chapter 24

1.4K 27 2
                                    

Vivienne's POV

"Tara na!" Sigaw ko.

"Wait lang naman!"

"Wait lang?! Kanina ka pa dyan sa harap ng salamin wala namang pinagbabago yang muka mo!" Tss. Papogi ng papogi wala namang nagbabago.

"Hah! Ang ganda mo naman!" Sabi nya at umalis na sa harap ng salamin.

"Bilsan mo! Nakulo na ang tyan ko!"

"Aba! Kasalanan ko bang hindi ka kumain?!"

"Eh bakit ka sumisigaw eh katabi lang kita?!" Inis na sabi ko.

"Nauna kang manigaw syan tapos ako yung sisisihin mo?! Hah! Mga babae talaga!"

*mall*

Saan bang resto ang maganda? Sa Jollibee? Mcdo? KFC? mang inasal? Pizza hut? Alin dyan?

"Bilisan mo nga!" Sabi nya.

"Mag intay ka kaya! Namimili pa ako eh!"

Dun na nga lang sa mang inasal. Pumunta na ako dun. Ramdam kong sumunod sya sakin.

"Ako na ang oorder, nakakahiya naman sayo babe..." Nakangisi nanaman sya! Grrr!!

"Tigilan mo nga yang kabebabe mo! Nakakasuka ka!" Inis na sabi ko at humanap ng table na pwesdeng upuan. Yung dalawahan yung hinanap ko at nakahanap naman ako agad.

Ang tagal naman ng isang yon! Bagal bagal kumilos. Baka nilalandi pa nya yung–ano bang tawag dun sa nag tetake ng order?– ahh! Basta!

"Boss nakita ko na sya. Umoorder"

"Banatan natin mamaya yang Espiritu na yan. Hindi porket maimpluwensya ang grupo nya eh sya na ang bida"

Hindi ko alam pero nakinig ako sa bulungan nila. Espiritu? Apelido yun ni yabang diba? Tapos umoorder sya. Di kaya sya yung tinutukoy nung mga nagbubulungan? Pero anong grupo yung tinutukoy nila?

"Pero may kasama sya"

"Sino?"

"Vivienne Din. Kapatid ni Mikko! Tsk!"

"Edi idamay natin!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko. Idamay? Ano bang sinasabi nila? Buti nalang nakatalikod ang pwesto ko sa kanila. Tsaka bakit ganun? Sobrang pamilyar nung boses na tinatawag nilang boss?

"Iniisip mo ba ako?"

O____O!

Muntik na akong magulog sa upuan ko ng biglang may nagsalita.

"Hahaha" tiningnan ko ng masama si Joshua. Pero natigilan sya ng madako ang tingin nya sa likod ko.

Pero kinilabutan ako ng ngumisi sya! Ngising parang may niyayabangan! Wag mo sabihing yung ngising yan eh para sa mga tao sa likod ko?! Hindi ba nya alam na may plano tong nasa likod ko samin?!

Umupo sy habang sumisipol sipol pa.

"Viv?" Napatingin ako sa kanya. Ewan ko pero kinikilabutan ako sa sipol nya.

"Mamaya may magaganap na action. Ang gusto ko manuod ka lang at wag kang makikisali..."

O_____O!!

Action?! Wag mo sabihing papatol sya sa mga nasa likod ko?! Eh mag isa labg sya tapos yung nasa likod ko mahigit lima!

Tumango nalang ako. Kinakabahan ako sa kanya! Nagawa nya pang ngumisi?!

"Wag kang kabahan... Ako ang bahala sayo"

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon