Last Chapter: goodbye

1.6K 28 7
                                    




Vivienne's POV

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit sya aalis? Bakit? Anong gagawin nya sa Amerika?!


"Babalik ka pa ba?" Yan ang tanong na lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam pero naluluha ako. Bakit ba kasi sya aalis?


"I cant tell..."



O________O


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang sinaksak ang puso. Parang hindi ko kaya. Naiisip ko palang na wala sya sa tabi ko araw araw eh naluluha na ako. Bakit pa sya aalis? Kung kelan okay na ang lahat saka sya aalis? Baliw ba sya?!


"Anong gagawin mo dun??" Hindi ko na napigilan na pumatak ang luha ko. Ngumiti sya ng mapait.


"Wag kang umiyak. Baka hindi kita maiwan kapag ganyan ka?" Medyo nanginginig na yung boses nya. Pinunasan nya ang luha ko. Lalo akong naiyak. Niyakap nya ako ng mahigpit.


"Bakit kasi aalis ka??" Umiiyak na sabi ko. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Wag ka nalang umalis..." humihikbing sabi ko.


"Wag kang umiyak..." sabi nya at iniharap ako sa kanya. "Babalik ako Viv. Babalik ako. Babalikan kita. Basta ipangako mong hihintayin mo ako..." his voice breaks. Tumingin ako sa mata nya.



"Hindi ko ata kakayanin..." ngumiti ako ng mapait. "Bakit kung kelan okay na ang lahat saka ka naman aalis? Kung kelan wala ng problema saka ka aalis? Bakit?! Kung kelan masaya na tayo saka ka aalis?! Paano na ako?!" Pinaghahampas ko sya pero pinigilan nya ang kamay ko.


"Viv. Hindi mo naiintindihan. Kailangan ako dun" nagulat ako sa tono ng pananalita nya. Wala ng tao ngayon sa canteen dahil nag alisan na dahil time na. Kami nalang.


Bigla akong nagulat. Bigla syang naging seryoso at walang emosyon. Hindi ko makita sa mata nya ang kislap na nakikita ko kapag nakatingin ako sa mata nya. Parang tinusok ang dibdib ko. Anong ibig sabihin ng pagbabago ng ekspresyon sa muka nya??



"Pero hindi ko kayang wala ka sa tabi ko..." yumuko ako at tumulo ang luha ko.


"Kayanin mo para sa sarili mo..."



Napayuko ako lalo. Patuloy ang luha ko sa pagtulo. Sinasaktan nya ako. Napangiti ako ng mapakla.


"Hindi mo ako kailangang saktan ng ganyan..." sabi ko at tumunghay. Nadisapoint ako dahil ganun padin ang ekspresyon nya.


"Bukas ang alis ko. 12:00pm ang flight ko" bakit kelangan nya pang sabihin yan? Hindi ko nga matanggap na aalis sya tapos sasabihin nya pa yan? Parang lalo akong nadudurog.



Sa nangyayari ngayon. Isang tanong lang ang pumasok sa isip ko na gustong gusto kong malaman ang sagot.



"Pumasok na tayo. Late na..." tumayo sya at umalis.


*********


Labasan na. Hindi ako umiimik hanggang sa maglabasan. Nasasaktan ako. Bakit kung kelan ayos na eh saka mangyayari to? Kung kelan masaya na ang lahat.


Hindi sya umiimik at tahimik lang rin. Tama  nga sila. Isang salita lang pwede ng masira ang tore ng kasiyahan. Bakit ganun?!! Unfair. Gusto ko syang makasama pero bakit pinaglalayo kami ng tadhana? Bakit?! Hindi ba talaga kami para sa isa't isa??



Umalis nalang ako ng hindi nag papaalam sa kanya. Lumabas ako ng room. Muka namang wala syang balak kausapin ako.


"Viv..." naestatwa ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses nya yon.


Humarap ako ngunit nakayuko. Ito na ba? Sasabihin na ba nya na hindi sya aalis dahil mas gusto nya ako?? Ito na yun Viv. Tiwala lang. Alam kong mahal nya ako at hindi nya ako kayang iwan kahit anong mangyari.



"Bakit?"


Pinilit kong ngumiti. Pero hindi ko parin maiwsang maluha. Sa likod  kasi ng positive side ko eh nangingibabaw ang negative side na sinasabing iiwan nya ako. Napatingin ako sa kanya.


Blanko ang ekspresyon ng muka nya. Muling nangibabaw ang negative side ko pero pilit akong naniniwala sa positive side ko na hindi nya ako iiwan at hindi sya aalis dahil mahal nya ako.



"Lets stop this fvcking relationship"



O________O!!!




Hindi ko alam pero tuluyan nang bumagsak ang mga luha na nagbabadyang tumulo kanina pa. Parang sinaksak ang puso ko ng sampung beses sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin??


"Nagbibiro ka lang diba??" Lumuluhang sabi ko. Napabuntong hininga sya pero wala parin syang emosyon.



"Hindi ako nagbibiro..." sabi ny at tumingin sa mata ko at binitawan ang katagang nagpabagsak ng tuluyan ng mundo ko.




"Hindi na kita mahal. Break na tayo"


With that. He left me. Crying. Begging hin to stay but he reffuse. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naglakad lang ako. Hindi ko alam kung saan ako napadpad dahil hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko.



Bakit?! Bakit sya nakipag break sakin?! Sabi nya mahal nya alo pero bakit sya nakipag break sakin?? Hindi ko naman sya sinasaktan diba? Okay naman kami kanina diba? Pero bakit ganun? Bakit sya nakipaghiway ng hindi mannlang hinihingi ang opinyon ko??


Pinolroblema nya ba kapag nasa ibang bansa na sya? Pwede naman kaming magtawagan sa cellphone ahh? Bakit sya nakipaghiwala eh ang dami namang paraan para maging konektado kami sa isa't isa kahit na malayo sya??


Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Napatingin ako sa langit. Hapon na at medyo madilim na. Saka bumuhos ang luha ko. Bakit kasi sya ganyan?! Bakit nya ako shinota (sorry sa term) kung hindi nya naman pala kayang panindigan? Nananahimik ako tapos sasabihin nyang mahal nya ako tapos eto ngayon ang nangyari! Tama nga sila. Kahit anong gawin mo iiwan at iiwan ka parin ng taong ang hanap eh mas higit pa sayo. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na wala na kami at hindi na nya ako mahal. Marami akong gustong itanong pero mukang wala naman syang balak isagot.


Kailangan ko syang kalimutan. Tama!! Kakalimutan ko sya!! Hindi na nya ako mahal diba? Dapat hindi ko narin sya mahal!! Makaka move on din ako. At sa oras na nangyari yun. Wala na si nerdy Boy sa buhay ko

Wala na si Badboy sa buhay ko

Wala ng BB sa buhay ko

Wala ng Josh sa buhay ko

Wala ng Joshua Espiritu sa buhay ko...




Joshua's POV

Pag uwi ko sa bahay eh hinagis ko agad ang unang bagay kong nahawakan. Tangina!!! Hindi ko kayang makita syang nahihirapan pero kailangan ko to.


Kanina parang dinudurog ang puso ko dahil umiiyak sya sa harap ko at ayaw na ayaw ko syang umiiyak. Oo. Gago ako. Isa akong malaking gago. Nakipaghiwalay lang ako sa kanya dahil baka hindi ko kayanin at hindi ako makaalis ng Pinas habang kami pa. Iniisip ko palang na iiwan ko sya eh halos sapakin ko na ang sarili ko.



Mahal na mahal ko sya. Pero kailangan ko tong gawin. Para to saming dalawa. Babalikan kita mahal ko. Pinapangako kong hindi ito ang katapusan ng storya natin. Pangako

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon