Vivienne's POV
Its nice to see again my bestfriend. Kinuha nya ang number ko at binigay ko naman kasi alam kong hindi nya ipagkakalat yun.
Nandito ako ngayon sa school. Sa detention. Dahil nag cutting ako kaya na detention ako. Ang banas pa naman dito. Hindi talaga nila pinalagyan ng aircon at upuan dito para daw yun ang parusa sa mga may kasalanan. And guess what? Mahigit tatlong oras na ako dito at pawisang pawisan na ako!!
"Viv, youre time" yown!! Buti naman. Agad agad akong lumabas ng detention room.
Kanina inisip ko lang kung papasok si yabang bukas. Nakakainis na sya!! Bakit hindi sya pumapasok?! Oo simula nung isang araw na nag cutting ako eh hindi sya pumasok! Hanggang ngayon!!
Nakakainis. Yun parin ba ang dahilan nya? Baka naman totoo yun?! Eh bakot ganito ako?! Bakit hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagalan?! Bakit bigla nalang atang nawala ang galit ko at... At... Namiss ko sya...
Sana naman pumasok na sya bukas. Masasayang yung regalo ko kapag hindi sya pumasok. Tsaka bukas last day ko syang makikita dahil magbabakasyon na.
Isa pa si Mikko! Sabi nya nasa China daw sya!! Ang daya nya!! Hindi man lang ako sinabihan sumama sana ako!! Ggrrr. Halos lahat ng tao sa paligid ko naiinis ako!
"Viv!" Si Claire. Isa pa sya!! Halos araw araw tutuksuhin nya ako sa inarte ko nung sinabi ni Dale na ayaw daw akong makita ni yabang!!
"Hahahaha. Buti nakalabas ka na?"
"Tss. Ang hirap ng pinagdaanan ko sa loob!" Inis na sabi ko. Totoo naman! Imagine! Walang upuan! Walang bintana! Sarado ang pinto! Walang pangpahangin! Bawal umupo sa sahig! Kaya eto ako ngayon. Haggard na haggard
"Hahaha bakit ka kasi biglang nag cutting nung sinabi ni Dale na—'
"Tss. Tigilan mo ako Claire." Dadali nanaman sya.
"Hahahaha joke lang. Alam ko na naman kung bakit." Hindi ko sya pinansin at sabay kaming nag lakad papunta sa room.
Humiwalay na si Claire sakin kaya pumasok na ako sa room. Asusual kagulo. Lunch na kasi kaya vacant na kami. At wala akong ganang kumain.
Tiningnan ko ang cellphone ko. Ewan ko pero kusang gumalaw ang kamay ko para i-dial ang number nya.
[Hello?] Parang natuyuan ako ng laway ng sagutin nya ang tawag.
[Hello?! Sino ba to??] Parang inis na sabi nya. Napayuko ako at hindi sumagot. Sino ako? Ibig sabihin wala na sa kanya ang number ko kaya ngayon unkwon na ako sa kanya? Wow.
["Sino ba yan?"]
Bigla ko nalang inend ang call ng may marinig akong babae sa background. Ewan pero parang tinagusan ang puso ko mg libo libong karayom sa sakit.
Bakit ba nya ginagawa sakin to? Porket may gusto ako sa kanya? Nakakainis lang. Ang sakit sakit kaya. Tapos rinig na rinig ko pa yung boses ng babae at halatang katabi nya lang.
Parang naiiyak na ako. Ano bang problema nya? Ayos naman kami ah? Bakit bigla syang naging ganun? Siguro totoo nga ang sinabi ni Dale. Kaya ata nya binura ang number ko dahil ayaw nya akong makita. Siguro ayaw na nya sakin.
Kung tutuusin ako lang naman ang may problema. Hindi naman talaga sya ang may problema. Ang problema sakin eh kahit wala akong karapatan eh bakit nakakaramdam ako ng sakit? Bakit parang inaangkin ko sya? Parang iba na ako. Parang iba na ako sa sarili ko. Ano yun? Binago nya ako? Pero wala naman syang ginawa kundi ang saktan ako eh. Sabagay, ginusto ko rin naman to eh. Desisyon ko naman to eh.
Nakakainis lang na ayaw ko syang iwasan kahit gusto ng isip ko. Hays. Totoo pala yung kasabihan na, kapag nandyan pa, pahalagahan mo na, dahil kapag nakahanap yan ng iba, iiyak at iiyak ka
Dale's POV
Potek patay ako kay boss neto!! Puta naman!! Simula nung gumawa ako ng kalokohan eh hindi na sumama samin si Viv.
Potek hindi ko naman akalain na seseryosohin nya yun!! Tsk! Magsosorry na ako bago pa makarating kay boss ang mga kalokohan ko!!
Tsk ano ba kasing pumasok sa isip ko para gawin yun? Oo nga pala. Hinuhuli ko sya at mukang tagumpay naman ako. Hahahaha. Mukang nahulog na sya sa patibong. At alam kong may sasalo sa kanya gaano man kadelikado ang napaghulugan nya.
Labasan na ngayon kami at inaabangan ko si Viv na lumabas. Alam kong magagalit yun sakin. Hahaha. Hindi naman ako ang nangailangan ng benefits ng kalokohan ko eh. Si boss. Sya naman ang may kailangan.
Nagsimula nang maglabasan ang mga kaklase nya. Kaya inabangan ko na sya. Potek para akong stalker dito.
-__-
Agad ko syang hinila ng makita ko. Napatingin sya sakin at kita ko kung paano nanlisik ang mata nya! Napalunok tuloy ako! Potek hindi maganda to. (. .")
"Bakit?" Shes tryin her self to calm.
"Viv——"
"Viv..." Napatingin kaming dalawa sa tumawag sa kanya.
O________O!!
Si Mikko!! Nakabalik na sila?! Potek lalo na akong nalagot dito!
"Tara na. Pre una na kame.." Nakangising sabi ni Mikko. Pagtalikod ni Viv. Nag sign sakin si Mikko na lagot ako. Sinamaan ko sya ng tingin at tumalikod.
Potek lalo akong kinabahan! Patay nanaman ako kay boss kapag nagkataon. Haays. Sasabihin ko nalang kung anong purpose ko kaya ko ginawa yun. Tama.
Baka matuwa pa yun sakin kapag nalaman nya ang purpose ko! Epal lang si Mikko. Tinakot pa ako eh kinakabahan na nga ako.
Pero bakit biglaan ata ang pagbalik nila? Hindi man lang nagpasabi. Oh well. Okay lang. Kukunin ko nalang Pasalubong nila. Reward daw dahil binantayan ko sina Viv.
Vivienne's POV
Bahay
"Nakabalik ka na pala?" Sabi ko.
"Malamang! Nandito na nga ako sa harap mo diba?" Mukang pagod galing byahe!
"Tss. Bakit hindi mo sinabi na aalis ka?! Sumama sana ako!" Nakanguso kong sabi. Sa China pa naman sila pumunta.
"Hahaha. Ayaw talaga kitang kasama kaya hindi na kita niyaya." Nakangising sabi nya habang nagkakalkal ng maleta nya.
"Tss! Madaya ka!"
"Gwapo naman. Ikaw panget ka.." Natatawang sabi nya.
"Wow! Edi ikaw na!!" Tss. Pinapainit nya ang ulo ko!
"Hahahaha joke lang! Ikaw naman. Kaya kita hindi sinama dahil puro lalaki kasama ko..."
Tumango nalang ako. Sabagay. Baka magmuka pa akong malandi kapag nakita nilang kasama ko ay puro lalaki. Gwapo pa naman lahat ng kakilala ni Mikko. Lalo na!
"Na meet mo sina mama sa China?" Tanong ko.
"Oo. Pero ako lang." Bakit naman sya lang?
"Pasalubong ko?" Hehehe. Buti naalala ko. Dapat lang na may pasalubong sya aba!! Hindi na nga ako sinama tapos hindi nya pa ako palasalubungan?!
"Wala..."
"Wala?! Ang daya mo naman!! Hindi mo na nga ako sinama wala pa akong pasalubong!!" Nag iinit na talaga ang ulo ko sa kanya!! Bakit ba ganyan ugali ng kapatid ko?!
"Hahaha! Joke lang! Yung pasalubong mo nasa kwarto mo na. Nag iintay.." And with that, nagtatakbo ako papuna sa kwarto
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Roman pour AdolescentsTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe