After 3 weeks
"Habulin mo ako yenyen!" Hinabol ko sya. Ang saya sya!
"Ang bilis mo!" Sabi ko.
"Ganun talaga! Lalaki ako eh!" Lumapit sya sa akin. Ako naman umupo dahil pagod na ako.
Ang tagal na nika dito. Aalis na daw sila mamaya. Sabi ni mama sasama daw kami paghatid sa kanila sa aitport. Sa ibang bansa daw kasi ang punta nila. Kaya ngayon nagsasaya na kami dahil paniguradong mamaya ay makungkot na.
"Mga bata! Halina kayo at kumain! Aalis na tayo maya maya lamang!"
"Sige po!"
Nagkatinginan kami. Malungkot ang mga tingin namin.
"Paano ba yan? Aalis na kami?"
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko malulungkot ako ng sobra sobra dahil wala na ulit akong karamay sa pagkabata ko" malungkot na wika ko.
"Wag kang mag alala. Hindi naman kami for good dun, babalik kami after five years"
"Antagal pa nun! 17na ako pagbalik mo at malaki na tayo nun! Hindi na tayo makakapaglaro!"
Bumuntong hininga sya. Tumingin ulit sa akin.
"Babalik ako"
"Sigurado ba yan? Baka naman niloloko mo lang ako ha?"
"Bakit naman kita lolokohin? Hindi ako nagbibiro yenyen"
"Talaga?! Babalik ka??"
"Oo naman. Tara na sa bahay at maliligo na tayo"
Habang naglalakad kami papabalik sa bahay ay nalulungkot ako. Kasi mas papalapit kami sa bahay, mas papalapit ang pag alis nya.
"Wag ka nang malungkot. Nalulungkot din ako eh" sabi nya. Sinimangutan ko lang sya.
"Oh mga bata! Bilisan nyo at magbihis na kayo! Aalis na tayo" nakita namin na bihis na ang mga magulang namin.
******
"Nasaan na ba tayo?" Tanong ni mama. Nandito na kami sa van. Ihahatid sila sa airport. Hindi ako makapagsalita dahil nalulungkot ako. Ayoko talagang may umaalis sa buhay ko.
"EDSA palang tayo eh. Maya maya pa tayo makakarating sa Pasay"
Tumango tango si mama. Nag uusap silang mga matanda. Kami ni Jojo ang magkatabi.
"Mag shoshortcut na ako para mas mapabilis. Kailangan dalawang oras bago ang flight ay nandun na kami"
Mas lalong sumimangot ang muka ko sa sinabi ni tito. Mapapabilis ang pag alis nila kapag ganun.
"Wag ka ng malungkot yenyen, babalik ako" sabi nya.
"Pasensya na. Hindi ko maiwasang malungkot eh,"
May kinalikot sya sa may bag nya. Bigla syang may inilabas na box. Binuksan nya yun at...
"Wow"
"Ibibigay ko to sayo, simbolo na babalik ako sa buhay mo, at papakasalan kita paglaki ko"
O_____O!
"Kasal agad?? Grabe ka"
"Basta simbolo yan na pag aari kita habang buhay, depende nalang kung tatanggalim mo. Means ayaw mo"
"Hindi ko yan tatanggalin! Promise!"
Pinatalikod nya ako at isinuot ang kwintas.
"Ang ganda! Bagay na bagay sayo!" Sabi ni Jojo.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
JugendliteraturTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe
