After a month
Vivienne's POV
"Viv!! Maligo ka na kaya!" Sabi ni Mikko!
"Ang lamig lamig naman eh!! Baliw ka ba!!" Sabi ko.
"Para saan ang heater?!" Napakamot ako ng ulo. May heater nga pala kami. Hahaha. Bat ba ang tae ko magpalusot
Marami sigurong nagtatanong kung anong nangyari nung nasa Palawan kami noh? Hahaha ganito kasi yun.
Hindi ko na sya nakita simula ng masabi ko na gusto ko sya. Nakikita ko pala sya sa school pero hindi nya ako pinapansin. Nagpalipat pa sya ng upuan para hindi ako makatabi.
At halos gabi gabi bago ako matulog eh umiiyak ako. Sobrang sakit lang na nung nalaman nyang may gusto ako sa kanya eh lumayo sya. Kahit magkakalase kami parang ang hirap nyang abutin. Marami narin syang tagahanga sa school. Para na syang heartrob ng school. May fanclub na nga sya. Ang pangalan eh Joshuality. Kaya mas lalo akong nanliit. Pero bakit ganun? Sa kabila ng lahat eh parang mas lumalala ang pakiramdan ko. Miss na miss ko na sya. Pero hindi nya naman ako kinakausap. Maski tingin hindi nya magawang ibigay sakin. Kaya Kapag makakasalubong ko sya eh ako na ang umiiwas. Gusto ko na rin kasing makalimutan ang nararamdaman ko. Ang hirap kasi. Tapos nagbago na din sya.
Kada tanghali kasabay namin sila kumain. Pero araw araw syang may kasamang babae. At kada araw bagong babae. Parang naging playboy na din sya. Ano bang nangyayari sa kanya?? Kung hindi nya ako gusto eh wag nyang ipamuka sakin. Sabihin nya at ako mismo ang mag aadjust. Ang sakit sakit kaya. Halos araw araw pinapanalangin ko na maalis na tong nararamdaman ko sa kanya. At halos araw arw eh pinaparamdam nya sakin na wala syang pakielam na nay gusto ako sa kanya. Nakakainis.
Nung nagtapat akk sa kanya. Pagkasabi ko ng mga litanya ko eh umalis na ako. Aasa akong susundan nya ako at sasabihing gusto nya ako pero hindi nya ginawa. Araw araw bago ako matulog eh naaalala ko ang nangyaring yun. At basang basa ang unan ko kakaiyak. Si Mikko nagtataka kung bakit daw tuwing umaga eh halos pumikit na ang mata ko sa singkit. Sabi ko baka nakagat lang ng insekto pero ang totoo eh umiiyak ako gabi gabi.
Hindi pa alam nina Claire at Francine na nagtapat ako. Kaya panay ang tanong nila sakin kung bakit daw kami hindi nagpapansinan ni yabang. Ang sinasabi ko nalang eh wala ako sa mood. Sila naman iniintindi yung rason ko pero halata ko na hindi sila naniniwala at nagtataka parin. Kami lang dalawa ang may alam na nagtapat na ako. Wala akong pinagsasabihan. Ewan ko lang sya. Sabagay. Sa daming babae ang umamin sa kanya na may gusto sa kanya eh baliwala na ako dun. Halos lahat ng babae nya eh magaganda.
"Viv tara na..." Pagkababa ko ng hagdan eh yan ang bumungad sakin. Kinuha ko ang bag ko at sumunod na kay Mikko.
Maraming nagbago sa loob lang ng isang buwan. Lalo na saming dalawa ni yabang. Tila hindi na kami magkakilala. Kaya takang taka silang lahat. Ibang iba kami sa dati. Dati kahit magkalapit kami eh sigawan sigawan kami. Ngayon magkalapit kami, pero walang pansinang nagaganap. Dati halos patayin nya ako kakaasar, ngayon halos patayin nya ako kakaiyak. Dati ang kulit kulit nya, ngayon tahimik na. Dati pumapayag sya kapag pinapabantayan ako ni Mikko sa kanya, ngayon ayaw na nya at magagalit pa kapag nakiusap si Mikko.
"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Mikko.
"Wala naman..."
"Kanina ka pa kaya tulala, si Joshua yan noh?" Sabi nya. Hindi naman ako sumagot. Alam nyang iniisp ko si Joshua dahil nahuli na nya akong nagsasalita mag isa. Hindi ako baliw. Wala lang talaga akong makausap kaya sarili ko ang kinausap ko. Naglabas lang naman ako ng hinanakit kay Joshua. Masyadi na kasing masakit.
"Well ano ba talagang problema??" Sabi ni Mikko. Umiling lang ako.
"Wala kaming problema" sabi ko.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Genç KurguTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe
