Vivienne's POV
Ang ganda ng panaginip ko. Matutulog na daw ako tapos may nakita akong isang lalaking malabo ang muka pero pamilyar ang boses nya.
Hinalikan nya ako sa noo. Kaso epal si Mikko! Ginising ako! Nandun na ako sa lovelife ko eh!
Lumabas ako ng kwarto ng nakapikit dahil sa hikab! Antok pa ako at gusto ko pang matulog tapos itutuloy ko yung panaginip ko! Nakarinig pa ako ng bukas ng pinto kaya nagtaka ako. Pagmulat ko...
O_____O!!
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sabay naming sabi! Nakaturo pa ako sa kanya! Anong ginagawa ng manyakis na mayabang na yan dito?!
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!" Turo ko sa kanya.
"Ano ba yan Vivienne! Agang aga sigaw ka ng sigaw! Dito sya natulog okay?!" Inis na sabi ni Mikko. Sumulyap ako kay Joshua! Binelatan ako! Inambaan ko sya ng suntok!
"Viv!"
"Tss" palagi nalang akong napagtutulungan! Nakakainis!
"Bumaba ka na don at mag agahan" wala akong nagawa kundi sunudin si Mikko. Palibhasa lalaki!! Dapat mas matanda ako eh para ako nasusunod at hindi si Mikko!
Inis akong umupo sa dining area. Buti sana kung si Claire ang natulog dito. Eh hindi naman eh! Bakit yung mayabang na yun pa?!
Kumuha lang ako ng pancake. Wala akong ganang kumain! Tss. Nakakunot ang noo ko habang nasubo. Ewan ko pero naiinis talaga ako!! Bakit kasi nandito yung manyakis na mayabang na yon?!
"Hi Babe"
*cough**cough*!!
Agad akong uminom ng tubig. Bakit ba biglang sulpot ng sulpot tong si Joshua na to?!
"Ayos ka lang?" Nagulat ako ng himasin nya ang likod ko pero tinapik ko yung kamay nya. Inis akong tumayo at pumunta sa kusina. Ayoko na kumain. Nilagay ko na sa lababo yung pagkain na dapat ay kakainin ko. Sorry Lord! Ngayon lang to! Pramis!
"Tinatano--"
"Oo ayos lang ako!" Inis na sigaw ko sa kanya. Pumunta nalang ako sa sala at binuksan ang tv.
"Babe..."
O____O!!
"Tigilan mo nga yang Babe na yan! Hindi ako baboy!" Inis na sabi ko.
"Joshua kakain tayo" tss. Wala na akong ganang kumain. Nakakawalang gana eh. Umalis naman agad sya nung tawagin sya ni Mikko.
Wala namang magandang palabas eh! Tss. Cartoons lang ata maganda. Pinatay ko nalang ulit yung tv. Ang boring talaga kapag sabado. Wala akong magawa.
Palagi akong bored kapag walang pasok eh. Alangan namang makipaglaro ako sa mga bata sa labas? Tss.
"Mikko!" Sigaw ko.
"Oh?!" Hahaha. Ganito kaming dalawa. Sigawan palagi.
"Balita ko may bagong lipat na kapit bahay."
"Aba! Edi tingnan mo!" Aba't!! Inis akong tumayo at lumabas ng bahay. Mukang meron nga dahil may nakita akong lalaking nakaupo sa harap ng bahay. Mukang ka edad ko lang. Matanong nga.
"Psst!" Napatingin naman ito sakin at binigyan ako ng nagtatakang muka.
"Kayo ba yung bagong lipat dyan?" Tanong ko. Bali nakatiad ako dahil ang taas ng bakot ng bahay namin.
"Yeah. Pwede mo ba akong itour dito? Para mapamilyar ako" sabi nung lalaki. Tutal wala naman akong magawa sa bahay eh sasamaham ko nalang sya.
Lumabas kami at nagsimula nang maglakad. Buti nalang at hindi mainit.

BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Teen FictionTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe