Unti unti kong minulat ang mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ako?
Tumingin tingin ako sa paligid. Madilim. Pinakirandaman ko ang pakigid. Alam kong nasa isang higaan ako dahil malambot ang hinihigaan ko. Umupo ako. Medyo may kumirot sa ulo ko. Ano ba yan! Ano ba kasing nangyari?
Ang natatandaan ko lang ay nung tinitigan ako nung lalaking mukang suman dahil balot na balot, tapos yung mata nya! Hinding hindi ko makakalimutan ang mata nya! Kamata nya si J---
"You're awake huh?" Napalingon naman ako. Si Mikko! Binuhay neto ang ilaw.
Nandito pala ako sa kwarto ko?
"Ayos ka na ba?"
"Okay na ako. Paano ako nakapunta dito? Dib--"
"May nagdala dayo dito" gulat akong napatingin sa kanya. Sino naman yun? Yun ba yung lalaking nuyukuan ako?
"Sino naman yun?"
"Hindi nya sinabi ang totoong pangalan nya. Basta kilala mo raw sya."
"Yun lang sinabi nya?"
"Meron pa..."
"Ano?! Pabitin ka eh!" Natawa naman sya.
"Jojo daw eh"
O______O!!
O______O!!
*5 years ago*
Naglalakad ako dito sa may bukid. Dito kami nakatira ng mga mama ko. Palagi akong nandito dahil gusto kong tumulong sa pagtatanim. Maaliwalas rin kasi dito kaya dito ako palagi nahlalakad lakad.
"Anak! Halika muna! Maya bisita tayo!"
Agad namang sinunod ko ang sking ina. Ganito ako kapag may bumibisita sa bahay. Palagi akong exited dahil baka may bata na pwede kong makalaro.
Nagtatakbo ako papunta sa bahay. Nagmano ako kay lolo pagdating ko dun.
"Pasok ka na apo. Hinihintay ka ng bisita natin" tumango ako kay lolo at pumasok ng bahay.
May nakita akong babae at lalaki na kasing edad ni mama at papat. May dala dala silang sanggol. Pero naagaw ng atensyon ko ang lalaking sa tingin ko ay ka edad ko lamang.
Halatang mayaman dahil sa porma. Mau kutis mayaman, maputi, matangos ang ilong, at sa tingin ko ay mas matangkad sa akin ng konti.
"Hello po!" Bati ko! May makakalaro na ako! Dito kasi sa bukid ay wala masyadong bata. Ako lang ata ang bata rito.
"Ikaw na ba si Yenyen? Anlaki mo na ah!" Ngumiti ako sa babaeng kaedad ni mama.
"Kegandang bata ng anak mo pare!" Sabi naman nung lalaking kaedad ni papa ay inakbayan pa si papa.
"Saan paba magmamana?! Edi sa tatay! Haha!" Nagtawanan silang lalaki.
"Tayo ka Josh" pinatayo nung babaeng kaedad ni mama yung lalaking kaedad ko na sa pagkakaalam ko ay Josh ang pangalan.
"Yenyen. Sya si Josh. Josh. Sya si Yenyen. I hope you canbe good friends" sabi ni mama.
Ngumiti ako kay Josh. Ngumiti din ito. Nakipagkamay sa akin
"Waaaah! Bagay sila!" May binunulong si Mama at yung ka edad nyang babae at naghahampasan pa.
"Ipasyal mo sya dito sa bukid Yenyen."
"Opo papa! Tara!"
Hinila ko sya palabas pero binitawan ko rin pagkalabas namin.
"Dun muna tayo sa may puno ng mangga!"
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Ficção AdolescenteTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe