Vivienne's POV
Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay dahil tinawag na ako ni Mikko. Lumipas ang oras eh hapon na. 7:00 hours nalang at pasko na.
Pero wala parin sya. Nakakainis. Nasan ka na ba yabang? Tsaka bakit may harang yung garden? Tss. Ano nanamang pakulo yun? Pinasara daw ni Mikko. Baka naghahanda sya dahil mag popurpose sya kay Claire?
"Viv, tara, magbabangi tayo." Sumama naman ako Damon sa may kusina sa likod ng bahay.
"Ilalagay ko na yung uling..." Sinindihan ko na yung uling. Tss. Bakit hindi ka mawala sa isip ko yabang??
Sa sobrang kakaisip ko sa kanya ay...
O________O!!
"Aray!!" Ang nasindihan ko lang naman ng lighter eh yung kamay ko!!
"Tss! Hahaha. Ako na nga! Baka maibangi mo pa yang kamay mo!" Sabi ni Damon at itinaboy ako. Tss..napasimangot nalang ako. Lagi mo nalang akong pinapahamak yabang!!
Pumasok ako. Nakita ko si Claire na naghahayin. Kaya nilapitan ko sya.
"Claire, patulong ha??" Sabi ko. Tumango sya.
Kumuha ako ng plato na lalagyan ng isang potahe. Marami kasi kaming niluto na potahe kahit kami kami lang.
Pinunasan ko muna ang lalagyan dahil basa pa. Baka makapitan ng dumi. Pagkatapos eh nilagay ko sa lamesa. Ng biglang...
*krak!!*
O________O!!
Nabasag ko yung baso dahil nabitawan ko pagkakuha ko!! At sa kawalan ko sa sarili eh nilimot ko yun ng walang sapin sa kamay kaya nataga ako!!
"Hala! Okay ka lang ba Viv?! Ako na dyan! Linisin mo muna yang taga mo!" At itinaboy naman ako ni Claire.
Binasa ko ang kamay ko para maalis ang dumi sa kamay ko. Napatingin ang mata ko kay Fracine na nasa taas.
"Viv! Pausap! Pakisaksak naman ng Christmas light dyan sa baba!! Titingnan ko lang kung maganda!!" Sabi ni Francine.
Tumango ako at kinuha ang saksakan at nung maidikit ko ang saksakan eh...
O_________O!!
"Arraaaaaayy!!" Napasimangot ako at napabitaw sa saksakan ng ma ground ako!!
Shet basa nga pala yung kamay ko! Nakakainis!! Hindi ko naalala na naghugas nga pala ako ng kamay!!
"Sht!! Ako na nga!!" Hinila ni Mikko ang kamay ko at sya ang nagsaksak.
"Tss. Ayaw mag iingat!" Napasimangot ako at binelatan nalang sya tapos lumabas ng bahay. Malamig na. Buti nalang naka longsleeve ako.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Dale. Nakaupo sya sa maliit na table sa harap ng bahay habang nakatanaw sa may takip na garden. Nagta tuloy ako. Bakit sya nakatingin dun?
"Dale..."
"Ay Propose!! Potek wag ka namang manggulat Viv!!" Natawa naman ako sa itsura nya dahil nalalag pa sya sa upuan nya. Hahaha.
"Hahahaha. Laughtrip ka talaga!" Tawa ako ng tawa. Sya naman sinimangutan lang ako at tumayo tapos nagpagpag ng sarili.
"Bakit ba??" Nakasimangot na sabi nya. Pinigilan ko naman ang tawa ko.
"Bakit ka nakatingin dun?" Inginuso ko ang garden na sara. Nakita kong nanlaki ang mata nya at parang naging taranta? Luh?
"Ahh! Hahaha! Wala yan!!" Sabi nya. Kaya lalo akong nagtaka
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Teen FictionTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe
