chapter 29: past(part2)

1K 27 0
                                    

Vivienne's POV

"Viv..."

Nanatili akong naka ubob sa tuhod ko. Hindi ko mapigilan ang pag luha kapag naaalala ko ang nangyari kanina.

"Okay ka lang ba?! Tangna! Mapapatay ko ang gumawa sayo nyan!" Gigil na sabi ni Mikko. Napatunghay naman ako. May kasama syang dalawang lalaki. Si Damon at kung hindi ako nagkakamali ay Dale ang isa.

Nasan si yabang?

Kanina pag ub ob ko ay pinakiramdaman ko kung nandyan pa sya. Pero pag tunghay ko ay sila na ang nandyan. Nasan na sya?

"Mikko..." Mahinang sabi ko. Nakita ko syang niyaya yung mga kasama nya na lumabas ng kwarto

Hindi ko alam pero naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Ayoko na dito! Ayoko nang maulit yung dati!

Flashback

5 years ago...

Pagkagising ko ay bumangon agad ako. Matapos ang pagsilip namin sa stars kagabi ni Jojo eh natulog na kami. Agad akong bumangon sa kama.

Pumumta ako sa banyo para mag toothbrush at mag hilamos. Then lumabas ako ng banyo at kinatok ang kwarto ni Jojo.

Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa bintana. Madaling araw palang at medyo madilim pa pero tanaw ba tanaw ko ang isang lalaking nakatingin sa akin!

Kinilabutan ako kaya agad kong sinargan ang bintana--na hindi ko alam kung bakit bukas-- at nagmadaling pumasok sa kwarto ni mama at papa.

"Ma..." Inuga ko ang paa ni mama.

"Hmm...?"

"Ma natatakot ako..." Yun talaga ang naramdaman ko. Hindi ko alam pero pagtapos kong kilabutan eh nakaramdam ako ng matinding takot.

"Bakit naman anak?" Bumangon si mama.

"Kasi mama..."

"Ano?" Tanong pa ni mama.

"Bakit bukas yung bintana sa labas?"

"Haha. Ikaw talagang bata ka! Sino namang magbubukas ng bintana sa labas?" Medyo natatawa pang sabi ni mama.

"Pero ma! Totoo yun! Natatakot ako ma!"

"Bakit. Ano bang nakita mo?" Parang nagtataka na rin si mama.

"Ma may nakita akong lalaking naka itim na nakatingin sa bahay natin! Ma!" Takot na takot talaga ako. Feeling ko parang may mangyayaring masama

Nakita kong medyo nagtaka si mama pero nginitian nya ako.

"Sya pumunta ka nalang kay jojo at paniguradong gising na ang batang yun" tumango nalang ako kay mama at lumabas na ng kwarto nila. Nakita ko si Jojo na lumabas ng banyo.

"Good morning!" Nakangiting bati nya.

"Good moring din!" Sabi ko. Nakangiti. Pero di parin nabawasan ang kaba ko.

"Parang kabado ka? May problema ba?" Takang tanong ni  Jojo. Umiling lang ako at ngumiti.

Lumipas ang oras at oras na ng agahan. Nagluluto na sina mama at tita tapos si papa at tito ay tinutulungan sila. Yung batang kapatid ni Jojo ay natutulog pa.

"Tara! Lakad lakad muna tayo" tumango naman ako kay Jojo. Naglakad kami papalabas ng bahay.

Napatingin ako kay Jojo ng mapatigil ito. Kaya tiningnan ko sya. Tiningnan ko kung san sya nakatingin dahil parang gulat na gulat sya at...

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon