Vivienne's POV
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos lumabas na ito sa dibdib ko eh. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at the same time eh masaya.
"Viv. Sasagot ka ba? Nagmumuka kasi akong tanga dito??" Parang nahihiya pang sabi nya. Muntik na akong matawa pero wala ako sa sarili kaya hindi ako natawa.
"Yabang..." Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Parang nalunok ko ang dila ko.
Napatingin ako sa kanya. Tinitigan nya ako sa mata na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Uulitin ko. Pwede ka bang maging akin??"
Mas lalo akong kinabahan ng tagalugin nya ang tanong nya sakin! Parang nag paulit uli sakin ang word na 'maging akin'.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko. Tumingin ako ng diretso sa kanya na...
"...yabang gusto din kita... Gustong gusto kita..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa nalang yang lumabas sa bibig ko.
O_________O!---sya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya oh ano. Gulat na gulat sya sa sinabi ko. Imposible ba talagang magkagusto ako sa kanya? Pero wala eh, nangyari na...
"Dinga??? Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
Natawa naman ako sa reaksyon nya.
"Hahaha. Bingi ka ba?? Gusto rin ki---"
O__________O!!
*CHUP*!!!
5
4
3
2
1
O
Unti unti syang lumayo sakin pagkatapos nya akong HALIKAN!!! Hindi ko alam pero naghalo halo na ang damdamin ko!!
Hindi ko alam kung bakit ko to iniisip pero.... Bakit ang lambot ng labi nya?? Napailing nalang ako at namula.
"Mahal din kita Viv..." Niyakap nya ako ng sobraaaaaaaang higpit!! Ngumiti naman ako at yumakap pabalik sa kanya. Ngyon ko lang narealize na sobrang na miss ko sya.
"Yiiieeeeh!!"
O_________O!!
O____________O!!
Agad kaming napabitaw sa isat isa ng makarinig ng tuksohan!!
"K-anina pa kayo dyan?!" Sabi ko habang medyo lumalayo kay Yabang dahil nandito pala ang barkada!!
"Hahahaha! Oo Viv! Kanina pa kami! Nakita nga namin yu---" natigil ang pagsasalita ni Dale ng batukan sya ng kapatid nya na nag vivideo samin!!
Ibig sabihin kanina pa sila?! At nakita nila yung.... Yung kiss?!! Nagkatinginan kami ni yabang at nagkaiwasan din dahil sa hiya!!
"Hahaha! Wag na kayong mahiya! Tara magsaya tayo!!" Inakbayan kaming dalawa ni Mikko.
Pumasok kami sa bahay. Umupo sa sofa. Bali katabi ko si yabang at nasa sulok kami. Sya yung nasa pinakasulok ng sofa tapos ako, tapos si Mikko at Claire. Yung iba nasa mahahabang sofa. Pinlay nila yung TV. Bali yung pinapanood namin ngayon eh yung movie ni Vice na Beauty and the Bestie.
Pinindot ni Mikko ang sofa at naging kama ito. Binuksan nya rin yung aircon sa sala kaya kumuha kami ng kumot.
"Pakumot din ako..." Napatingin ako kay yabang. Hindi ako makapaniwala na Boyfriend ko na sya at kanina lang nangyari yun. Bali 2:00 am na ngayon. Pasko na. Ang gandang anniv. Pasko.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Fiksi RemajaTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe
