chapter 22:celebration

1.4K 35 1
                                    

Vivienne's POV

"Ikaw nalang mamili ng lulutuin mamaya Joshua" sabi ni Drake. Myembro din ng basketball team

"Sige..  Pero isasama ko si Vivienne"

"Bakit ako?!" Inis na sabi ko. Naiwan kaming lahat sa gym. Nagpaplano para daw sa celebration mamaya sa bahay.

"Samahan mo na sya" napatingin naman ako kay Mikko.

"Mi–"

"Samahan mo sya. Period." Matalim ang tinging sabi nya. Inirapan ko sya. Ano pang magagawa ko? Napapadalas na ang pagirap ko. Nakakainis kasi. Etong school year na to ang pinaka nakakainis!

"Hahaha. Bagay talaga kayo"

"Tumigil ka nga!!" Sabay naming sabi ni Joshua. Nagkatinginan kami kaya sinamaan ko sya ng tingin!

"Ginagaya mo ba ako?!" Sabay nanaman kami!!! Bakit ba ganito sa earth?!

"Yiiieeeeh! Parehas pa sila ng iniisip!" Psh! Hindi ko nalang pinansin dahil baka kapag nagsalita ako ay nagkaparehas nanaman kami ng sasabihin!

"Alis na kayo! Shoo!" Taboy samin ni Damon. Tsk. Inis akong tumayo. Sumunod naman yung mayabang na manyakis.

"Yieeeh! Have a good one! Haha"

Nagtawanan ang mga loko! Hindi man lang ako pinagtanggol ni Claire!

"Ano ba!" Inakbayan ba naman ako! Sipain ko sya sa muka eh!

"Tss. Pakipot ka pa" nakangising aso sya. Muka syang aso!!

"Anong pakipot ang sinasabi mo dyan?!"

"Alam ko namang gusto mo ako" hah?! Hindi ko narinig!! Ang lakas kasi ng hangin! Sana madala ng hangin yang kayabangan at kamanyakan nyan!

"Hah! Baka ikaw ang pinaka ayaw kong tao sa mundo!"

"Talaga? Alam mo naniniwala ako sa kasabihang ang pinakahate mong tao ay ang pinakamahal mong tao" napatingin naman ako sa kanya. Asa! Hindi ko sya mamahalin! Mamatay nalang ako!

"Kung ano anong lumalabas dyan sa bibig mo!" Inis na sabi ko at inunahan na syang maglakad

"Wait Babe!!"

Nagulat ako ng sumigaw sya!! Ano?! Tinawag nya akong babe?! Muntik na ata akong masuka! Napatingin nga yung tao sa paligid!

"Waaaah! Sila na talaga!!"

"Sayang! Liligawan ko sana si Joshua"

"Gaga! Dapat lalaki ang nanliligaw hindi babae!"

Bulungan nanaman! Nakakasawa na! Nakakarindi yan!  Mas binilisan ko ang lakad ko. Bahala syang maiwan dyan!

"Dito Viv!" Napatingin ako. Tss. Nakamotor sya? Eh nakajersey nga ako!

"Pasasakayin mo ko dyan?!" Inirapan ko sya. Nakita kong tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Tsk" nagulat ako ng hubadin nya yung warmer nya.

"Oh!" Hagis nya. Ako naman ay itinali yung warmer nya sa binti ko. Ayan okay na!

"Oh!" Muntik na akong matumba! Ihagis ba naman sayo yung helmet!

Sinuot ko yun at sumakay na sa motor nya.

"San ako kakapit?"

"Sakin malamang!"

O____O?!

"Sayo?! Wag nalang!" Bakit kasi motor gamit nya?!

"Tsk!" Nagulat ako ng kunin nya ang kamay ko.

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon