"SAAN dapat kayo pupunta kung hindi kayo nagpunta sa Sta. Elena para sunduin si Sunny?" curious na tanong ko habang kakuwentuhan ko sa sala sina Vince, Smith, Hani, at Felix habang naglalaro kami ng baraha. Tong-its, to be precise. Nakasalampak kami sa sahig at nakapalibot sa mesa. Si Tita Carolina naman, nasa kusina at nagluluto ng merienda para sa kanila. "Naistorbo pala namin ang bakasyon ng pamilya niyo. Sorry."
Nalaman ko kasi na umuwi lang sa townhouse sina Tita Carolina nang umalis sina Hani, Smith, at Felix. At kami ni Sunny ang dahilan ng pag-alis nila sa bakasyon ng pamilya nila.
"Don't worry about it, Levi," nakangiti at gentle na sabi ni Hani habang nakayakap sa braso ni Smith. Ah, hindi siya naglalaro dahil ungguy-ungguyan lang daw ang alam niyang card game. Kaya taga-cheer na lang daw siya ng boyfriend niya. "We were in Baguio when Vince called us to tell us about the situation. Pero pauwi na rin talaga kami no'n para lumipat ng ibang location. But it's okay. Puwede naman naming ituloy 'yon next time." Nang ngumiti lang ako sa mga sinabi niya, tumingin siya sa mga baraha ni Smith. "Baby, bakit magkaka-pair ang mga number ng cards mo? Puwede sa ungguy-ungguyan 'yan, eh."
"Baby, don't reveal my cards!" reklamo ni Smith.
Natawa naman si Vince. "Thanks, Hani!"
"Thanks, cousin," dagdag ni Felix.
And that round ended up with Smith losing.
"I'm sorry, baby," puno ng guilt na sabi naman ni Hani, saka niya hinalikan sa pisngi si Smith. "Forgive me na, ha?"
"Para namang matitiis kita," natatawang sabi ni Smith, saka niya niyakap si Hani. Pagkatapos, tumingin siya sa'kin. "Actually, papunta dapat kami sa private resort ng family ko sa Batangas. Hindi pa 'yon bukas sa public pero puwede kaming dumalaw anytime."
"Oh, I've always wanted to go to the beach but given my circumstance before, it had been impossible for me," absent-minded na sabi ko dahil naalala ko 'yong usapan namin ni Sunny tungkol sa pagpunta sa beach. Habang inaayos ko ang mga baraha sa mesa, napansin kong nakatingin sila sa'king lahat kaya nagtaka ako. "What? Did I say something wrong?"
"You should have said it sooner," reklamo ni Vince. "'Yong mga ganyang bagay, sinasabi mo dapat agad sa'min."
"Huh?"
"Smith, call your family and ask if we can use the resort," utos ni Felix sa lalaki.
Inangat ni Smith ang hawak niyang phone para ipakita kay Felix na may tinatawagan na siya. "I'm already on it." Pagkatapos, tumingin siya sa'kin. "May mga caretaker na ngayon sa resort pero don't worry, pauuwiin ko sila para masolo natin ang place."
"Thank you, Smith."
Ngumiti lang siya at may kinausap na sa phone.
"Mommy, we're going to the beach," sabi naman ni Hani habang nakatingin sa kusina. Pagkatapos, naglakad siya papunta kay Tita Carolina. "Let's cook something para may baon kami sa biyahe."
"Ohh, that's nice," sabi ni Tita Carolina. "Pero naubos ko na 'yong dala kong food. Wala na tayong maluluto rito."
"I'll go to the grocery store, Tita," volunteer naman ni Vince, saka siya tumayo at binitbit si Smith na natatawang tumayo rin habang may kausap na sa phone. "Isasama ko si Smith para may tagabuhat ako."
And just like that, everyone became busy.
Kami na lang ni Felix ang naiwan sa sala.
"Wow," amazed na sabi ko. "That was fast."
"Gisingin mo na ang Sleeping Beauty mo," sabi sa'kin ni Felix, saka siya nagsimula sa pag-iipon ng mga baso at balat ng junkfood na naiwan sa area. Kumakain kasi sila ng snacks habang naglalaro kami ng baraha kanina. "Sabihin mo sa kanya ang plano para makapag-prepare na kayo. We'll take care of everything."
"Thank you, Felix," sincere na sabi ko naman. "Puwede pa ba kong magdadag ng request?"
"Sure, as long as it's within my ability."
"Puwede bang tumabi ako kay Sunny ngayon?"
"Well, house rule ko na hindi puwedeng magsama ang isang couple sa isang kuwarto but I'll make an exception this time," pagpayag niya. "Pero kailangan mo ring magpaalam kay Tita Carolina. Sa kanya kami nagmana ng pagiging conservative."
Tumango ako dahil tama lang naman 'yon. "Okay."
Nagpaalam ako kay Tita Carolina. Tinanong niya muna kung pumayag daw si Felix. Nang nalaman ng ginang na may permiso na ko sa house owner, saka siya pumayag.
Alam kong nagiging maluwag sila dahil naiintindihan nila ang sitwasyon namin ni Sunny.
They want us to make the most out of the little time that we have.
Pagdating ko sa kuwarto, naabutan ko si Sunny na natutulog pa rin. Tahimik at dahan-dahan akong humiga sa tabi niya. Pagkatapos, kinawit ko ang hinliliit ko sa hinliliit niya habang nakatingin ako sa kanya.
"Sunny?"
Hindi sumagot si Sunny pero alam kong gising na siya. Sa ilang beses na pagtitig ko sa kanya sa magdamag, alam ko na kung kailan siya totoong tulog at hindi. And right now, I can tell that she's just pretending to be asleep.
"May resort sa Batangas ang pamilya ni Smith na hindi pa bukas sa publiko," pagkukuwento ko sa pinasiglang boses. "Nang banggitin ko kanina na gusto kong pumunta sa beach, nagprisinta siya na ipahiram sa'tin ang resort nila. Ligtas daw ako ro'n dahil wala pa raw namang mga guest do'n. May mga caretakers, pero puwede naman daw niyang pauwiin muna ang mga 'yon para masolo natin ang lugar."
"Bakit gusto mong pumunta sa beach?" walang ganang tanong ni Sunny, hindi pa rin nagmumulat ng mga mata na para bang ayaw niya kong makita.
"Hindi pa kasi tayo nakakapag-date ng matino, eh," katwiran ko. "Parati na lang tayong nakakulong sa kuwarto."
"Ayokong sumama," malamig na tanggi niya. "Nakausap ko ang mommy mo. Siguro naman, makokonsensiya siya sa mga sinabi ko kaya baka umuwi na siya ng bansa. Spend time together with her."
"Matagal na kaming nakapagpaalam ni Mommy sa isa't isa," giit ko naman. "Gusto kong ikaw ang makasama sa natitira kong oras."
Nakita kong naging emosyonal siya na parang maiiyak uli siya. Mukhang ayaw niya 'yong ipakita sa'kin kaya tumagilid siya ng higa patalikod sa'kin.
Maingat na inangat ko naman ang ulo niya, saka ko ipinaunan sa kanya ang braso ko. Then, I wrapped an arm around her waist and gently pulled her closer until she's leaning against my back. The warmth and the softness of her body reminded me that my heart is functioning normally again. Ang lakas at bilis kasi ng tibok ng puso ko ngayong nasa ganitong posisyon kami. "Sunny..."
"Itigil na natin 'to, Levi," sabi niya sa pagod at paos na boses. Dala siguro 'yon ng kakaiyak niya. "Ayoko nang mahalin ka."
"Loving someone is not something you could simply stop when you don't feel like loving that person anymore," natatawang sabi ko sa kanya. Tawa na walang buhay dahil nasasaktan din naman ako sa mga sinasabi niya kahit alam kong hindi 'yon totoo. "Kung madali lang itigil ang pagmamahal sa isang tao, hindi sana nagkalat ang mga bigo sa mundo."
"Hindi ko makita ang point ng pagmamahalan natin, Levi."
"Our love is point less," katwiran ko, saka ko mas hinigpitan ang yakap sa kanya habang nakasubsob na ang mukha ko sa buhok niya. Bumalik na rin ang sense of smell ko kaya ngayon, nasagot na ang matagal nang tanong sa sarili ko tungkol sa amoy niya. Yes, Sunny has an apple scent on her. "'Point less' kasi walang tuldok. Hindi hihinto, kahit mawala na ko sa mundong 'to. And that's the point that is unique to our story."
Sunny didn't utter a reply.
Her silence hurts me even more. But I promised myself that I will be more patient with her. I don't want to waste our time fighting over something that's way out of our control.
So please stop being immature, Sunny.
BINABASA MO ANG
NEBULA (aka Levi's Supernova)
Teen FictionHi. My name is Levi and I'm a living doll. Yes, I'm in love with a young girl with a vibrant red hair named Sunny. And no, we don't have a happy ending.