Vivienne's POV
Tss. Nakatingin ako sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang mga sasakyan.
Ano pang magagawa ko eh naisakay na ako sa kotse ng mayabang na to?! Kung lalaki lang ako nabasag ko na bungo nyan eh.
"Hoy..."
-___-(wala kunyaring naririnig)
"Hoy panget!"
Hindi ko parin pinapansin. Maka panget sya! Mas panget nga sya sakin!
"Tss. Mga babae talaga sakit sa ulo"
O____O!
"Hoy! Kung hindi mo ko sinama sama edi sana wala kang intindihin!!! Tapos sasabihin mo kaming mga babae sakit sa ulo?!!!! Baka kayong mga lalake ang sakit sa uloo!!!" Inirapan ko sya at humarap sa bintana. Neknek nya! Mas masakit sya sa ulo!
Hindi na sya umimik o baka naman naspeechless. Tss. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Pumasok kami sa isang mayamang subdivision. Sabagay muka naman syang billionaryo eh. Ugali lang yung hindi.
Ang layo naman ng bahay nila. Grabe yung agwat ng mga bahay dito. Isang baranggay ata ang agawat ng bawat bahay eh.
Pumasok kami sa isang napakalaking gate.
O______O??!!!
Ang ganda naman ng bahay nila?? Ang laki! Akala ko nga mansyon ni Ivu Aguas eh! Ang yaman pala ng mayabang nato! Kaso masama ang ugali nya.
Ang linis nung swimming pool tapos may fountain. Tapos may mga isda. Grabe. Ilan kaya silang nakatira dito? Anlaki kase. Pinark nya ang kotse.
"Baba na"
"Ayoko nga..." Neknek nya! Kahit maganda bahay nya eh hindi ako bababa! May kasalanan kaya sya sakin!
"Tsk! Isa!"
"Dalawa!" At balak nya pa akong bilangan? Hindi sya mananalo sakin.
"Ano ba Viv?! Bumaba ka na nga!" Inis na inis yung muka nya. Inirapan ko sya at umiling.
"Tsk! Bakit ba ayaw mo bumaba?!"
"Bakit ba sinama mo ko dito?!" Tanong ko pabalik
"Bababa ka o hahalikan kita?!!!"
O_____O!!
O_____O!?
Umiwas ako ng tingin. Alam ko namang hanggang salita lang sya! Hindi nya kayang gawin yun dahil sa pagkakakilala ko sya kanya eh mayabang na manyak pero may respeto naman kahit konti.
Umiling lang ako. Ayoko parin! Baket? Simple lang. Ayoko syang kasama. Hindi ko sya matatagalan na kasama. Baka mamatay ako. O di kaya naman ay mabaliw ako. Ayaw pa naman ni Mikko ng baliw na kapatid.
"Viv..." Napahara-
O______O!!!!!!!!!!!!
O_______O!!!
MUNTIK ng magkadikit ang labi namin pagharap ko!
"Kala mo hindi ko kayang gawin ang sinasabi ko? Paano kung gawin ko?"
Papalapit ng papalapit yung muka nya. Ako naman paatras ng paatras kaso wala na akong maatrasan!
"Lumayo ka nga!" Kinunutan ko sya ng noo!
"Bababa ka? O hahalikan kita?" Malandi nyang sabi! Napakalandi ng lalaking to!!!!!!
"Hindi ka sasagot?" Ngumisi sya at palapit ng palapit!
3
2
1-"Bababa na ako!!! Baba na ako ha?! Kita mo nakababa na ako!"
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Genç KurguTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe