Vivienne's POV
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Medyo blurred ang paningin ko. Ano bang nangyayari? Ng maging ayos ang paningin ko eh tumingin ako sa paligid. Nasaan ako?
"Gising ka na pala..."
O____O!!
Muntik na akong matumba sa kinauupuan ko dahil sa biglang pagsulpot ni yabang!
"Nasan ako?" Sabi ko at tumayo. This room is very familiar pero hindi ko to kwarto!
"You are in may house..." Bakit ganun? Sobrang familiar ng bahay na to. Anyway...
Tumayo ako at nag inat ng konti. Nakatingin lang sya sakin kaya parang nailang naman ako. Akmang lalabas ako ng pinto ng...
"Where are you going??" Sabi nya.
"Saan pa?! Edi uuwi na!!" Sabi ko! Alam kong nandun si Mikko. Alam kong nakaya nya yung mga lalaki. Alam kong iniintay na nya akong umuwi, alam kong kutob ko ang lahat ng yan, at ramdam ko sa sarili ko na ligtas sya.
"Hindi pwede..." Napatingin ako sa kanya. Seryoso na ang muka nya. Bigla tuloy akong kinabahan. Biglang nagbago ang kutob ko. May nangyari ba kay Mikko?
"Bakit?" Kabadong tanong ko dahil sobrang seryoso ng muka nya!
"Wala kang kasama dun..." Sabi nya.
"Pero nandun si Mikko," sabi ko at umiwas ng tingin. Sana okay lang si Mikko. Sana na kaya nya yung laban na yun.
"Wala sya dun..."
Natigilan ako sa sinabi nya. Wala sya sa bahay? Hahaha baka nagshoshopping na sya dahil Mag papasko na diba? Baka namimili na sya ng pang handa. Cheer up Viv. He's Fine.
"Nasaan sya??"
"Better if you did'nt know..."
O______O!!
O________O!!
Nagsumula na akong kabahan sa mga sinasabi nya. Halatang seryoso at totoo ang mga sinasabi nya.
Okay lang si Mikko diba?? Okay lang sya diba?!!! Ewan pero nagsimula ng mamasa ang mga mata ko!
"Okay lang sya diba??" Yan nalang ang tanging nasabi ko at tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"I... I.... Dont know..." Mahinang sabi nya.
"Okay lang sya!! Sabihin mo saking walang nangyari sa kanyang masama!!" Iyak na ako ng iyak. Niyakap ako ni yabang. Then i felt comfort.
"Dont cry...." Sabi nya pero hindi ko mapigilan ang pag iyak
"Boss..." Sabay kaming napatingin sa nagsalita.
Bumitaw sakin si yabang. At tumingin dun sa lalaking nagsalita.
"Is he okay?" Seryosong tanong ni Yabang...
Inabangan ko ang sagot ng lalaki. Alam kong si Mikko ang tinutukoy nya.
"Sorry but..."
O_______O!;
O__________O!!
"... But he died" bumagsak na ng tuluyan ang luha ko.
"Nooo!! Hindi pwede!! Hindi pwedeng mamatay ang kapatid ko!!" Iyak ako ng iyak.
"Sorry po..." Lumabas yung lalaki.
"Yabang sabihin mo sakin!! Hindi yun totoo diba?! Hindi totoong patay na si Mikko diba?! Sabihin mo saking Hindi totoo yun!!!" Niyakap nya ako. Umiyak ako sa dibdib nya.
No. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala sya!!! Sya kang yung karamay ko sa buhay tapos iiwan pa ako ni Mikko?? How unfair. Bakit ang daya mo Mikko?! Iniligtas mo kami tapos ikaw pala tong mamamatay. Ang daya daya nya!! Sana pala hindi nalang ako umalis kanina!! Sana pala hindi ko sya hinayaan na paalisin kami!! Sana pala hindi ko sya hinayaan na kalabanin mag isa ang mga lalaking yun!!
"Yabang hindi sya pwedeng mamatay...." Umiyak ako ng todong todo. Hindi ko ata kakayanin na mawalan ng kapatid.
Simula palang nung bata kami kasama ko na sya. Hindi kami close dari pero naging close kami ng dahil sa kanya. Sobrang bait nya sakin at kahit hindi nya sabihin eh alam kong itinuring nya akong tunay nyang kapatid kahit hindi nya talaga ako kapatid. Nung mga bata pa kami palagi nya akong pinag tatanggol sa mga kaaway at mga nang aaway sakin. Minsan nga napapaaway na sy ng dahil sa pagtatanggol nya sakin. He really cares for me a lot. Simula bata sanay na akong kasama sya. Palagi nya akong inaasar pero sya lang ang may kakayanang makagawa nun. Sobrang bait nya sakin. Hindi nya ako pinapabayaan. Palagi nya akong inaalagaan kahit na hindi halata. Naalala ko tuloy nung palagi nya akong sinisigawan kapag ginigising nya ako. Palagi akong naiirita sa kanya dahil inaantok pa ako. Pero aasarin nya parin ako. Naalala ko nung bumalik kami galing bakasyon. Yung akmang yayakapin nya ako yun pala si Mia. Nalala ko yung mga araw na kasama ko si Mikko.
Pero wala na. Wala na ang lahat. Wala nang mang gigising sakin sa umaga. Wala nang mang aasar sakin kapag nasa bahay na ako. Wala nang susundo sa akin sa school. Wala nang magtatanggol sakin kapag may nang bubully sakin. Wala na yung kapatid kong makulit. Wala na. Tahimik na ang bahay dahil wala si Mikko.
"Shhh..." He cressed my back. I started crying again.
Mamimiss ko yung Mikkong nangungulit sakin. Mamimiss ko yung Mikkong nang gigising sakin tuwing umaga.
"Tahan na..." Sabi ni Yabang.
"Yabang hindi ko kayang mawala sya..." Sabi ko at tuloy parin ang agos ng luha sa mga mata ko
Joshua's POV
Tangina. Puta!! Bakit ganun?!!!! Bakit pumalpak!!!! Puta!!!! Napatingin ako kay Viv. Inihiga ko sya kanina pero hanggang pag tulog eh iyak sya ng iyak. Tangina!!!!
Hindi ako makapaniwalang namatay sya. Ang alam kong Mikko eh madiskrate yung tipong palaging muntikang mapahamak! Peri bakit hindi nya ginawa ang diskarte nya?!!! Potek!!
Napatitig ako kay Viv. Doble yung sakin na nararamdaman ko kapag umiiyak sya taena. Ang sakit makitang umiiyak yung taong mahal mo. Ang bigat sa pakiramdam.
Naalala ko nung bago namin iwan si Mikko sa bahay. Sya ang nag gawa ng sarili nyang plano. Taena!! Bakit ko kasi sya hinayaan!! Wala akong kwentang boss!! Tangina!!!
Napatingin ako ulit kay Viv. Wag kang mag alalala Mikko. Ako ang bahala sa kapatid mo. Hinding hindi ko sya papabayaan. Alam kong gusto mong ako ang makatuluyan nya dahil ilang beses mo nang sinabi sakin na sana ako nalang ang mahalin ng kapatid mo dahil kilala mo ako. Kapag sinasabi nya yun eh hindi ako lagi sumasagot. Dahil ayokong salita, gusto ko gawa. Wag kang mag alala Mikko. Kung nasaan ka man ngayon eh alam kong masaya ka.
Tumayo ako at pumunta sa drawer. Kinuha ko ang sniper ko. Ipaghihiganti kita.
Akmang lalabas na ako ng pinto ng biglang nagsalita si Viv.
"Saan ka pupunta?" Paos na paos ang boses nya at halatang pagod na pagod sya.
"Sa —" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng umiyak nanaman sya!
"Wag mo kong iwan..." Umiiyak na sabi nya. Hindi ko alam pero nilapitan ko sya.
Pinahid ko ang luha nya gamit ang palad ko. Nakaramdam ako ng sobrang awa sya kanya. Mahal na mahal nya talaga ang kapatid nya kahit kita ko kung gaano sya naiinis kay Mikko.
Nagulat pa ako ng sya mismo ang yumakap sakin at nag iiyak nanaman sa dibdib ko. Hinayaan ko lang sya kung dyan sya komportable. Basta after neto mababawasan ang sakin na dinadamdam nya.
"Yabang joke yung sinabi nung lalaki kanina diba??"
Sabi nya at mas lalo pang sumubsob sa dibdib ko. Napailing nalang ako. Ni rub ko ang likod nya at kinomfort sya. She needs it anyway.
"Yabang bakit ganun? Sya na nga lang ang karamay ko dito sa Pilipinas pero bakit iniwan nya pa ako?"
I just hugged her tight at mas lalo pa syang umiyak ng umiyak.
"Wag kang mag alalala, hindi kita iiwan..."
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Roman pour AdolescentsTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe
