chapter 52: Miss me?

1K 32 1
                                    

Vivienne's POV

Umuwi na ako ngayon sa bahay. Hindi ko makausap si Claire. Tulala lang sya kaya umalis na ako tutal dumating na rin si Clyde. Naaawa ako kay Claire. Alam kong lubos na syang nasaktan ng malaman nya ang nangyari kay Mikko. Kawawa naman sya

Nagdadrive ako—este si yabang. Oo. Kasama ko sya. Nagpumilit sya eh! Gusto ko rin naman syempre kaya pumayag na ako! Tatanggi pa ba ako?

"Ano bang sinabi mo sa kanya?" Kanina pa tanong ng tanong kung ano ang sinabi ko kay Claire. Hindi kasi nya alam.

"Usapang babae yun. Wag mo sabihing gusto mo pang malaman?" Kunot noong tanong ko. Napatingin ako sa kanya ng hindi sya sumagot

Nagulat ako dahil nakangisi sya habang nakatingin sa side mirror. Napatingin din tuloy ako!

O__________O!!!

O__________O!!

Kinilabutan ako bigla sa nakita ko at napaiwas ng tingin at hinabol ang hininga ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko.

Kotse ni Mikko yung nasa likod!! Oo! Tama kayo ng nabasa!! Kotse nya!!!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Mikko wag ka namang magmulto!! Natatakot mo ako eh!! Napasandal nalang ako at iniiwasang mapatingin sa side mirror. Si yabang binilisan na yung pagpapatakbo!

Ng makarating kami sa bahay eh nagulat ako ng hindi kami tumigil!

"Hoy! Dun na yung bahay namin!" Sigaw ko kay yabang.

"Alam ko" nakangising sabi nya.

"Alam mo pala eh! Edi ihatid mo ko dun!" Nakita kong sumeryoso ang muka nya at tumingin sakin.

"Hindi ka safe dun! Kita mong puro lalaki kapit bahay mo!" Sabi nya. Sige. Gusto nya ng sigawan? Pagbibigyan ko sya.

"Eh hindi rin naman ako safe sayo! Lalaki ka rin kaya!" I naasar ko lang naman sya. Hahaha. At mukang effective naman at nangunot ang noo nya.

"Wala kang magagawa. Nakasakay ka sa kotse ko eh!" Sabi nya at mukang inis na. Hahha.

"Hahaha. Joke lang naman. Pikon neto..." Bulong ko habang naanguso.

Itinigil nya ang kotse sa building condo unit nya. At pinagbuksan nya ako ng pinto kaya lumabas ako. Muntanga naman sya kung hindi ko sasakyan ang trip nya. Infairness. Gentledog sya. Hahahaha.

"Hoy bilisan mo!" Sigaw nya.

"Tss." Suminghal lang ako at pinigilan ang pag ngiti. Sumunod ako sa kanya.

Pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya mas lalo kong binilisan ang lakad. Tumabi ako kay yabang! Nakakakilabot! Wala naman kasing tao sa parking! Please lang Mikko kung magmumulto ka wag naman ako! Kapatid mo kaya ako! Parang awa mo na alam mo naman na takot ako sa multo eh!

"Muka kang natatae..." Sinamaan ko ng tingin si yabang!

"Ang yabang mo!" Sabi ko. Tss.

Pumasok na kami sa elevator at pinindot na ni yabang ang floor number. Napatingin kami sa tao sa loob ng elevator. Sexy na babae tapos maganda. Bali nasa tapat namin sya.

"Witwew..." Napatingin ako kay yabang na nakangising nakatingin dun sa babae. Bigla nalang akong nakaramdam ng inis! Kahit kelan mga lalaki manyakis! Nakakita lang ng maganda mahal na agad!

Nung magbukas ang elevator eh nauna na akong lumabas. Bahala sila dyan.

"Huy hintayin mo ko!" Sabi ni yabang. Tss! Bahala ka jan!!

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon