chapter 7

1.9K 40 5
                                    

Nandito na ako sa school. Vacant namim ngayon. Gusto ko sanang matulog kaso wala naman akong mapwestuhan dahil umuambon. Alangan namang magpaulan ako?? Wag nalang. Baka akalain nilang nagmomoment ako. Sleeping in the rain kumbaga.

Naglakad lakad nalang ako para hindi ako antukin. Yung mga nakakasalubong ko eh napapatingin sa akin-- este sa eyebags ko. Pake ba nila? Inggit ba sila?? Edi gumawa sila ng kanila. Ang hirap kaya! Pinagpuyatan ko to eh!

Naglalakad lang ako ng matanaw ko si nerdy boy. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lapitan ko sya.

"Huy!" FC ba ako?? Pasensya. Bigla nalang kasi yang lumabas sa bibig ko. Napatingin sya sa akin. Medyo nanlaki yung singkit nyang mata dahil papalapit ako sa kanya.

"What?" Ang sungit. Busy ata sa pag aaaral eh! Nakakahiya namang mang istorbo!

"Wala. Paupo sa tabi mo." May bunong kasi sa pwesto nya at malamig ang simoy ng hangin. Ang sarap matulog kaso lalaki tong katabi ko. Tss.

"Ashkhgg" bulong nya na hindi ko naintindihan. Hindi naman ako nainform na may lahi pala syang bubuyog. Bulong ng bulong hehe. Tawa kayo! Lugi ako! Haha.

Makausap kaya sya?? Sabi kasi nila bored daw kausap ang mga nerd dahil wala daw alam sa gimik ang mga yun pero alam kong iba si Nerdy boy na to. Wala lang. Feeling ko lang ay iba sya. Wag nyo bigyan ng meaning! Walang meaning meaning!!!

"Psst!" Sitsit ko kay Nerdy boy. Tumingin ito at halatang naistorbo dahil nakataas ang isang kilay na akala mo eh... Tss. Wala yon.

"What again????" Sabi nya.

"Hindi ako nainformed na hindi pala nagtatagalog ang nerd??" Sabi ko. Umirap lang sya. At natawa ako dun! Hahaha..muka syang baklang tae!

"Tss" tumalikod sya sa akin at kakikot ng kalikot sq bag nya. Kanina pa sya kalikot ng kalikot wala naman suang nakukuha. Tss.

"Ano bang hinahanap mo dyan??" Sbi ko. Wala akong makausap kaya sya nalang ang kakausapin ko. Pagtitiusan ko nalang ang kasungitan nya.

"None of your business!" English nanaman! Tss. Konti nalang manonosebleed na ako. Grabe lang.

"Tss. Kinakaibigan ka na nga ayaw mo pa? Edi bahala ka! Tss. Wag kang istorobo ha? Matutulog ako" sabi ko at sumandal at kunyari ay matutulog lang talaga pero nawala na ang antik ko eh.

"K."

Nakakainit pala ng ulo to! Tss. Wala syang kwentang kausap. Lalo lang akong nabored.

"Ganyan ka ba talaga kapag may kumakausap sayo??" Anlaki pala ng pinagkaiba ng badboy sa nerdyboy en noh? Yung isa palaging pasigaw at eto naman palaging tipid. Ayaw magsayang ng laway.

Napatingin naman sya sa akin. Actually iba sya sa mga nakikilala kong nerd. Yung iba kasing nerd puro libro ang hawak pero yung sakanya eh ipad tapos pagkain. Lupit lang noh?

"Oo"

Hindi na ako magtataka kung tatanda syang binata. Napaka boring eh! Dapat sa kanya mag pari nalang kesa naman pagtiisin nya ang mga babaeng kakausap sa kanya. Tsk.

Tumayo ako. Ang boring. Hindi ko na kaya.

"Nerdy boy tata sa canteen" sabi ko at nag inat inat. Sya lang yung pwede kong yayain dahil lahat ng kakilala ko eh may klase pa.

Tumango ito at tumayo ng hindi umiimik. Infairness. Ang tangkad pala nya. Baba lang nya ako eh. Naglakad na kami. Inayos pa nya yung makapal nyang salamin.

Ng biglang may nakasalubong kami. Yung mga nantitrip kay nerdy boy noon. Tanda nyo pa?

"Viv! Wag kang sumama dyan! Basura yan dito eh!

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon