Claire's POV"Class dismiss. Gawin nyo na agad yung project nyo ha??"
Ang aga naman. Pero syempre tumango ako. Alangan namang barahin ko yung teacher ko diba? Baka palipatin nya ako ng upuan, sayang naman kung gagawin nya yun, katabi ko na si Mikko eh! Hahaha. Chos!
Nag usap usap kaming magkakagrupo. Syempre kasama si Mikko katabi ko sya eh.
"So? Final na? Kay na Mikko na tayo gagawa?" Sabi ni Jonas.
"Okay na yan. Tara na." Dugtong naman ni Krissle na girlfriend ni Jonas. Buti pa sila may mga lovelife na. Ako wala pa ehhh. Kailan kaya ako liligawan ni Mikko? Hahaha! Joke!
Sumunod lang kami kay Mikko. Actually anim kaming magkakagrupo. At kami lang ni Mikko ang hindi magsyota. Oo. Kaya dapat kaming dalawa nalang hahaha! Sana nga...
Kaya eto ako ngayon nasa likod. Solo mode ako eh. Nasa harapan ko yung mga kagrupo ko tapos nakasunod kami kay Mikko.
Ngayon lang ako makakapunta sa bahay nila. Sa ibang bahay kasi nakatira si Vivienne noon. Lumipat lang sila sa bahay kena Mikko.
Nang makarating sa parking lot ay walang masyadong tao. Kasi naman kami palang yung labasan. Yung iba hapon pa eh.
"San ka sasabay Claire?" Tanong ni MM. Nickname nya lang yung 'MM'
"Ewan. Kayo ba? Saan kayo?" Sabi ko.
"Eh kanya kanya kami ng dala eh. Kay Mikko ka nalang sumabay. Isa pa yang lonely eh! Hahaha! Malay mo kayo ang may forever!"
Sana nga Jonas kami na ang may forever! The best talaga ang lalaking yun! Yun kasi lagi ang katabi ko sa exam at kasama kong nangongodigo! Haha hindi naman lahat! Joke. Di naman ako nangongodigo, nagtituruan lang kami ng sagot. Gayanan kung baga. Hahaha. Tropa kami nyan pagdating sa exam.
"Sasakay ka ba o iiwanan kita dyan??" Napatingin ako kay Mikko. Bakit ang sungit naman neto? Pasalamat sya crush ko sya! Hahaha.
Sumakay naman ako. Syempre hindi ako nagsasalita dahil nagwawala ang mga paro paro sa tyan ko. Tapos ito namang puso ko parang gusto ng lumabas.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Dati kinakabahan lang ako kapag lalapit sya oh makakasalubong ko sya. Pero ngayon hindi to tulad ng nararamdaman kong kaba noon. Ibang iba to. Parang natutuyuan ako ng laway at hindi makapagsalita. Ano bang nangyayari sa akin??
"Hey! Seatbelt mo!"
"Ay Mikk-- oo nga pala, seatbelt ko hehe"
Ano ba yan! Muntikan ko pang masabi ang pangalan nya! Nakakagulat naman kasi sya eh! Kitang nag momoment ako dito biglang sisigaw na ikabit ang seatbelt ko! Nagbingibingihan na nga ako kanina eh para sana sya ang magkabit kaso nabigo ako.
Ganun kasi ang napapanood ko sa mga pelikula eh, ikakabit nung lalaki yung seatbelt ng babae tapos aamuyin ng babae ang lalaki tapos yung lalaki mapapatitig sa babae tapos maglalapit yung mga muka nila tapos boom! Namatay yung tv. Oo. Ang bastos kasi ni Clyde eh! Pinatay yung tv eg nasa climax na! Manonood daw kasi sya ng basketball. Tss. Napaka talaga nung kapatid ko na yun!
"Hindi ka ba lalabas??" Napatingin ako sa bintana. Bukas pala ito. Tapos nasa labas na si Mikko. Ang bilis naman ata?? Ganun ba ako ka tulala para hindi mapansin na nandito na tayo at higit sa lahat ay nakababa na sya? Haaaay buhay pag ibig nga naman. Makababa na nga. Bye muna
Vivienne's POV
Pagkasabi nya nun ay umalis sya sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya sumunod ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Teen FictionTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe