chapter 3-meet Claire

2.4K 57 3
                                    

Vivienne's POV

Nandito kami ngayon ni Mikko sa kotse. Papunta sa school syempre.

"Saan nga ba patungo... Nakapak at nahihiwagaan... Ang bagyo ng tadhana ay.. Dinadala ako, sa init ng bisig mo..."

At kanina nya pa kinakanta yang tadhana na yan. Paborito nyang kanta yan eh. Tinamaan siguro...

"Tama na yan! Kanina mo pa yan kinakanta sa bahay eh!" Sabi ko. Nakakasawa ng tenga eh.

"Tss. Palibhasa hindi mo pa nararanasang matamaan ni kupido!"

Ay?? Kupido??

"Ano bang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka nanaman!" Sabi ko.

Bumaba na ako ng kotse. Nandito na kami sa school eh. Naglakad na ako at sumunod naman sya.

"Viiiiiivvvv!!!" Napatingin ako sa sumigaw ng napakalakas ng pangalan ko. Grabe, kahit kelan nakalunok to ng mikropono kapag nagsasalita.

"Claire!" Sabi ko.

"Kamusta??" Sabi nya. Ang tagal naming hindi nagkita ng babaeng to!

Claire's POV

Hi! Ako nga pala si Claire Cuevas! Mahilig ako magluto at magdilig ng halaman ng kapit bahay dahil walang halaman sa amin. Kasi naman! Si bunso alergic sa halaman! Gustong gusto ko pa naman ng halaman lalo na kapag makulay yung bulaklak nun. Mahilig rin ako mililita. Hehehe alam kong isip bata pero ang sarap eh. Lalo na yung flavor chocolate. At hindi pwedeng mawalan ng suklay sa bulsa ko dahil mahaba yung buhok at manipis so mabilis magulo, tapos konting hangin lang hahara na yung buhok ko sa muka ko kaya ayun!

May isa akong kapatid, sya si Clyde Cuevas. Mana sa ate nyang maganda! Hahaha joke lang! Pero totoo. Sabi ng iba pogi daw yung kapatid ko pero hindi ako naniniwala, hindi ako kumbinsido eh. Pero nagpapasalamat akong naging kapatid ko sya dahil parang kuya ko sya kahit mas matanda ako sa kanya ng isang taon, tuwing magkasama nga kami ay napapagkamalan kaming kambal dahil mas matangkad na sya sa akin! At hindi ko matanggap yun!

"Kamusta?" Tanong ko sa kanya.

"Ehem!" Napalingon ako etse kami pala ni Viv.

>\\\\<

Nandito sya!!!! Waaaaaaah!!! Pero bakit nya kasama si Vivienne? Sila na ba? Bakit...

"Ow nandyan ka pala" sabi ni Vivienne.

Oo. Tama ang nasa isip nyo. May gusto ako kay Mikko. Bakit kasi hindi ko pwedeng pigilan yung feelings ko?! Bakit sa isang lalaking ngayon ko lang nalaman na may GF na?! Huhuhu. Oo. Hindi alam ni Vivienne na gusto ko ang isang yan simula nung elementary. Bakit kasi sa kanya ako na fall?! Bakit kasi sa manhid ako na fall?! Ni hindi ko nga alam kung tanda nya pa ako eh. Ngayon lang ulit kasi kami naging magkaklase. Bata pa kami nu huli ko syang maging classmate at simula nun ay naging crush ko na sya. Hanggang sa lumala na ng lumala. Nung grade 4 kami hanggang grade 10 ay hanggang sulyap nalang ako sa kanya. Bakit? Dahil hindi kami magkaklade at ang layo ng pagitan ng room namin sa room nila. Nagmumuka akong stalker pero hindi ako ganun! Admirer siguro pwede pa. Ngayong magkaklase na kami ay hindi nya ako pinapansin. Ang pinapansin lang nya ay yung mga magaganda, mga sexy na tipo nya. Ang layo ko sa mga tipo nya, kasi boyish ako kahit gusto ko sya, wala kang makikitang kahit anong dress sa walk in closet ko. Lahat ng damit dun puro mga t-shirt at shorts. Tapos pulbo at suklay lang ang ginagamit ko. Alam kong hindi ako yung tipo nya dahil hindi ako sexy, hindi ako magana, at higit sa lahat hindi ako yung tipo nya. Ni tingin nga hindi nya makuhang maibigay sa akin eh.

