Vivienne's POV
"Po?!"
"Pasensya na kung nabigla kita"
Tss!! Sinong hindi mabibigla don?! Wala akong kapartner!! Paano na ako mamaya!!!
"Pero may mag susub naman kay Damon eh"
Napatingin ako kay miss. Sub? Parang basketball lang ah.
"Sino naman yon maam?"
"Basta magugulat ka nalang" sabi ni maam at nginitian ako.
"Halika na at magbihis ka na. Malapit na magsimula ang pageant." Tumango ako kay miss. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Parang may kutob akong maganda na masama. Hindi ko maintindihan basta may kutob akong may mangyayari mamayang hindi inaasahan ng lahat.
Bakit naman ako nakakaramdam ng ganito? Tss. Hindi ko na nga lang papansinin. Wala lang naman to siguro eh.
"Eto ang bagay sayo! Sukat mo!"
Napatingin ako sa inaabot ni miss na dress. Maganda to... Kung iba ang mag susuot at hindi ako. Sigurado akong hindi yan bagay sa akin! Wala namang bagay sa akin na damit!
Nga pala. Nandito kami sa backstage ng stage. At naghahanda na lahat ng mga kasali dito.
Pumasok ako sa may banyo. Epic. Kaya ata hindi ako pinayagang lubamas kanina dahil may banyo pala dito. Hahaha. Natatawa nalang ako sa kalokohan ko sa kagustuhan kong makatakas sa contest na to.
Humarap ako sa salamin ng masuot ko yung damit...
O_O
Ako ba to? Seryoso?!! Ngayon lang ako nagandahan sa sarili ko! Bagay sa akin ang damit sa tingin ko.
"Ang tagal mo namang mag sukat" katok sa akin ni miss. Natawa lang ako.
"Palabas na miss."
Lumabas ako ng CR
O_____O----miss.
"OMG panalo na tayoo!!"
Hinila ako ni Miss! Waaaaaa! Muntik na akong madapa dahil naka heels ako! Buti nalang hawak nga ako ni Miss.
Umupo kami sa upuan sa backstage.
"Okay students blah blah blha"
Kung ano ano pang sinasabi nung host. Gustong gusto ko ng matapos tong event na to at ng maka pahinga.
"Wooooooo!!!"
Naririnig ko ang students na nagsisigawan sa labas. Kinakabahan ako dahil alam kong sobrang dami nila. Halata na sa sigaw.
Binalot ako ng kaba. Hindi ko talaga kayang humarap sa maraming tao. Parang umuurong ang loob ko.
"Okay students come down! And let the pageant starts!"
Tinawag na nung host yung unang contestant. May binigay sa aming number. 10 yung natanggap namin ni miss.
Teka nasaan na ba yung partner ko? Paano ako kapag wala yung partner ko?
"Miss sino ba yung kapartner ko?"
"Ayun sya oh"
Napatingin ako sa tinuro ni miss. Isang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa amin ni miss.
"And number ten! Mr. Espiritu and Mrs. Din!"
Shet eto na. Tumayo ako at naglakad papunta sa direksyon ng lalaki. Nandun kasi sya sa may labasan papuntang front stage.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Novela JuvenilTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe