chapter 25:king and queen

1.3K 50 2
                                    

Vivienne's POV

Uwaaaaa!! Lunes nanaman! Tsk. Ayokong pumasok dahil ngayon ang last day ng intrams. Weird ng MU noh? Lunes yung last day! Haha bali awarding nalang ang magaganda at tsaka yung mga games na hindi pa nalalaro.

Kailangan daw naka jersey parin! Naman! Ang ikli ikli nun! Sira kotse ni Mikko!

*school*

"Vivienne..." Napatingin ako kay Claire. Kasalukuyan kaming nasa rooftop. Tinatamad kami parehong pumunta ng gym.

"Oh?"

"Alam mo ba nanlilgaw na sakin si Mikko?"

O_____O!

"What?!" Akala ko magpapatulong sta sakin?! Sayang hindi ko nakita kung pano sya maging corny! Haha!

"Hmmm" tango nya ng nakangiti.

"Edi masaya ka na? Hahaha. Buti ka pa masaya na. Congrats. Kamusta na pala yang sakit mo?"

"Sa sabado yung operation day ko Viv..."

Napatingin ako sa kanya. Sana kayanin nya. Alam ko namang kakayanin nya! Para sa Mikko nya!

"Kaya mo yan. Gusto mo pag gising mo nandun si Mikko?" Alok ko. Napangiti naman sya.

"Alam mo talaga kung paano ako papasayahin!" Nakangiting sabi nya.

"Ano pa at naging kaibigan mo ako? Haha" tawa ko pa.

"And what the two of you think youre doing? Pumunta sa gym!"

O___O!!

Shete ang principal! Agad kaming napatayo at nagsabing

"Yes maam!" Sabay binilisan ang lakad papunta sa gym.

**

"Okay. Handa na ba kayong malaman ang Mr. and Mrs. MU ?!"

"Yeeeeeeeeessssss!!!!" Sigawan ng mga estudyante. Tss. Alam ko namang hindi ako mananalo. Asa!

"Pssst! Panget!" Napatingin ako.

"Bakit yabang?" Tanong ko.

"Dun daw yung mga candidate!" Sumunod naman ako sa kanya. Nagtataka ako sa sarili ko. Bakit kaya ang bait ko sa kanya ngayon? Ano kayang nakain ko? Hahaha.

O_____O!

"Ikaw na umupo... Babae ka eh" napaupo naman ako ng wala sa oras at sya naman ay nakatayo. Gentledog huh?

"Blah blah blah"

Marami pang kung ano anong sinasabi yung host na bakla. Marami pa kasing inaawardan. Yung mga best in Clothes ganyan ganyan

"Babe..."

O___O!!

"Sabi ng tigilan mo yan!" Inis na bulong ko.

"Hahaha. Bakit naman?"

"Hindi naman tayo tsaka hindi ako baboy" inis na sabi ko. Babe nya muka nya.

"Edi baby..."

"Malaki na ako!" Nakakainis! Bakit ba kailangang may ganyan? Kung ano anong nalalaman nya!

"Hahaha. Ang cute cute cute cute mooo!!"

"Aray ano ba!" Hinampas ko yung kamay nya. Mamisil ba naman ng pisngi?! Tss. Mga lalaki talaga napaka bolero!

"Okay. Let me discuss first the position of being Mr. And Mrs. MU. Ang posisyon nila ay parang hari at reyna ng MU. Titingalain sila ng lahat ng tao. Mas mataas ang posisyon nila sa mga officers ng school. And all of you will call them Queen and King as a respect."

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon