18th Chapter: Unwanted Guest

831 64 4
                                    

DO I look okay?

Hindi pa rin ako mapakali habang nakatayo sa harap ng salamin sa kuwarto ko. Nakapagbihis na ko ng red checkered long-sleeved shirt, tight black pants, at boots. Pero hindi pa rin ako lumalabas kasi hindi ako sigurado kung okay na ba 'tong porma ko.

Sunny just admitted that she finds me attractive so I want to look good for her even more.

Para talaga akong teenager na nagpapa-impress sa crush niya.

For the first time in forever, I properly looked at myself in the mirror. Tiningnan ko ang mukha ko at tinitigan ang asul kong mga mata. Matagal na kong hindi nakakakita ng totoong dagat pero naaalala ko na ganito nga ang kulay niyon.

Sunny is right.

Now I want to go to the beach with her.

"Let me go!"

Nawala sa sarili ko ang atensiyon ko nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Sunny. No'n ko lang din na-realize na may kakaibang ingay sa labas.

Another intruder?

Mabilis akong lumabas ng kuwarto at nagdilim agad ang paningin ko sa nakita ko. Si Sunny kasi, kinakaladkad ng isang matangkad na lalaki na hindi ko namukhaan dahil sa galit.

"Let that arm go or lose yours, young man," banta ko sa lalaki.

Sabay na huminto sa paglalakad sina Sunny at ang lalaking humihila sa kanya, saka sila tumingin sa'kin. Halatang nagulat sila pareho. At may nakita rin akong takot sa mga mata nila.

I might have looked scary because I'm very angry.

"Oh fuck," gulat na bulalas ng lalaki na nanlalaki pa ang mga mata habang nakatingin sa'kin. "That doll is freaking alive!"

"Yes, I am alive," sagot ko sa malamig na boses. "Young man, please leave my house quietly while I'm still being nice."

Napasinghap si Sunny na halatang nagulat sa ginamit kong tono.

Pero ang lalaki, mukhang hindi natakot sa'kin dahil hinawakan lang niya ang kamay ni Sunny. "Aalis ako dito, pero isasama ko si Sunny."

"No!" kontra ko sa natatarantang boses. Pagkatapos, naglakad ako ng mabilis papunta sa kanila para pigilan ang lalaki na agawin sa'kin si Sunny. I'll go crazy if she leaves me now. "You can leave in one piece but you're not taking away Sunny from me."

Nakita ko na sinubukan ng lalaki na hilahin si Sunny pero hindi nagpahila ang babae. Instead, she literally put herself between me and the other guy.

Tinulak ni Sunny ang lalaki. "Step back, Vince," mariing sabi niya, saka siya tumingin sa'kin. Tinaas pa niya ang isang kamay na parang pinipigilan ako. "Stop, Levi. He's my cousin."

Mabilis naman akong huminto sa paglalakad gaya ng utos ni Sunny. Saka kumalma din naman agad ako nang malaman kong si Vince pala ang lalaki. Hindi ko siya namukhaan dahil nagdilim ang paningin ko kanina.

Now I feel guilty.

"Good," sabi sa'kin ni Sunny. "Ngayon naman, gusto kong bumalik ka sa kuwarto mo."

"Aalis ka na ba, Sunny?" tanong ko at kahit sa sarili kong pandinig, nahimagan ko ang takot. "Sasama ka na ba sa pinsan mo?"

"Wala akong pupuntahan, Levi," pag-a-assure naman niya sa'kin. "Kakausapin ko lang ang pinsan ko. Bumalik ka na muna sa kuwarto mo."

Kumalma na ko pero gusto ko pa ring makasiguro. "Promise?"

"Promise," mabilis na sagot niya. "Now go back to your room."

Tumango ako, saka ko binalingan si Vince. "I'm sorry. I thought you were hurting Sunny," pabulong na sabi ko at nang makita kong masyadong takot si Vince para sumagot, tumalikod na ko sa kanila at bumalik sa kuwarto ko.

Shit, frustrated na pag-condemn ko sa sarili ko habang nakasandal sa pinto. Kahit nasa loob na ko ng kuwarto, naririnig ko pa rin ang away nina Sunny at Vince sa labas. I'm so stupid.

"Fuck. Fuck. Fuck!" narinig kong sunod-sunod na pagmumura ni Vince. "Buhay talaga ang manikang 'yon!"

"Breathe, Vince," narinig kong sabi ni Sunny sa pinsan niya. "Hindi ka sasaktan ni Levi. Hindi siya bayolenteng... manika."

"Seryoso ka ba, Sunny? Hindi mo ba nakita kung anong hitsura niya kanina? Akala ko nga pupugutan na niya ko ng ulo!"

"Akala lang siguro ni Levi, masamang tao ka," pagtatanggol sa'kin ni Sunny. "Pero nakita mo namang mabilis din siyang nag-sorry nang na-realize niyang pinsan kita at hindi mo intensiyong saktan ako. He even apologized to you."

"Pinagtatanggol mo ang manikang 'yon? Sunny, naririnig mo ba ang sarili mo? Na-hypnotize ka ba niya? O bina-blackmail ka niya kaya napipilitan kang mag-stay sa bahay na 'to?"

Napangiwi ako sa bintang sa'kin ni Vince pero hindi ko naman siya masisisi. Pang-horror film nga ang sitwasyon namin ni Sunny.

"Kusang-loob akong nagpunta rito, Vince," paglilinaw ni Sunny. "Hindi ako pinilit ni Levi."

"The doll has a name?"

Ouch.

"Yes. Vince, pabayaan mo na ko rito, okay? Hindi ako kinukulong ni Levi. Hindi niya ko ginagawan ng masama."

"Hindi por que hindi ka niya sinasaktan ay okay na 'tong ginagawa niya sa'yo!" giit ni Vince. "Bakit ka ba nandito? Anong kailangan niya sa'yo?"

"Kailangan lang niya ng kaibigan, okay? Tatlong linggo lang ang hiningi niya sa'kin. Hindi naman gano'n kahirap pagbigyan 'yon."

"Naaawa ka sa kanya, Sunny. Emotionally attached ka na sa kanya. Alam mo ba kung ano ang tawag sa sakit na 'yan?"

"Vince–"

"Stockholm Syndrome," deklara ni Vince. "Naaawa ka sa kanya kaya hindi mo siya maiwan. Ayaw mong iligtas kita mula sa kanya kasi attached ka na sa kanya. God, the way I see it, you are now your captor's willing victim!"

I was hurt. But I couldn't deny the possibility of Sunny developing Stockholm Syndrome while staying with me. Hindi ko nga siya pinilit na mag-stay sa mansiyon pero awa pa rin ang dahilan kung bakit nandito siya. Now I feel really awful.

"Hindi ako sinasaktan o inaabuso ni Levi sa kahit anong paraan," giit ni Sunny. "Vince, just leave. And please, huwag mong sasabihin sa kahit sino ang nalaman mo tungkol kay Levi."

"At anong gagawin mo kung ipagkalat ko sa buong bayan ang sekreto ng "kaibigan" mo?"

"I will run away with Levi."

I was both delighted and horrified by Sunny's brave declaration.

I'm happy because I didn't know that she'd go that far just to prove to her cousin that I'm not evil. But I'm also terrified of the thought of me being a bad influence on her.

Tama pa ba na hayaan kong mag-stay dito si Sunny pagkatapos ng lahat ng 'to?

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon