chapter 1-going home

5.8K 97 0
                                    

Vivienne's POV

Hiiiiiiii!!!! Ako nga pala si Vivienne Din. At nandito ako ngayon. Naglalakad sa park dito sa subdivision ng tito ko sa Batangas. Sinusulit ko na dahil malapit na ulit ang pasukan at college na ako kapag pumasok na ako.

17 years old nga pala ako. Mag aaral ako sa MU. Oo. Ang weird ng pangalan ng school kong papapsukan no? Hindi ko alam ang meaning pero yung letter 'U' ay University. Hehe. Yun lang alam ko eh. Baka kasi bitter yung nagpagawa kaya ganun.

Bukas ng madaling araw ay aalis na kami dito. Kaya kami nandito dahil sa kapatid ni daddy na nag yaya sa bahay nila kami mag summer. Maganda naman dito. Malinis yung paligid. Nasa loob kasi ako ng subdivision.

Mahigit nang isang oras akong naglalakad kaya nung nakakita ako ng bench ay umupo muna ako. Masakit na yung paa ko hindi ko pa nalikibot ang buong subdivision. Hapon na rin. Tanaw ko pa naman yung bahay kaya okay lang.

Napatingin ako sa paligid. Park pala to. Marami raming bata ang naglalaro. Medyo konting teenager. Naagaw ng atensyon ko yung isang lalaking nakatingin ba yun sakin? Problema nito? Tss.

Tumayo na ako. Makabalik na nga. Baka kung ano pang mangyari sa akin eh.

Naglalakad na ako papabalik sa bahay. Medyo madilim na at ilaw nalang ng kalsada ang kita ko. Tanaw ko naman ang bahay dahil maramimg ilaw. May celebration kasi dun ngayon.

Nagulat ako ng biglang namatay yung ilaw. Pati yung ilaw sa bahay namatay. Hindi ko na ito matanaw. Nag brown out ba? Haaalaaaaa. Paano na ako uuwi neto? Wala akong makita kundi yung moon.

Naglakad lakad nalang ulit ako. Hindi naman ako siguro matatakid noh? Malinis naman dito eh.  Sana hindi ako matak--

O____O!!!

"Hmmp!" Bigla akong natakid sa hindi ko alam na bagay. Waaaa. Kasasabi ko lang na wag akong matakid eh!

Pero bakit ganun? Parang hindi ako bumagsak sa lupa? Natakid ako diba? Oh baka naman nagiimagine lang ako na natakid ako? Baliw na ako.

Biglang bumukas ang ilaw at...

O____O!!

Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Sht. Sanay akong magmura pero sa isip lang.

May... May... May gwapooooo. Oo. Gwapo! Sinalo nya ako! Nakakahiya! Ang tagal ko sa posisyong yun tapos baka nangalay sya!

"S..so...rry" nautal pa ako. Nakakahiya talaga!

"Tss. Nakakangalay" sabi na eh! Nangalay sya! Haaaay. Nakakahiya talaga ako.

"Pasenysa na..." Lalampasan ko na sana sya ng biglang hawakan nya ako.

"Anong pangalan mo miss?" Bakit parang kapag nagsasalita sya ay hindi sya sanay sa tagalog? Baka foreiner.

"Ahm... Vivienne... Bakit?"

"Hmm... Wala" tapos tumalikod na sya. Tss.

**********

Sa wakas!! Naka uwi na kami sa bahay namin sa Manila. Mahigit dalawang buwan kaming nandun sa Batangas eh.

"Baby!!" Ayan nanaman yung clingy kong kapatid. Haaay.

"Tss. Mikko!" Sabi ko. Akala ko kasi yayakapin ako! Yun pala ang yayakapin nya ay yung batang kapatid nya.

Actually hindi ko sila kapatid. Pero kadugo ko sila dahil anak sila ng kapatid ni mama. Pero namatay ang parents nila kaya dito na sila nakatira. Only daughter ako. Pero masaya palang magka-kapatid dahil may kasama ka lagi kapag pinapagalitan ka. Hahaha.

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon