SHE'S still upset.
Kanina pa ko nakaupo sa pinakamataas na step ng hagdan habang pinapakinggan ang pagdadabog ni Sunny sa kusina.
Mula sa pagluluto ng dinner niya hanggang sa naghuhugas na siya ng mga pinagkainan at pinaglutuan niya, nagdadabog pa rin siya. Tinitiis ko siya kasi gusto kong makita niya ang point ko. Para sa kanya rin naman 'yon.
But I wonder if I went overboard.
Nang marinig kong paakyat siya, mabilis akong tumayo at nagtago sa walk-in closet ko kasi sigurado akong sa kuwarto siya pupunta. Habang nando'n ako, narinig ko siyang ginagalaw ang mga gamit niya. Hanggang ngayon, nagdadabog pa rin siya.
What is she, a ten?
Well, that's cute.
Mayamaya, tumahimik sa kuwarto ko. Nang pasimple kong buksan ang secret door, na-realize ko na nasa bathroom pala siya at naliligo na. Maingat at tahimik kong sinara ang pinto.
Ayokong mag-isip na naman ng kamunduhan kaya para i-distract ang sarili ko, naglaro muna ako sa phone ko. Hindi ko alam kung ga'no katagal akong naglalaro nang marinig ko ang malakas na pagbukas-sara ng pinto ng kuwarto.
She went out again?
Inaasahan ko kasi na matutulog na siya.
Hindi ko na kinailangang lumabas ng walk-in closet para malaman ko ang ginagawa ni Sunny. Nagdadabog pa rin kasi siya kaya naririnig ko ang pagbubukas at pagsasara niya sa mga pinto sa floor na 'to.
Naghahanap ba siya ng guest room na puwede niyang tulugan?
Mayamaya lang, narinig ko namang bumaba siya ng hagdan. Siguro, sa first floor naman siya maghahanap ng vacant room.
She's so childish.
Tumayo ako at lumabas na ng walk-in closet para pumunta sa kuwarto ko. Naisip ko na hintayin do'n si Sunny para makapag-usap kami. Makikipagbati na ko sa kanya dahil bukod sa ayokong naiinis siya sa'kin, natatakot din ako na baka masira na niya ang mga gamit sa mansiyon sa pagdadabog niya.
Umupo ako sa windowsill dahil do'n naman talaga ako madalas nakapuwesto lalo na kapag tumitingin ako sa labas ng bintana. 'Yon lang naman kasi ang puwede kong gawin para "magpahinga."
Nagtaka ako nang napansin kong tahimik na uli sa mansiyon. Natakot ako na baka naglayas na si Sunny kaya tumingin ako sa labas. Nakita kong sarado pa rin naman ang malaki at mataas na gate. Pero sa bakuran, nakita ko si Sunny.
Nando'n siya sa parte kung saan may malaking trash can na ginagamit noon ni Tatay Tonio sa pagsisiga.
And also, in that place...
Damn.
Nakita kong napansin na ni Sunny ang mga bote ng gasolina sa tabi ng trash can. Mayamaya pa, may kinuha na siyang kung ano mula sa basurahan. Kahit hindi ko nakikita kung ano 'yon, alam ko kung ano ang posible niyang nakita.
Mommy threw that picture in the trash bin, didn't she?
Bago dumating si Sunny sa mansiyon, nakita ko si Mommy na tinatapon doon ang mga picture na alam kong hinanda niya para sa'kin. Nakita ko na 'yon bago pa niya itapon kaya alam kong may nakasulat sa likod ng picture. Hanggang ngayon, kabisado ko pa rin ang sulat niya.
"I'm so sorry if I have to do this, Levi. It's been twenty long years and I know we are both very tired of all of this. You should rest, sweetie. I know this is what you want, too. I love you, son."
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ngayon ni Sunny. Kung naintindihan ba niya ang totoong message ni Mommy sa sulat na 'yon. Pero base sa pagmamadali niya sa pagbalik sa mansiyon, may pakiramdam ako na sisitahin niya tungkol sa nalaman niya.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.