"Huy! Sabi ko okay lang ako!"

Napabalik ako sa katawan ko ng biglang nagsalita si Viv. Ewan pero nalungkot ako.

"Hehe" pilit na tawa ko. Nakatingin kasi sakin sila pareho eh.

"BTW sya nga pala si Mikko, Mikko sya nga pala si Claire. Claire sya yung nakekwento ko sayonv stepbrother ko"

O____O!!

O_____O!!!

Para akong nabunutan ng tinik. Stepbrother? So sya pala yung nakwento sa akin ni Viv na stepbrother nya. Hindi kasi sya nagbabanggit ng pangalan nung nagkekwento sya. Surprise daw. At mukang nasurprise ako. Biruin mo! Magkapatid sila! Kahit ang totoo ay mag pinsan lang sila pero ang turingan nila ay magkapatid. Nakwento kasi sa akin ni Viv na tinuturing nya yang kapatid. Hindi ko alam na si Mikko yun dahil wala naman syang nabanggit na descriptiom sa tinutukoy nya.

"Ahmm hi?..." Patanong pa yung pagkakasabi ko. Ngumiti lang si Mikko at tumango bago tumalikod.

"Una na ako" tapos ay umalis na sya.

Palagi naman syang ganyan kapag lalapit ako at kakausapin sya sa room eh. Kasi naman konting salita lang ang sasabihin nya, minsan nga tango lang oh kaya ay hindi nya ako pinapansin. Konting salita lang tapos aalis na sya sa harap ko. At malamig pa ang tono ng pagsasalita nya. Parang pinaparamdam nya sa akin na wala talaga akong kwenta para sa kanya. Na parang ayaw nya sa akin.

Pero kahit ganun ay hindi ko parin mapigilan na mas mahulog sa kanya. Hindi ko naman makontrol ang sarili ko eh.

"Huy!"

"Ay Mikko!!" Halaaaaaa. Nasabi ko bang Mikko?!!!! Waaaaaah!!! Lupa!! Ate me nowwwww.

"Hahaha. Bakit? Anong meron kay Mikko at parang iniisip mo sya?" Natatawa sya. Ako naman namumula. Itanggi mo Claire!! Itanggi mo!!

"Iniisip ko sy-- este hindi ko sya iniisip!!" At napasabunot ako sa sarili kong buhok. Para akong lukang nagsasarili. Kasi naman eh!! Baka mahuli nya ako!! Baka sabihin pa nya may Mikko eh!

"Haha. Kilala kita Claire. Umamin ma nga. May gusto ka kay Mikko noh?" May panunukso yung ngiti nya!! Nakakainissss.

"Wala!!!!!" Nagulat sya sa pagsigaw ko. Pati yung tao sa paligid nagulat din! Sila pa kaya hindi magulat! Ako nga nagulat din eh!

"Haha. Huli ka na! Alam mo kung bakit? Halata ka kasee! Kasi kapag tinatanong kita nyan dati sasagot ka ng 'paano ako magkakagusto dyan?! Eh hindi ko type yang mga ganyan eh!!' Chuchu at iba pa. Huli ka na. Wag ka ng tumanggi"

Agad naman akong namula. Tama nga naman sya. Bakit kasi ako natataranta?! Dahil baka malaman nya at sabihin nya kay Mikko! Paano naman ako!!

"Wag lang mag alala. Hindi ko naman sasabihin sa kanya eh."

Kumalma naman ako. Pero hindi maalis ang kaba eh. Pasensya. Kasama lang nya sa bahay yun at pwedemg pwede nya akong pagtaksilan at sabihin kay Mikko kaya hindi maalis ang kaba ko eh.

*riiiingggg*

Nagkatinginan kami at.

"Waaaaa!! Late na tayoo!!"

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon