chapter 18:intrams(Day2)

1.4K 55 10
                                    

Vivienne's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa room. Na lutang parin. Nerdy boy?! Sya si nerdy boy?! Hindi ako naniniwala! Oo kaboses nya pero hindi ako maniniwala hanggat hindi si nerdy boy ang nagsasabi.

Kagabi puyat ako sa pakikipagtalo sa konsensya ko kung maniniwala ba akong sya si nerdy boy. Oo katindig at kaboses nya pero hindi ganun si nerdy boy!

Si nerdy boy ay mahiyain at-basta malaki ang pinagkaiba nila ni nerdy boy!

Tsaka nasaan si nerdy boy kahapon? Bakit hindi man lang ako sinoportahan non! May pinag samahan naman kami ah! Naging magkaibigan nga kami eh! Tss.

Alam nyo bang nagpadala nanaman sa akin ng regalo yung nagpapadala sa akin! Tss. Pinadalhan ba naman ako ng pabango kanina!!

Anong tingin nya sakin mabaho?! Tsk! Oras na makita ko yon eh mabubugbog ko yon! Iniinsulto ako eh!

"Viv!" Napatingin ako sa sumigaw. Napangiti ako.

"Claire! Mukang nag iimprove ka na ah!" Mukabg masigla na sya tapos tumataba na.

"Pinayagan na kasi ni mommy akong magpa opera. Basta daw inumin ko ang gamot ko"

"Talaga?! Im happy for you!" Sabi ko. Sa wakas ay gagaling na sya.

"Congrats nga pala kahapon! Hindi ko inaakalang may igagwapo pala si nerdy boy!"

Napatingin naman ako sa kanya. Naniniwala syang si nerdy boy yon?

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Takang tanong nya.

"Hindi ako naniniwalang sya si nerdy boy"

"Naman! Kamukang kamuka kaya! Hindi mo ba nakita muka nya?"

Takang tanong nya pa! Paano ko makikita eh sa tuwing haharap sya sa akin ay nakayuko sya oh di kaya naman ay naka shades at kung ano ano pa.

Umiling lang ako sa kanya bilang sagot sa katanungan nya.

"Sabagay. Pansin ko lang na lagi syang nakayuko kapag magkaharap kayo."

Tumango ako dahil yun ang totoo. Naglakad kami papunta sa room.

"Si nerdy boy ba talaga yong kahapon?"

"Oo nga! Ang kulit mo namab girl! Sinabi na nya ang pangalan nya diba?!"

"Waaaah! Ang gwapo pala nya! Tara abangan natin sa gate"

Narinig namin ang bulungan. Isa pa yung pangalan na yun! Bakit parang sobrang pamilyar ng pangalan na yun? Tsk. Ginugulo ni nerdy boy ang utak ko!

Someone's POV

Second chance. Yan ang narinig kong tanong kay Vivienne kahapon. Kaya nya kaya akong bigyan ng second chance matapos ng nagawa ko sa kanya nung mga bata pa kami?

Sabi nya masamang tao ka man oh hindi eg deserve mo ang second chance.

Pero paano kung malala yung nagawa ko? Mapagbibigyan mo pa kaya ako Viv?

Matagal ko ng sinimulan ang pag hingi ng sorry sayo. Pinadadalhan ko sya ng regalo pero hindi nya ginagamit.

Paano ko nalaman? Saka ko na sasabihin sa inyo.

Basta kahit anong mangyari hihingi ako ng tawad sayo, YenYen ko...

Mikko's POV

"Boss?"

Nakatulala si boss kanina pa. At nag bato bato pick kami kung sino yung mag popoke sa kanya. At nataya si Damon! Hahaha!

"Bos--"

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon