Vivienne's POV
Nakakabagot. Tss. Naglalakad ako ngayon pabalik sa room dahil ayoko dun! Lahat sila may sariling mundo! Tss!
Bawal naman ang cellphone! Tss. Wala naman akong sports na sinalihan! Wala akong alam sa mga sports na yan! Pampapagod lang yan!
Pumunta nalang ako sa music room. Walang tao dito. Dito nalang ako. Kinuha ko yung gitara.
Matagal na rin ako hindi nakakapag gitara. Mahilig ako sa mga instrument lalo na sa gitara. Nag strum lang ako. All of me yung tinugtog ko. Hindi naman ako kumakanta kaya tugtog lang sa gitara.
Pinag aralan ko talagang tugtugin ang kantang yun dahil sabi ni mommy ay paborito daw nya ang kantang yun.
*clap*
*clap*
O____O!
Nanlaki ang mata ko ng may pumalakpak. Napatingin agad ako sa may pinto. At... Nakita ko don si Joshua! Tss. He reminds me of someone, someone na matagal ko ng kinalimutan.
"Swag!" Tuloy ang pag palakpak nya. Hindi ko alam pero nairita ako.
"Umalis ka na!" Sabi ko. Nananahimik ako dito tapos guguluhin nya ako?! Tss.
"Mamaya na. Guguluhin muna kita" natuluyan na talaga ang ugali nya. Tss. Hindi ko na sya kilala.
"Ano bang kailangan mo?!"
"Wala naman"
"Edi umalis ka na!" Inis na sabi ko. Ibinaba ko yung gitara.
"Ayoko nga" binelatan pa ako.
Inis akong tumayo at naglakad palabas. Kung ayaw nyang umalis edi ako ang aalis! Tss.
"Ops!" Hinarangan nya ang dadaanan ko! Kapag ako napuno sa isang to didikdikin ko utak neto at ipipirito!!
Yuck Vivienne! Nagiging sadista ka na!! Tss. Sinong hindi magiging sadista kapag sya ang kaharap mo?! Muka pala nakakainis na!
"Ano ba!" Inis na tinulak ko sya. Pero mabigat sya kaya hindi ko sya natulak.
"Hindi mo ako kaya"
*evil smile*
Nakakainis! Bahala ka!
"Aaaarrraaaaayyy!!!!"
"Ayan napapala mo!" Inis na sabi ko. Sinipa ko lang naman sya sa sensitive part ng katawan nya! Naiinis ako eh! Nagiging sadista na talaga ako!
"Kapag ako nabaog! Hindi tayo magkakaanak!"
O____O!! Loko to ah!
"Asa ka! Mabaog ka sana!"
Inis ko syang tinalikuran. At nakita ko si Dale na nakanganga habang tinuturo si Joshua tapos napatingin sa akin tapos kay Joshua ulit. Inirapan ko rin sya at saka umalis dun. Mabaog ka sana!!!!!!!
Claire's POV
Ano bang naisip ni Vivienne at iniwan nya akong mag isa dito? Hindi pala ako mag isa. Kasama ko si Mikko! Oo! Pagkaalis ni Vivienne eh bigla ring tumayo sina Damon.
Nakakailang nga ang atmosphere eh. Kaming dalawa lang dito! At kanina pa pulang pula ang muka ko! Imagine kayo dito sa sitwasyon ko! Kasama mo yung taong lihim mong minahal ng mahabang panahon. Sinong hindi kikiligin?
"Hindi ka ata nagsasalita?" Tanong nya.
"Nagsasalita naman ako ah" buti nga hindi ako nauutal eh. Baka makahalata sya eh.
"Ang galing nila mag laro" sabi nya. Nakatingin na sya sa naglalaro.
"Hmm" tango lang nasagot ko. Wala naman akong alam sa volleyball eh.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Ficção AdolescenteTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe