot na style. Lagi kasing nagba-blush at nag-i-stutter 'yong hero kaya hindi sila nakakapag-usap ng maayos no'ng heroine.
Well, it's not like I have the right to criticize the introvert guy. At least, he didn't ask the girl to stay with him in the mansion forever like I did.
Ang creepy ko pala no'n.
"Levi!"
"I'm busy reading, Tatay..." Natigilan ako nang na-realize ko kung ano ang tinawag ko kay Sunny, saka ako nag-angat ng tingin sa kanya. Halatang nagulat siya. Gano'n din naman ako. 'Yong tono kasi na ginamit niya sa'kin kanina, katulad ng ginagamit ni Tatay Tonio kapag pinapagalitan ako. Saka may isa pang dahilan kung bakit ko siya natawag sa ibang pangalan. "Oh. Sorry. Nakalimutan kong ibang tao na pala ang kasama ko. Noon kasi, si Tatay Tonio ang nakaupo d'yan sa puwesto mo kapag nagkakape siya."
Biglang nanayo ang mga balahibo ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. "Dito sa kinauupuan ko mismo ang madalas na puwesto ni Mang Tonio?"
Tumango ako, saka ko maingat na sinara ang libro at marahan 'yong pinatong sa mesa. Tinigilan ko na 'yong light novel dahil wala naman akong natututunan. "Pasensiya ka na, Sunny. Nakakalimot kasi ako kapag nagbabasa ako. Ano nga pala 'yong mga kondisyon na sinasabi mo sa chat no'ng nakaraan?"
'Yong chat box namin ni Sunny, halos siya lang ang nagta-type ng mahabang message. Puro one-liner kasi ang nasasagot ko. 'Yes.' 'No.' 'Sure.' 'Yon lang ang madalas kong nasasagot. Sa kakaisip ko kasi ng ire-reply sa kanya sa maingat na paraan, nabubura ko na ang ibang mga message at 'yong pinakasagot na lang sa mga tanong niya ang pinapadala ko.
I'm hopeless, am I not?
Inangat ni Sunny ang isang daliri kaya natuon sa kanya ang buong atensiyon ko. "Una, gusto kong panindigan mo 'yong isang milyon na inalok mo sa'kin kapalit ng pag-stay ko rito ng isang buwan."
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Ficção AdolescenteHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.